TBR 3- PAST

1082 Words
(Kate/ Shannon) Pawisan ako habang inilagay sa gilid ang isang basket na puno ng bunga ng kape. Kasalukuyan akong tumutulong sa aking ina sa pamimitas ng bunga ng kape, sa kapehan ng mga Castellejos. Dahil sa kahirapan at pangungutyang naranasan, kaya napilitan kami ng aking ina na lisanin ang aming lugar sa Manila at dito nga kami napadpad sa Castellejos Hacienda. At halos isang taon na kaming nandito. Kahit anong gawain ang pwedeng gawin sa malaking hacienda ay tinatanggap ng aking ina para may pantustos kami sa araw- araw, at magkalaman ang aming tiyan. Minsan ay tumutulong din ang aking ina sa mga gawain sa Castellejos Mansyon na nasa gitnang bahagi ng hacienda. "Kate, magpahinga ka muna anak. Wag kang magpagod masyado. Diba, mag- aaral kapa mamaya dahil pasulit nyo na bukas." Ani ng nanay ko. Pinunasan nya ang pawis sa kanyang mukha gamit ang damit na nakabigkis sa leeg nya. "Okay lang po ako nay. Hindi pa naman po ako pagod." Pinunasan ko din ang pawis sa aking mukha gamit ang braso ko. Pagod na talaga ako at medyo masakit na sa balat ko ang sinag ng araw, pero kailangan kong makarami. May bayarin kasi sa paaralan at hiyang- hiya na ako na manghingi kay nanay. Dahil alam ko, pinuproblema din nya ang pang- araw- araw namin. Nakasunod ako sa aking ina, papasok na naman kami sa malawak na kapehan. Mamimitas uli kami. "Naku, kay gandang bata nitong si Kate, Silya. Kawawa naman at namumula na ang balat dahil sa init ng araw." Puna sa akin ni Aling Tisay. Isa sa mga kasamahan namin. May mga sumang- ayon din sa sinabi nya. Alam ko naman na kakaiba nga ako sa mga batang kaedad ko na nandito din sa hacienda. Mala- porselana kasi ang aking balat na sadyang namumula pang nabilad sa araw. Hindi alam ng aking ina kung anong lahi meron ang aking ama. Basta isa sa mga customer nya ang nakabuntis sa kanya. Kabilang kasi ang aking ina sa mga babaeng tinatawag na mababa ang lipad. Ito ang trabaho na kinasadlakan nya para mabuhay. Hanggang sa nabuntis sya ng isang espesyal sa puso nyang customer, at ipinanganak nga ako. Limang taon ako nang tumigil sya sa pagbebenta ng laman. Para narin sa akin na babae pa naman. Ngayon siyam na taon gulang na ako. Para matakasan ko ang pangungutya ng iba, kaya nilisan namin ang lugar na tinitirhan. Kung saan- saan kami napadpad ni nanay. May mga panahon na halos sa kalsada na kami tumira. Hanggang sa napadpad kami dito sa maliit na bayan ng San Miguel at naging tauhan ng Haciendang Castellejos. "Syempre mana 'yang sa akin." Pagmamalaki ng nanay ko. Maganda naman talaga ang nanay ko. "Oo nah! Maganda kana Silya. Pero, sabihin mo nga. Anong ibang lahi meron itong si Kate. Mukhang foreigner ang ama nito."usisa ni Aling Tisay. Tipid lang na ngumiti ang aking ina, saka ipinagpatuloy na nya ang pagpipitas ng mga bunga ng kape. Ayaw na ayaw nyang pag- usapan ang tungkol sa ama ko. Nagkibit- balikat nalang si Aling Tisay. Kaya minsan napagkamalan masungit si nanay dahil lagi kasi syang natatahimik pag usisahin ng iba. Dapit- hapon na kaya tumigil na kami sa pagpipitas, naghanda na kami para umuwi. Ang iba namin kasamahan ay nakauwi na. "Kate! Kate!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. At nakita ko si Elmisa, ang aking kaibigan, patakbo na palapit sa akin. "B-Bakit?" Kunot- noo ako. Humihingal pa sya. Saka lumaghap muna sya ng hangin bago nagsalita. "Sa- Samahan mo ako!" "Saan?" "Sa may batis." Mas lalong kumunot ang noo ko. "Anong gagawin natin dun?" "Dumating kasi ngayon araw si Senyorito Nicollo, kasama ang mga kabarkada nya. Ipapakita ko sayo kung sino sa mga kabarkada nya ang crush ko." Nawala yata ang pagod ko nang narinig ang pangalan ni Nicollo. Apo ito ni Don Francisco Castellejos, na syang may- ari ng malawak na haciendang ito. Hindi naman sa kalandian, pero sadyang humahanga ako sa binata. Isang lihim na paghanga na tanging mga kulimlim lang ang nakakaalam. Maliban sa pangalan Nicollo at isa syang Castellejos, wala na akong ibang alam tungkol kay Nicollo. Hindi naman kasi ako nag-usisa, baka may makakaalam pa sa sekreto ko. Alam ko naman kasi na ang isang tulad nya na nasa langit, hindi kailanman bababa sa lupa. Kaya kailanman, hindi ko pinangarap na mapansin nya. Sapat na sa akin ang makita sya mula sa malayo, at masilayan ang kanyang napakaguapong mukha. "Pero----" "Sige nah! Sandali lang naman." Pangungulit ni Elmisa sa akin. Napatitig ako sa kanya. Nabanaag sa hitsura nya ang saya at excitement. Kaya masakit para sa akin na tanggihan ang nag- iisa kong kaibigan. "Sige na nga!" Napangiti sya. "Pero, magpaalam muna ako kay nanay. At sandali lang tayo ha! Malapit nang lumubog ang araw." "Yes na yes!" Masayang bulalas nya. Pinayagan din naman ako ni nanay sa kondisyon, sandali lamang kami ni Elmisa. Kaya ngayon, tinahak na namin ni Elmisa ang daan papunta sa batis. Nakakubli kami sa likuran ng malaking puno ng molave, habang nakamasid sa mga nagtatawanan sa batis. Nakita ko nga si Nicollo, kasama ang apat na kaibigan nya, at ang girlfriend nya na si Celine. Base sa hitsura ng mga ito, maliligo ang mga ito sa batis, maliban lang kay Nicollo na nakamaong short at white T- shirt at nakaupo lang sya sa batuhan at naggigitara. "S-Sino ba dyan ang crush mo?" "Yan kausap ni Senyorita Celine." Bulong ni Elmisa sa akin na may halong kilig. Masaya ngang nakipag- kwentuhan si Celine sa isang lalaki, na kabarkada ni Nicollo. Hindi ko naaninag ang mukha ng lalaki kasi nakatalikod naman sya sa gawi namin. "Anong masasabi mo? Diba, ang guapo! Well, mas guapo si Senyorito Nicollo, kaya lang may Celine na sya, eh!" Para sa akin, hindi lang simpleng guapo si Senyorito Nicollo, kundi sya ang pinakaguapo sa lahat. Napatango lang ako sa aking kaibigan, kahit pa hindi ko naman nabanaag masyado ang mukha ng crush nya. Palubog na ang araw, at kailangan na namin umuwi. Baka mapagalitan pa ako ni nanay. Pinakaiwas- iwasan ko pa naman na magalit sya sa akin. Ayaw kong magtampo si nanay sa akin. Nagtagal pa ng ilang segundo ang lihim namin pagmamasid. Hindi ko pinansin ang ibang tao dahil nasa kay Nicollo lang nakasunod ang aking paningin. Alam ko naman na hindi sya suplado, kahit suplado pa ang kanyang mukha. Maraming beses na kasi nyang akong nginitian. Mabuti nalang nang niyaya ko ng umuwi si Elmisa, ay hindi na sya kumontra pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD