(Kate/ Shannon)
Takot na takot ako habang pinagitnaan ako ng dalawang lalaki sa loob ng kotse. Mukhang mamatay tao ang mga ito.
Kani- kanila lang, lumuhod pa ako sa harapan ng kinalakihan kong mga magulang, para lang, hindi nila ako ibigay sa mga lalaking ito. Pero bigo ako.
Habang si kuya Gabriel naman ay nasa malayo lang nakatingin habang pilit akong isinakay sa kotse ng apat na lalaki.
"Ang ganda nito, ha! Sa tingin mo, ano kaya ang gagawin ni boss dito?"
Napatingin sa aking ang isa, saka ngumisi. Mas lalo akong natakot. Napausag ako sa sulok.
"Baka gawin kaulayaw. Diba, lagi naman syang may binayaran na babae, para tugunan ang pangangailangan nya."
Namutla ako sa sinabi nya.
"Sa hitsura nya, dapat talaga syang magbayad para may papatol naman sa kanya." Ani naman ng isa.
Nagtawanan ang mga lalaki na kasama ko. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ko sa sobrang takot.
"Hindi ka sa amin dapat matakot Ms. Maganda, doon sa boss namin. Dahil napakalupit nung, lalo na pag hindi nasiyahan sa performance mo." Nakangising sabi ng isa, na sa aking nakatingin. Hinagod pa nya ako ng tingin na para akong hinuhubaran. "Galingan mo mamaya, ha!"
Napatawa na naman ang mga lalaki. Kaya agad na nanubig ang aking mga mata.
Unti- unting luminaw sa aking ang lahat. Inampon ako para ipambayad kasalanan. Ipinalit ako sa tunay na Shannon. At alam kong, buhay impyerno ang susuuing ko mula ngayon. Anong klaseng kalupitan itong nangyari sa akin?
Nanlaki ang mga mata ko habang papasok kami sa gate ng isang napakagandang mansyon. A mansyon made of glass.
**********
"Boss, nandito na sya." Ani ng isang lalaki na nagpasiuna sa amin.
Nakasunod ako dito, nakahawak ang dalawang lalaki sa magkabilang pulsuhan ko.
Nakatalikod ang tinatawag nilang boss. Nakatunghay ito sa bintana. Malaking tao ito at may malaking pangangatawan.
Pumihit ito paharap sa amin. Nanlaki ang aking mga mata nang tumambad sa akin ang mukha nito. Sunog kasi ang kalahati ng mukha nito, pero ang kalahati naman ay ubod ng kinis. Ang mga mata nito ay tila mata ng isang agila. Matalim at mabangis kung tumitig.
Nakadama ako ng takot, pero alam kong hindi sa malahalimaw na mukha niya, kundi sa mapanganib na mga titig nya sa akin.
"Leave us!" Mariin na utos nya sa mga tauhan.
Walang nababakas na kahit anong emosyon sa kanyang mukha, kundi ang kaseryosuhan na may halong panganib.
Agad naman sumunod ang kanyang mga tauhan. Napasinghap pa ako ng narinig ang pagsarado ng pinto.
Ito na ba ang katapusan ko?
Matiim na nakatingin sa akin ang lalaki. Magkahalong kaba at takot ang aking nadarama.
"Scared now, young lady!"
Maganda ang boses nya, tila musika. Malayong- malayo sa hitsura nya.
Hindi ako makapagsalita. Nanginig pati ang labi ko. Humakbang sya palapit sa akin, kaya napaatras ako. Hanggang sa umabot na ako sa dingding. Tulong luha nalang akong napayuko.
Mahigpit na hinawakan nya ang aking panga, saka nya iniangat ang aking mukha. Sobrang tangkad nya kaya napatingala ako sa kanya. Nakayuko sya sa akin. Tila umaapoy ang kanyang mga mata.
"I never thought that Gabriel had a very beautiful sister. I didn't see you before, and I'm not making a mistake in choosing you to be the payment of his family debt and to his personal debt to me." Ngumisi sya.
At mas lalo syang nakakatakot dahil agad nag-iba ang kanyang ekspresyong na parang isang demonyo.
"Are you afraid of my face? This is what I got from your brother betrayal. Isang pagkakamali at kinalaban pa nya ang tulad ko."
"A- anong gagawin mo sa akin?" Lakas- loob kong tanong sa kanya.
Marahas nya akong binitawan. Muntikan pa akong matumba sa ginawa nya, buti nalang nakapag- balance pa ako. Hindi ko iniinda ang pananakit ng aking panga.
"Let see." aniya.
Lumapit sya sa kanyang mesa. May tinawagan sya gamit ang kanyang cellphone.
"Bring the electric branding iron." Tinapos din nya agad ang tawag.
Kinakabahan ako. Ano ang gagawin nya sa isang branding iron?
"Take off your blouse." Mariin na utos nya sa akin.
"No! Please, no!" Tanggi ko. Napatulo na ang luha ko. Ni minsan sa buhay ko, hindi ako naghubad sa harapan ng isang lalaki.
Lumapit sya sa akin. At walang kahirap- hirap na pinunit nya ang aking damit. Lumangtad ang aking dibdib na natatabunan lang ng BRA. Naiyakap ko aking braso sa dibdib na bahagi ko. Napahikbi na ako.
"I hate to be disobeyed. Next time, just follow everything that I say. You are in my territory. I can kill you anytime if I want to." Mariin na pagkakasabi nya.
Nabanaag sa mga mata nya ang sobrang galit.
Bumukas ang pinto at mula doon, pumasok ang isang medyo may edad na babae. Sa klasi ng hitsura ng babae, para itong robot na walang pakialam sa paligid. Nakasuot ito ng pormal na damit na parang nasa opisina.
Namutla ako ng nakita ang dala ng babae. Isang branding iron iyon, at mukhang mainit na mainit ang tatlong maliliit na letra na nasa dulo nito. "SNM"
Walang salita na ipinatung iyon ng babae sa mesa. Yumuko lang ito sa amo, saka lumabas ng kwarto.
I startled. Kinuha kasi ng halimaw ang branding iron.
"Tumalikod ka!" Utos nya.
"No! Wag mo itong gawin sa akin. Maawa kah!" Pagmamakaawa ko sa kanya. Napaluhod ako sa harapan nya. "Please, don't do this. Maawa kah!" Sobrang dami na ng mga luha ko sa mukha. Humihikbi na ako.
"I said turn around." Sigaw nya. " You want this, dont you?"
Tulong luha akong napailing. Itinulak nya ako, kaya napahandusay ako sa sahig.
Marahas na ipiniid nya ang aking ulo sa sahig. Sa lakas nya,hindi ako halos makakilos.
Napasigaw ako sa sobrang sakit nang idiniin nya sa aking likod ang mainit na dulo ng branding iron, kung saan nandun ang mga litra. Para pa akong nakukuryente.
At para akong tinakasan ng ulirat sa sakit na aking nadarama. Para akong inihaw na baboy sa sigaw ko.
Sobrang hapdi ang aking nadarama pagkatapos ng kanyang ginawa sa akin.
Tumayo sya. Napahagulhol ako habang nakasubsub ang aking mukha sa sahig.
"Lahat ng pagmamay-ari ko ay nilagyan ko nang marka. Now, that you already have my mark. You are now my property." maaturidad nyang sabi.
Hindi parin mahimigan ng kahit anong emosyon ang kanyang boses.
Hindi ko pinansin ang sinabi nya. Patuloy lang ako sa pag- iyak. Para akong kakatayin na hayop sa kanyang ginawa.
Hindi ko narin iniinda ang panlalamig ng aking katawan, dulot ng kalamigan ng aircon. Wala kasi akong suot na blouse.
Mayat- maya lang, narinig ko ang pagbukas ng pinto. Alam ko na iniwan na ako ng demonyo na may mukhang halimaw.
Nagpatuloy lang ako sa pag- iyak, hanggang sa nakatulugan ko ang pag-iiyak ko.