(Kate/ Shannon) Sobrang excited ko ngayon. Nangako kasi si Simon sa akin na uuwi sya ng maaga ngayon at sabay kaming maghapunan. Lagi nalang syang ginagabi kung umuwi. At namiss ko nang kasabay sya sa hapunan. Halos takbuhin ko ang pagbaba sa hagdanan nang nakita ko mula sa bintana ang pagpasok ng kotse ni Simon sa loob ng gate ng mansyon. Ang tamis ng ngiti ko pero napalis din agad yon. Paglabas kasi ni Simon mula sa elevator na nagmula sa parking lot, may kaakbay syang napakagandang babae. Masayang- masaya silang dalawa. Ang lapad ng ngiti ni Simon at ngayon ko lang sya nakita na ganito. Napatago ako bigla nang padaan silang dalawa sa aking bungad. Napatitig ako sa babae, may kamukha sya. Pero, hindi ko mahagilap sa alaala ko kung sino ang kanyang kamukha. Bago pa nawala sa pani

