Chapter 45

1491 Words

Hindi ko na naalala iyong in-order kong pagkain sa baba, kaya halos magulantang kaming dalawa ni Brent noong may kumatok sa pinto. Pareho kaming natigil mula sa mapusok na paghahalikan. Nanlaki ang mga mata ko at kaagad na umalis sa kandungan niya. Inayos ko ang damit ko dahil lukot na iyon at nakataas na sa dibdib ko. Sinuklay ko pa ang sariling buhok gamit ang mga daliri. Samantala ay nakatingin lang sa akin si Brent. Nang sulyapan ko ito ay napansin kong madilim ang mukha niya, nakaawang ang labi at nagliliyab ang mga mata— ebidensya na nabitin ito. Nag-iwas ako ng tingin. Suminghap ako sa hangin bago tinungo ang pinto. Dahan-dahan ko iyong binuksan at tumambad sa akin ang lalaking staff, dala nito iyong mga pagkain sa isang tray. "Salamat," sambit ko at kinuha na sa kaniya iyong tr

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD