TBR 5

1250 Words
(Kate/ Shannon) Sampung taong gulang ako ng inampon ako ng mag- asawang del Madrid. At legal nila akong ampon. Lahat ng dokumento ko ay pinalitan nila. Pati nga ang aking pangalan ay pinalitan din nila. Mula sa Kate Dela Rosa, naging Kate Shannon del Madrid. May dalawang anak ang mag- asawa Del Madrid. Ang aking kuya Gabriel, na s'yam na taon ang tanda sa akin. At kasing edad ko naman ang anak nilang babae , na si Shannon. Pagkatapos ng dalawang buwan na nasa poder ako ng mga del Madrid, ipinadala ng mag- asawa ang anak na babae na si Shannon sa ibang bansa, at mula nung hindi na ito bumalik sa Pilipinas. Sinanay naman nila ako bilang si Shannon. Bawal banggitin na isa lamang akong ampon. At hindi naman talaga mahalata na ampon ako, kasi may dugo din naman sila na foreigner. Medyo magkahawig nga kami ni Shannon. Puro kabutihan ang ipinapakita ng bago kong pamilya sa akin, lalong lalo na ang kuya Gabriel ko. Naisip ko na baka nangungulila lang sya sa kanyang tunay na kapatid kaya sobra nyang bait sa akin. Halos nga hindi nya padapuin ang langaw sa akin. Ganyan nya ako pinuprotektahan. Hindi ko man maintindihan kung bakit inilayo ng mag- asawa ang anak nilang babae at ginawa akong kapalit, hindi na ako nag- usisa pa. Hihintayin ko nalang ang tamang panahon na malaman ko din ang dahilan nila. Hanggang sa sumapit ang aking ikalabing walong kaarawan. Binigyan pa nila ako ng isang hindi malilimutan selebrasyon. Simple man, pero ang mahalaga ay kasama ko ang mga taong inakala kong tunay na nagmamahal at nagmamalasakit sa akin. - Napabangon ako nang may kumaluskus sa paanan ko. At nanlaki ang aking mga mata nang sumalubong sa paningin ko si kuya Gabriel. Nakaupo sya sa gilid ng kama ko at nakatitig sya sa akin. "K-Kuya, anong ginagawa mo dito?" Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Kinalma ko ang aking sarili. "Sumama ka sa akin Shannon, ilalayo kita dito. Magsama na tayo. Mahal na mahal kita." Lumapit sya sa akin, at bahagya nya akong pinasadahan. Kaya mas lalo akong kinabahan sa kanya. Para kasing may kakaiba sa kanya ngayon. "A- alam ko kuya. Dahil kahit hindi mo man ako tunay na kapatid, naramdaman ko naman na isang tu------ Ay!" Napasigaw ako nang bigla nya akong itinulak dito sa kama. Napahiga uli ako sa kama. Dinaganan nya ako at ipiniid ang magkabila kong kamay sa uluhan ko. Pinilit kong kumawala pero mapakalakas nya. "K-Kuya, anong gina-----" " I love you Shannon. Hindi bilang kapatid, kundi bilang babaeng gusto kong pakasalan. Kaya sumama kana sa akin mahal ko, para hindi kana makuha mula sa akin ng isang demonyo." Napaluha ako sa sobrang takot at pandidiri dahil kinalakihan ko syang kuya, at pagkalito narin sa sinabi nya. Tinadyakan ko ang harapan nya. Kaya nakawala ako mula sa kanya. Napaisog ako paitaas hanggang sa tumama ang likod ko sa headboard ng kama. Hindi ko iniinda ang sakit, matakasan ko lang sya. Nanliligsik ang mga mata nya na nakatingin sa akin. Mabilis nya akong hinila at pinahiga nya ako uli sa kama. Dinaganan nya ako uli. Inipit nya ang aking maliit na katawan sa malaki nyang katawan. Hindi ako makakilos sa ginawa nya "P-please kuya, ano bang gagawin mo sa akin?" Maluha- luhang kong tanong sa kanya. "Galit ako Shannon, pero ayaw kitang saktan. Kaya makinig ka sa sasabihin ko." Maaturidad ang boses nya. "You have to go with me. Kailangan na natin tumakas ngayon, para hindi mo maranasan ang isang kalupitan na kailanman hindi mo naiisip." Kaysa makinig sa kanya, mas lalo akong nagpumiglas. Tadyak at kalmot ang ginawa ko sa kanya. Hanggang sa lumuwag ang pag- ipit nya sa akin. Sinamantala ko ito. Itinulak ko sya at nahulog sya sa kama. Agad akong umalis mula sa kama at tumakbo ako patungo sa pinto, pero mabilis din nya akong nahuli agad. "Saklolo! Mom and Dad, tulong!" Tuluyang na akong napasigaw. Agad nyang tinakpan ang aking bibig gamit ng isa nyang kamay. "Itong ginawa kong ito ay para sa ikaka------" Napatigil sya sa pagsasalita ng bumukas ang pinto. "What you're doing Gabriel? Itigil mo na 'yan. Napag- usapan na natin ito." Galit na pagkakasabi ni daddy. Nabitawan nya ako. Napatakbo ako kay mommy. Pero, imbes na yakapin nya ako, isang malakas na sampal mula sa kanya ang dumapo sa aking mukha. Humandusay ako sa sahig sa lakas ng pagkakasampal nya sa akin. "A-ano----" napaiyak ako. Hindi ko maintindihan ang inakto nila. Mula nang naging bahagi ako sa kanilang pamilya, ngayon lang ako napagbuhatan ng kamay. Agad naman akong dinaluhan ni kuya Gabriel. "S- Shannon-----" napayakap sya sa akin. "Leave her alone Gabriel. Bukas din ay kukunin na sya dito." Ani ni mommy. Napakunot- noo ako. Wala parin tigil sa pagpatak ang aking mga luha. Ano ba ang ibig sabihin ni mommy? Ano bang nangyari? Naguguluhan ako sa kanila. "No!" Mariin na tanggi ni kuya Gabriel. "I love Shannon. Hindi ko sya ibibigay sa demonyong 'yon. Pagmamalupitan lang nya si Shannon. Sisirain, tulad ng inakala nyang ginawa ko sa kanya." Mas hinigpitan ni kuya Gabriel ang pagyakap nya sa akin. Gusto ko sanang magpumiglas at kumawala mula sa kanya, pero, nanghina ako sa sobrang pagkalito ng sitwasyon. "At ano ang gusto mo? Ang tunay na kapatid mo ang magdusa. Ang maging pambayad kasalanan? Tiniis namin mawalay ang kapatid mo sa amin para sa kaligtasan nya. Inalagaan namin ang isang bata na hindi namin kaano- ano, para lang makawala sya sa paghihiganti na ikaw ang may kasalanan." Galit na galit na sabi ni daddy. Narinig ko ang pag- iyak ni kuya Gabriel. Saka dahan- dahan nya akong binitawan. Ramdam ko na labag sa kanyang kalooban na iwanan ako. "I'm sorry, Shannon. Pinilit kong itakas ka pero--------S-sana mapatawad mo ako. " At patakbong lumabas mula sa pintuan si kuya Gabriel. "A-ano po-----" tulong luha akong nakatingin kina mommy at daddy. Gusto kong magtanong sa kanila pero naumid ang aking dila at walang kahit anong salita ang lumalabas sa aking bibig. Matigas ang anyo ng mga magulang ko na nakatingin sa akin. Hindi ko nabakas sa kanila ang maaliwalas na mukha kung tumingin sa akin noon. Parang natabunan iyon ng pagkasuklam, pero bakit? Lumapit sa akin si mommy, pumantay sya sa pagkakaupo ko sa sahig. Hinawakan nya ang aking panga at inangat nya ito. "I hate you Kate! Dahil sayo namin ipinaranas lahat ng kagandahan sa buhay na para sana sa tunay namin anak. Ipinagamit pa namin sayo ang apelyido namin at ang pangalan ng anak namin. Pero, wala kang utang na loob. Nilandi mo si Gabriel. Bakit? Kulang paba ang ibinigay namin sayo." Napailing ako sa ipinaratang nya sa akin. Kailanman, hindi ko nilalandi si kuya Gabriel. Tunay na kapatid ang turing ko sa kanya "Wag ka nang magsinunggaling pa. Anyway, kapalit ng lahat na ginawa namin para sayo at pang aagaw mo sa buhay ng anak namin na si Shannon. Kaya bilang kabayaran, ikaw din ang papalit sa anak namin bilang pambayad kasalanan. Wag kang magkamaling sabihin na ampon ka namin at uusuging ka ng konsensya mo." Ani ng kinalakihan kong ina. Marahas nya akong binitawan. Muntikan na akong nasubsob sa sahig. Napahagulhol nalang ako habang nasundan ng tingin ang kinalakihan kong mga magulang. Hindi ko parin naintindihan ang nais ipahiwatig ni mommy. Ako? Pambayad kasalanan? Napatayo ako at napatakbo ako palapit sa pinto. Kailangan kong maliwanagan. Pero, nakalock sa labas ang pinto ng kwarto ko. At kahit anong gawin ko, hindi ko ito mabuksan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD