Kabanata 69 Sabrina’s POV Hindi ko yata kakayanin kung matutulad kami sa istorya nina Lola Herminia at Father Sixto. Ang isipin pa nga lang ang maaaring hirap na kanilang pinagdaanan ay halos hindi ko na kinakaya. Paano pa kaya kung ako na ang nasa ganoong sitwasyon. Sigurado ako na hindi iyon masu-survive. Kaya hangga’t maaga pa, hangga’t kaya pa ay mas mabuti nang bigyan namin ng limitasyon ang isa’t isa. Pakiramdam ko ay mas madaling umiwas kaysa tumanda nang hindi kasama ang taong gusto mong makasama hanggang sa pagtanda. Bigla akong kinilabutan sa sarili kong pag-iisip. Ang usapan lang namin ni Tonyo ay tungkol lamang sa nararamdaman namin sa isa’t isa. Masyado naman yata akong naging advance dahil ang iniisip ko agad ay ang pagtanda. Maging ako ay napaisip kung bakit tila ba nakik

