Kabanata 68 Sabrina’s POV Sa bawat paglipas ng segundo na hindi sumasagot si Tonyo ay para bang unti-unti akong kinakapos. Hindi ko alam kung bakit hindi niya mabigyan ng sagot ang ang kanyang na halatang hindi siya aalisan ng tingin sa ano mang isasagot ni Tonyo. Sa totoo lang ay madali lang sagutin ang tanong niya lalo pa at alam naman namin na walang namamgitan sa amin. Pero hindi ko alam kung bakit tila hirap na hirap si Tonyo. Kailangan na niyang sumagot sa kanyang ama dahil mas nadaragdan lang ang kaba ko sa tuwing iniisip ko na kung hindi siya makakakuha ng sagot mula kay Tonyo ay sigurado ako na sa akin niya ibabato ang tanong. Palihim kong sinipa si Tonyo sa ilalim ng mesa kaya napalingon siya sa akin. Saka lamang siya tila natauhan nang pandilatan ko siya ng mata. He clears h

