Chapter 6

1493 Words
Minsan ay gusto ko ring sisihin si Tanya kung bakit masyado akong naimplewensyahan ng mga ganoong salita. Kung anu-ano na lang ang lumalabas sa bibig ko. Nagkukwento naman kasi talaga ito sa akin ng mga naging karanasan niya sa lalaki. At iyon ang sinasabi niya kapag mayroon siyang customer na bet din niya, literal na ihi lang ang pahinga. Gusto ko pa sanang bawiin ang kaninang sinabi ko kay Brent, pero hindi ko naman magawa dahil humagalpak na ito ng tawa. Tawang-tawa siya, kung may katabi lang siguro ito ay kanina pa siya nabato. Hindi ko rin alam kung para saan ang pagtawa niyang iyon. Kung tama bang dahil alam niyang nagbibiro ako, o nae-excite lang siya? "Sure 'yan?" kalaunan ay banggit niya. "Tingnan na lang natin," pagbawi ko, pero mukhang naghahamon pa rin. Minsan naman ay nagpapasalamat din ako kay Tanya kasi naisasalba niya ako kapag kailangan kong patunayang expert nga ako. Pero ayun nga, tingnan na lang natin pagdating sa kama. Pareho na kaming tahimik ni Brent. Parehong pinakikiramdaman ang bawat isa. Rinig ko na lang ang mababang paghinga nito sa kabilang linya. "Patayin ko—" na ba? "May lakad ka ba bukas?" aniya na nagpapigil sa pagsasalita ko, nilamon ng boses niya ang boses ko. "Mayroon..." Tumayo ako sa pagkakaupo ko mula sa tapat ng vanity mirror. Natuyo na ang buhok ko, kaya dumeretso na ako ng higa sa kama. Hinila ko ang kumot habang nasa tainga ko pa rin iyong cellphone. "Saan?" ani Brent na mukhang hindi pa inaantok at walang balak na matulog. "Maghahanap ng trabaho." "Oh? You work for me, right? Why bother?" "Kasi hindi naman sasapat 'yung pera na ibinigay mo sa akin. I mean, sapat siya sa ngayon... pero pagsasawaan mo ba ako? What if hindi? Kung gusto mo pala ng renewal, dapat every after three months." Muli na namang natawa si Brent. Ang lakas ng tawa niya, iniisip ko tuloy ang naiistorbong mga kapitbahay niya. "You want five million every three months?" pag-uulit niya sa hindi makapaniwalang tono. "Sabihin na nating three million, kasi ang two million ngayon ay parang deposit mo sa akin," seryoso namang pahayag ko. "Parang house rental, may deposit at down payment, ganoon." Tumatawa pa rin siya. "Mamumulubi ako sa 'yo, masyado kang mahal." Ganoon talaga, virgin ako, e. Gusto ko sanang sabihin iyon sa kaniya, pero mabuti ay napigilan ko. "Dinaig mo pa 'yung mga under agency na six months ang kontrata," dugtong niya. "Eh, kasi seasonal lang ang tawag sa akin. Sa madaling salita, once a year mo lang ako pwede matitikman." "You mean, after three months ay wala na? Hindi ka na pwede?" "Depende nga sa 'yo. Kung gusto mo akong i-retain dahil maganda ang performance ko, why not?" "Wow..." Iyon na lang ang nasabi niya sa pagkamangha dahil sa pinagsasabi ko. Papikit-pikit na ang mga mata ko, inaantok na rin. Hindi ko na namalayan ang oras. "At saka kailangan ko rin ng pang-back up at mag-ipon. Gusto ko kasing mag-aral sa susunod na pasukan. Tapos ay ga-graduate na rin ang dalawang kapatid ko. Ang isa ay papasok na ng senior high," sambit ko habang nakapikit na. Matagal bago nagsalita si Brent. Inakala ko pang tulog na ito kaya dagli kong sinilip ang screen ng cellphone ko. Naroon pa rin naman siya. Baka tinulugan na ako. "Sige, ba-bye na. Maaga pa ako bukas—" "Come to my office tomorrow. I have an offer for you," putol niya sa akin. "Offer?" "Yup, personal assistant." "Personal na naman. Personal slave mo na nga ako, personal assistant pa. Masyado mo na akong inaangkin." "Ayaw mo?" "Ng alin?" "Ng trabaho." "Gusto." "Okay. I'll text you the address." Hindi ko alam kung paano natapos ang pag-uusap namin ni Brent. Natulugan ko nga yata siya, kaya kinaumagahan ay lowbat na lowbat ako. Na-late rin ako ng gising dahil walang nag-alarm. Nang makabangon ay dali-dali akong tumakbo patungo sa banyo. Deretso akong naligo, pagkatapos ay bumalik ng kwarto para naman magbihis ng pormal. Isang ternong pencil skirt at white blouse ang suot ko. Flat shoes at sling bag naman ang itinerno ko rito. Naglagay lang din ako ng powder at lipstick. Mayamaya ay lumabas akong muli sa kwarto. Palabas na sana ako ng bahay nang makasalubong ko si Mama, saktong kalalabas lang din niya ng kusina. Pareho kaming natigilan. Nanlaki naman ang mga mata ko at kinabahan. "Aalis ka? Papasok ka na?" sa mababang boses na tanong niya. "Teka, saglit lang." Mabilis siyang tumalikod at bumalik sa kusina, may kinuha siya roon na kung ano. Pagbalik niya ay may dala siyang paper bag. Kinuha niya ang kamay ko at saka pa pilit na ipinahawak sa akin. "Kunin mo na ito at kainin mo habang nasa biyahe ka. Egg sandwich 'yan, may kasama na ring gatas sa loob." Napatitig ako kay Mama. Pahapyaw ang kaniyang ngiti, tila pinakikiramdaman pa ako. Nakatingin lang din siya sa akin. Siguro'y naghihintay sa magiging reaksyon ko ngunit napayuko lamang ako. Hindi ko pa ring magawang ibuka ang labi. Sa tila pagkapahiya ay dali-dali na akong lumabas ng bahay habang mahigpit ang hawak sa bigay niyang paper bag. Lakad-takbo na ang ginawa ko dahil na-realize kong late na nga ako sa oras na ibinigay sa akin ni Brent. Hahanapin ko pa iyong building kaya alam ko na medyo alanganin na sa oras. Bus ang naabutan kong naroon sa kanto, paalis na rin naman na kaya roon na ako sumakay. Hinihingal pa ako nang makaupo ako. Ilang sandali nang magbaba ako ng tingin sa paper bag. Dahan-dahan ko iyong binuksan. Tama ngang egg sandwich iyon at gatas. Gutom din ako kung kaya ay sinimulan ko iyong buksan. Tahimik akong kumakain habang nasa biyahe at nakatulala sa labas. Traffic sa umagang iyon, sobrang late na ako kung tutuusin pero gusto ko pa ring tumuloy. Sayang naman kasi kung palalagpasin ko lang. Okay din naman sigurong maging PA ni Brent. Mukha naman siyang galanteng amo. Though, hindi pa kami nakapag-usap patungkol kung magkano ang pasahod niya sa akin. O nabanggit niya pero hindi ko na nasundan dahil sa sobrang antok. Hindi nagtagal nang bumaba ako sa kanto kung saan ay tamang babaan. Naglakad ako sa gilid ng kalsada habang isa-isang tinitingnan ang mga building. Hawak ko pa iyong cellphone ko kung saan nakasaad sa text ni Brent ang eksaktong address. Kalaunan nang mapahinto ako sa gitna ng isang building. Mataas iyon dahilan para halos mabali ang leeg ko nang tingalain ko ito. Nasa itaas ng main entrance ang pangalan nito, Prime Stellar Solutions. Ang istilo ng entrance nila ay iyong umiikot na glass door. Wala ng pagdadalawang-isip pa at pumasok na ako roon. Sa bandang gitna naman ng malawak na hall ay ang information desk. Dumeretso ako roon upang magtanong sa babaeng receptionist. "Good morning," pagbati ko rito at ngumiti. "Pwede kay Brent?" "Brent?" pag-uulit ng babae na animo'y nabingi, tahimik naman ang paligid. "Oo, si Brent. Siya raw ang may-ari nitong building na 'to— ah! Brent Leander Salvatore pala ang full name niya." "Ah... si Sir Brent." Naging hilaw bigla ang ngiti niya na para bang mali na tinawag kong ganoon lang si Brent. "Oo nga..." Nagkamot siya ng batok. Base sa nameplate na nakapaskil sa kaniyang uniporme, Gladys ang pangalan niya. "May appointment po ba kayo sa kaniya, Ma'am?" magalang pa rin naman siya. "Appointment? Pinapunta lang niya ako rito ngayon, sabi niya ay may io-offer siyang trabaho sa akin." "Sige po. Wait lang, Ma'am, ah? Confirm ko lang sa taas." Tumango ako bilang sagot. "Ano pong pangalan niyo?" "Maria Lalaine Martinez." May tinawagan siya mula sa telepono. Hinayaan ko naman siya at nagtingin-tingin na lang muna sa paligid. Tunay na malaki ang building na ito, malawak. Mula pa sa magkabilaang gilid ng information desk ay iyong faregates. Iyong parang makikita sa mga train station kung saan itina-tap ng mga empleyado ang kanilang ID at kusa iyong magbubukas para makapasok sila. Mula naman sa loob ay ang nakahilerang mga elevator. "Ma'am?" pagtawag sa akin ni Gladys. Hay, sa wakas. "As per checking ng secretary ni Sir Brent, wala naman po kayo sa naka-appoint sa kaniya ngayon," dagdag niya. Kamuntikan nang mag-init ang ulo ko rito, kung hindi lang tumunog ang cellphone ko kaya natigilan ako. Nang makitang si Brent iyon ay sinagot ko kaagad. "Where are you—" "Kung papupuntahin mo lang naman ako rito, sana ay inilagay mo na ako sa listahan ng mga taong naka-appoint sa 'yo ngayong araw. Nandito ako sa baba, kanina pa, ayaw naman akong papasukin," sunud-sunod kong pamumuksa rito. Hindi siya nagsalita sa kabilang linya. Bagkus ay nag-ring ang telepono ng receptionist, sinagot niya iyon. Mayamaya pa nang humarap siya sa akin. "Pasensya na, Ma'am. Sige po, pwede na kayong pumasok." Pilit siyang ngumiti. Naglakad na ako patungo sa faregates ngunit tinawag ulit ako ng receptionist. "This way po, Ma'am. Dito po ang elevator ng mga regular employee at visitors. Doon po ay para sa mga executives at directors." Hay, naku.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD