(Kate/ Shannon) Takot na takot ako. Para akong nasa kagubatan, habang pinalilibutan ako ng mga mababangis na hayop na plano akong gawin pagkain. Mas lalong gumapang ang takot sa aking katawan nang itinulak ni Simon ang pinto ng banyo. Napatayo ako at agad akong nagsumiksik sa gilid. Agad syang pumasok nang tuluyan na nya itong nabuksan, hawak- hawak nya ang baril na umuusok pa. Alam kong hinahanap ako ng kanyang mga mata. Nang nahagip na nya ako, tumitig sya sa akin. Itinago ko ang aking mukha. Hindi ko sya kayang titigan dahil para akong humaharap sa demonyo. "s**t Shannon! Look at me!" tila nag- uutos nyang sabi, pagalit pa ito. Hindi ko sya sinunod. Mas lalo kong isiniksik ang aking sarili. "Look at me, Shannon!" tila frustrated nyang pagkakasabi. "Ayaw mo ba akong tignan dah

