Chapter 5

1506 Words
[WARNING: SPG] Totoo ngang may meeting pang kailangan na puntahan si Brent, kaya pagkatapos namin sa hospital ay ibinaba lang niya ako sa kanto namin. Negative ang resulta namin ni Brent sa STI at normal lahat ng findings. Hindi man lang din niya sineryoso iyong sinabi ko sa kaniya kanina. Tinawanan lang ako ng baliw. Bahala siya. Hindi ako makikipag-ano sa kaniya hangga't hindi siya bumibili. Sa araw na iyon ay hindi muna ako umuwi dahil masyado pang maaga. Pinili kong magliwaliw sa labas. Nagtitingin-tingin ng pwedeng mapapasukang trabaho. Pero ang totoo ay ayaw ko pang makita si Mama sa ngayon, o mas magandang sabihin na ayoko pang makita ako ni Mama. Hindi pa ako handa. Parang ang bilis kasi ng pangyayari. Hindi ko alam kung ano ang iaakto ko kapag magkaharap na kami. Hindi ko alam kung paano ang gagawin o unang sasabihin sa kaniya. Nahihiya talaga ako. Bandang huli, pasado alas siete na ako nakauwi ng bahay. Naabutan ko pang naroon ang tatlo kong kapatid sa sala, matamang nanonood ng TV ngunit nasa mahinang volume lamang. Kaagad kong hinanap si Mama, pero hindi ko maaninag kahit ang anino niya sa kusina. Nang lumabas ng sala ay biglang nagsalita si Liam. "Nasa kwarto na siya, Ate. Maaga siyang natulog ngayon..." Saglit akong tumango bago tinungo ang dating kwarto nila ni Papa, na ngayon ay tinutulugan na ng mga kapatid ko. Ang isa ay siyang kwarto ko naman na katapat lang din ng kwarto nila. Bahagyang nakaawang ang pinto, madilim sa loob at bilang maingat ay dahan-dahan kong itinulak ang pinto. Mula sa kama ay naroon nga si Mama, mahimbing ang tulog habang dinig ko pa ang mahina niyang paghilik at paghinga. Bumuntonghininga ako bago isinarado ang pinto. Tinungo ko ang mga kapatid ko. Maaga pa para sa kanila ang ganitong oras. Kaya heto sila at pinapanood ang paborito nilang palabas. "Kumain na kayo?" Naupo ako sa pang-isahang upuan. Tumango si Lance. "Opo, Ate. Tinola iyong ulam, masarap..." Ngumiti ako. Hindi naman na bago sa kanila si Mama. May muwang na sila noong umalis ito at alam din naman nilang nangibang bansa si Mama. Apat na taon ang nakalipas, si Luna ay nasa junior high school na, grade 10. Kasunod nito si Lance na grade 9 habang si Liam ay grade 6. Bali dalawa ang graduating ko ngayon. Kaya todo ang kayod ko. Lalo at papasok na si Luna bilang senior high school. Sa loob ng dalawang taon na walang paramdam si Mama, sobrang hirap para sa akin na itaguyod sila. Para akong batang ina at ako ang nagpalaki sa kanila. Halos mabaliw ako noon kaiisip kung paano at saan kukuha ng pera. Tumigil ako sa pag-aaral ko para mas mapagtuunan ko sila ng pansin. Para magtrabaho. Sinautak kong hindi bali na ako, basta mabigyan ko sila nang maayos na kinabukasan. "Siya nga pala..." sambit ko nang may maalala, kinuha ko mula sa bag ko iyong tatlong libo at inabot kay Luna. "Ibigay mo ito kay Mama, sabihin mo na magpa-check siya. Kapag kulang ay sabihan mo ako." "May trabaho ka na, Ate?" namamangha niyang bulalas at kinuha na rin ang pera. "Hmm." Alanganin pa noong tumango ako. "Mayroon naman na." "Panggabi ka ba ulit, Ate?" singit ni Liam. Hindi ko alam. Siguro naman ay oo. Tatawagan lang naman siguro ako ni Brent kapag gusto niyang magpainit sa gabi. Palagi ko rin kasing pinipili ang schedule na panggabi, para sa umaga ay pwede kong maasikaso ang mga kapatid ko. Sa hapon na ako nakakatulog at gabi na ring gigising para pumasok. Katulad noong nagtrabaho ako bilang kahera sa gasolinahan. Ganoon din noong pumasok ako bilang cook sa 24/7 na karinderya dahil katabi lang ng bus terminal. Una kong trabaho iyong car washer, kaibigan ko pa iyong may-ari no'n kaya madali lang akong nakapasok. "Hindi ko pa alam," kalaunan ay sagot ko, hindi naman talaga ako sigurado. Pero kung sa gabi nga lang ako kailangan ni Brent ay mas mabuti. Iniisip ko kasi sa darating na pasukan ay balak kong mag-aral. Iyon ay kung makakaipon ako. Sayang din naman kasi. Kaya nagbabalak din ako na pumasok pa ng isang trabaho. Iyong may morning shift, total ay nandito naman na rin si Mama. Ako na lang ang magtatrabaho para sa kaniya at magpahinga na lang siya rito. Kung tutuusin ay kasya naman na iyong sobra sa limang milyon sa pang-araw-araw namin, pero hanggang kailan? Lalo ngayon na maraming gastusin, maraming kailangan pag-ipunan. Hindi nagtagal ay pinatulog ko na rin ang mga kapatid ko. Roon sila sa kwarto ni Mama natutulog habang ako ay mag-isa sa kwarto. Matapos maligo ay maigi ko nang pinapatuyo ang buhok. Mayamaya lang nang may maisip ako. Kinalkal ko ang cellphone sa bag ko at saka isinandal iyon sa tapat ng vanity mirror. Data lang ang gamit ko pero kaya pa naman kung manonood ako. Hininaan ko muna ang volume, kapagkuwan ay binuksan ang browser. Naghanap ako ng magandang mapapanood, iyong tutorial. ‘How to súck a díck.’ Kailangan kong mapanindigan na magaling nga ako sa kama. Kailangan kong maging expert. Para hindi naman nakakahiya sa ibinayad ni Brent. Sa unang clip ay naglalandian pa lang iyong babae at lalaki hanggang sa naunang hubarin ng babae ang pantalon ng ka-partner niya. Nagmamadali at parang may hinahabol. Pareho silang sabik sa isa't-isa habang may ngiti sa labi. Bakat ang ibon ng lalaki na siyang hinihimas ng babae sa kabila ng suot nitong brief. Nang hindi makatiis ay tuluyan niya iyong ibinaba. Doon nga'y parang ibon na kumawala ang makamandag niyang pagkalàlaki. Malaki iyon, maputi at maugat. Biglang lumiit ang kamay ng babae na humahagod dito. Lumapit ang camera sa mukha ng babae, close up at kitang-kita ang kaniyang pagnganga, pati ang pagtutok ng camera sa ari ng lalaki. Roon ay unti-unti niyang dinilaan ang tuktok nito. Napasinghap ako. Hindi ko napansing pigil-pigil ko na pala ang paghinga ko. Maging ang pagsusuklay ko ay natigil na rin pala sa ere. Napatingin ako sa reflection ng salamin at nakita ang sariling mukha na pulang-pula. Bigla ring uminit ang paligid dahilan para maramdaman ko ang butil ng pawis sa aking noo kahit kaliligo ko lang. Walang hiya. Ibinalik ko ang tingin sa cellphone ko. Sa oras na iyon ay halos punung-puno ang bibig ng babae dahil subu-subo na nito ang pagkalàlaki ng kaniig. Taas-baba ang ulo niya, minsan ay lumalandas ang dila niya sa tuktok at katawan nito. Ang isang kamay naman niya ay sumusunod sa pagtataas-baba niya. Mahina ang sounds, pero rinig ko ang mahinang ungol ng lalaki. Halatang sarap na sarap sa ginagawa ng babae. Sobrang init na, pero hindi ko magawang maalis ang atensyon sa video. Palakas nang palakas ang ungol ng lalaki, nasasabunutan na nito ang babae habang siya na mismo ang gumigiya sa ulo nito. Ilang segundo pa ang nagdaan, parang may bulkang sumabog sa loob ng bibig ng babae. Napuno iyon ng kulay puti at malapot. Ngumiti ang babae, walang anu-ano pa'y nilunok nito iyon. Napahawak ako sa batok ko. Lulunukin talaga?? Wala sa sarili nang mapalunok ako at nagpakawala ng sunud-sunod na buntonghininga. Hinila ng lalaki ang kamay ng babae, may kasunod pa sana iyon pero naputol na dahil hanggang doon lang ang video. Tunay ngang parang tutorial lang. Saglit akong natulala sa kawalan. Sa lahat ng problemang kinaharap ko, isa yata ito sa pinakamahirap na gawin. Ang tanong, malaki ba ang alaga ni Brent? Paano kung mas malaki kaysa sa napanood ko? Magkakasya ba? Paano kung hindi? Mapupunit ba ang labi ko? At paano kung oo? Pupunta kami ng hospital? Anong sasabihin ko sa doctor?? Halos mabaliw ako. Bandang huli ay nasabunutan ko ang buhok. Nasa ganoong akto ako nang biglang tumunog ang cellphone ko, may tumatawag. Nang makita ay unknown number. Mabilis ko iyong sinagot sa pag-aakalang mga HR iyon na nakatanggap ng resume ko. "Yes, hello, good evening. Maria Lalaine Martinez speaking," paunang bungad ko. Matagal bago nagsalita ang kabilang linya. Tahimik kahit ang background nito. Mayamaya pa ay tumikhim ito, halatang nangingiti o natatawa. "Good evening, Miss Lalaine. This is Brent," namamaos ang boses, marahil ay patulog na at inaantok. Huli ko nang natanto, masyado na palang gabi para may tumawag pa sa aking HR. "Saan mo nakuha ang number ko?" mataray kong tanong. "Sa manager mo." "Oh, anong kailangan mo?" "Nothing. I just want to make sure na nakauwi ka na sa inyo." "Oo, kanina pa." Kanina pa kami nagkahiwalay 'di ba? Tapos ay ngayon lang siya magtatanong? "Miss mo na ba ako?" pang-uudyo ko para asarin siya. "Hmm... medyo." Humalakhak siya, nagtunog pang musika sa tainga ko ang nakahahalinang pagtawa niya. "Wow! Partida, wala pang nangyayari sa atin niyan, ah? Paano na lang kung mayroon na? Baka hindi mo na ako tantanan. Ayusin mo lang." Para lang kaming casual na nag-uusap. Kahit papaano naman din ay magaan ang loob ko na kausapin siya ng gano'n. May malisya na rin naman na itong mayroon sa amin, bakit hindi pa sagarin? "Mga ilang round ba ang kaya mo?" balik pang-uudyo niya sa akin. "Ihi lang ang pahinga."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD