(Kate/ Shannon)
"Take off that damn dress!"
Sigaw ng mga kalalakihan na matakaw sa makamundong kaligayan. Mga lalaking pumupunta sa mga club na ganito para aliwin ang sarili sa mga babaeng tinatawag na kalapating mababa ang lipad.
Mga lalaking halang ang kaluluwa. Mga lalaking ginawang libangan at pampalipas oras ang pakikipagsipin sa iba't- ibang babae. Mga lalaking sakim sa laman ng mga babaeng walang mapagpilian kundi gawin puhunan ang kanilang katawan.
Kasalukuyan akong nagsasayaw ng maharot ngayon, kasabayan sa maharot na tugtugin. Nasa pinakastage ako nitong night club. Gabi- gabi ako ang star dancer dito.
Nakasuot lamang ako ng isang manipis na nightie, na pinailaliman ng isang manipis na bra at bikini. May suot akong maskara. Tinatawag akong si Magdalena nitong Magdalena Night Club. Gabi- gabi akong nagsasayaw sa club na ito habang suot ang maskara ni Magdalena.
Ibinaba ko ang isang strap nitong suot ko na nightie, kaya tumambad ang isang bahagi ng makinis kong dibdib na natabunan lang ng manipis na bra. Hulma- hulma sa bra ko ang aking u***g.
Mas lalong lumakas ang mala maniac na hiwayan ng mga lalaking pinangarap akong maikama.
Alam kong halos lahat ng lalaking nandito ay gusto akong ikama. Pero, pagsasayaw lang ng maharot ang kanya kong gawin. Hindi ko na ibinaba ang aking sarili sa ganun.
Hindi ko naman hinusgahan ang mga babaeng gumagawa sa ganun. Dahil nabuo naman ako sa ganun trabaho.
Oo. Isa ang nanay ko sa mga babaeng tinatawag na mababa ang lipad. Nabuntis sya ng isang foreigner na sundalo nang nagkaroon sila ng affair ng isang linggo.
Hindi alam ng nanay ko kung anong lahi meron ang aking ama. Hindi nga nya alam kung ano ang buong pangalan nito. Pero, ang isang linggo na nagsama daw sila ay ang pinakamasayang yugto sa kanyang buhay. Kahit pa sabihin na bigla nalang nawala na parang bula ang aking ama. At kinalimutan nito lahat ng ipinangako nito sa aking ina. At ako nga ang naging bunga ng bahagi na 'yon sa buhay ni nanay.
Hindi maitatanggi ang kagandahan na aking taglay. Maliban na sadyang maganda ang aking ina, may dugo pa akong banyaga. Matangkad ako at may nakakaaakit na katawan. Meron din akong natural na malaporselanang balat.
Ang kariktan ko na ito ang dahilan kung bakit maniac na maniac sa akin ang mga lalaking nanonood sa akin ngayon habang nagsasayaw ako.
Bakit nga ba akong napunta sa ganitong kalakalan? Wala akong mapagpilian. Kailangan kong kumayod para sa tatlong natitira kong anak. Ito lang ang nakita kong trabaho kung saan malaki- laki ang aking kikitain. High School graduate lang kasi ako. At isang taon na ako sa ganitong trabaho.
Mabuti nalang at may mabait akong kapitbahay na matandang mag- asawa. Ang mga ito ang pinagbibilinan ko sa aking mga anak pag nandito ako sa club. Malaki ang utang na loob ko sa mag- asawa na 'yon na ituring na tunay na apo ang aking mga anak.
Hindi sapat ang kinikita ko sa aking maliit na sari- sari store para pantustos sa pangangailangan ng aking mga anak. Maliban pa dun, kailangan din ni Nicolla, ang isang anak ko na babae, ng maintenance na gamot. May hika kasi sya. Ayaw ko nang mawalan ng anak kaya gagawin ko ang lahat para maibili sya ng kanyang maintenance.
Kailangan ko rin makaipon para sa kinabukasan ng aking mga anak. Ayaw kong matulad sila sa akin. Gagawin ko ang lahat para hindi nila maranasan ang naranasan ko. 'Yon inakala mo na importante ka, pero ginamit kalang pala.
Ang mga anak ko ang aking lakas at ang aking pag- asa. Puprotektahan ko sila laban sa mga taong mapanlinglang at sasamantalahin ang kanilang kahinaan.
Isang masakit na nangyari sa aking buhay. Lumaki ako na pinaligiran ng mga mapanlinglang na tao.
"Take off that damn dress. Take off!" Sanay na ako sa mala- maniac na sigaw ng mga lalaking ito. Kaya naman, ibinaba ko ang kabilang strap ng suot kong nightie, dahilan para mabanaag ang isa pang bahagi ng makinis kong dibdib na natatabunan lang ng strapless bra na may kanipisan.
Mas inigihan ko pa ang pagkimbot, at tuluyang ko na sanang hubarin itong suot kong nightie nang biglang bumalot ang kadiliman.
Nakarinig ako ng pagkasinghap sa mga taong naroon. Ako din ay nagtaka, ipinalinga- linga ko ang aking mga mata sa buong paligid pero wala akong makita. Pero rinig na rinig ko ang kaguluhan na nangyari sa buong paligid. Hindi ako makakilos at nakatayo lang ako sa gitna ng stage. Nakadama ako ng takot.
Napasigaw ako nang may mga braso na pumulupot sa akin. Nagwala ako ng sobra nang binuhat ako ng isang tao na parang isang sakong bigas. Nagwala ako at sinisipa- sipa ko sya.
Sino ang mapangahas na ito? Hindi kaya isa ito sa mga lalaking nangahas na ikama ako. Napaluha ako. Napahagulhol ako sa pag- iyak. Ito na ba ang katapusan ko?
"Please! Please! Let me go! Maawa ka sa akin. May mga anak ako." Mangiyak- ngiyak kong pagkakasabi sa mapangahas na ito.
Pagod na akong lumaban sa kanya kaya napaiyak nalang ako. Hindi pa din nya ako binitawan, mas hinigpitan pa nya ang paghawak sa akin.
"Hush now, my Kate!" Barintonong boses na isang lalaki na pamilyar sa akin.
At kilala nya ako, gayun iilang lang ang nakakaalam na meron Kate sa unahan ng aking pangalan Shannon.
"I wont do things that will harm you."
Napatigil ako.
"S- Sino ka?"
Hindi ko nakita ang kanyang mukha dahil may kadiliman parin ang nilakbay namin.
"Nicollo" matipid na sagot nya.
Napaawang ang aking bibig. At napakunot- noo ako. Iisa lang ang kilala kong Nicollo.
Nicollo? Nicollo Castellejos?