Nang matapos akong maglinis ay bumaba na ako at aking nakita naman si Layla na tila naghihintay sa pagbaba ko.
“Mabuti naman tapos ka na,hindi muna ako nagpakita kay nay Patring baka mamaya ay may itanong sa akin iyon na hindi ko masagot.” Sabi nito sa akin pagkalapit ko dito.
“Anong oras na ba?” Tanong ko dito at itinuro naman nito sa akin ang antigong orasan na nasa taas at nakadikit sa wall.
“Pasado alas-kwatro na pala ng hapon,” sambit ko pa.
“Oo nga sa dami ng ginawa natin dito hindi na natin napansin ang oras,” Sabi pa ni Layla sa akin na halatang pagod na din.
“Halika na ang mabuti pa ay puntahan muna natin si Inay.dahil sigurado akong may mga gagawin pa tayo doon,bukas ay paniguradong mas pagod tayo sa pag-aayos.”Pag-aya ko dito.
Habang papunta kami sa kusina ay nakita namin ang babaeng tila hindi alam kung saan siya pupunta.
Maganda ito at tila manika,maliit lamang ito.
“Miss may kailangan ka ba o may hinahanap ka ba?” Tanong ko dito,dahil palinga-linga na ito.
Hinahanap ko lamang ang Sir Henderson niyo.” Sagot nito sa amin at nagkatinginan namna kami ni Layla,dahil mukhang ito ang kasintahan ng ikakasal bukas.
“Ikaw po ba ang ikakasal bukas?” Tanong ko dito.
“Oo ako nga.” Nahihiyang sagot nito sa amin.
“Ang swerte mo naman po ma'am. “Wika ko dito na may inggit na nararamdaman pero syempre hanggang inggit lang ako sa kanya dahil kahit naman anong aking gawin ay malabong magustuhan ako ng isang Xedric na palagi ko ng itinatatak sa aking isipan.
“Oo swerte talaga,dahil sobrang mapagmahal ng aking kasintahan na kahit pa nalaman niya ang aking totoong pagkatao ay nagawa niya din akong mapatawad.” Sagot nito sa amin.
“Hindi na po namin aalamin kung ano man ang pagkatao mo ma'am,pero pwede ba namin malaman ang pangalan mo?” Tanong ko dito ng hindi na nahihiya pa magaan ang aking loob sa babae kahit ngayon ko pa lamang ito nakilala.
“Misha ang aking pangalan,” sagot nito sa akin.
“Ang ganda naman ng pangalan mo ma'am,kakaiba kung pakikinggan.” Sabi pa ni Layla.
“Salamat sa papuri,pero hindi niyo ba napansin man lang ang sir Henderson niyo kanina pa kasi siya wala at ni hindi nagpaalam sa akin.” Sabi pa nito sa amin.
“Hindi po ma'am,busy kasi kami sa paglilinis ng mga silid dito kaya naman hindi namin siya napansin.” Sagot ni Layla dito.
“Ganoon ba,sige babalik na lamang ako sa aking silid baka mamaya ay pabalik na din iyon kung saan man siya nagpunta.” Wika nito na aakyat na sana ng may biglang tumawag ng pangalan nito.
“Misha,love anong ginagawa mo dito?” Tanong ng lalaki na agad na lumapit dito.
Siguro ay ito na si sir Henderson na ubod din ng kisig at nag-uumapaw na kagwapuhan s
“Kanina pa kasi kita hinahanap love kaya naman nakarating na ako dito sa likod ng mansion.” Sagot naman ng babae sa kanyang magiging kabiyak.
Nang makalapit dito si sir Henderson ay kita namin kung paano nito hawakan si Misha ng buong ingat.
Humalik pa ito sa babae na tlla ba walang ibang tao ang nakakakita sa kanila.
“Love naman nakakahiya sa mga bagong kaibigan ko.” Sabi pa ni Misha.
“Hindi naman nakakahiya na ipakita sa kanila kung gaano kita kamahal love,” sabi nito ng nakangiti.
Napakasarap nilang tingnan at kitang kita talaga kung gaano ito kamahal ni sir Henderson.
“Ikaw talaga,” sabi ni Misha dito sabay yakap dito at tumingin sa amin.
Ngumiti naman kami dito.
“Sige ma'am aalis na po kami at marami pa kaming gagawin sa kusina.” Paalam namin dito.
“Gusto ko kayong makita bukas sa kasal namin please,bilang mga bagong kaibigan ay gusto kong makasama kayo.” Wika pa nito sa napakalambing na tono ng boses.
“Nakakahiya naman po ma'am Misha,ngayon mo lang naman kami nakilala pero kaibigan na agad ang tingin mo sa amin.” Sabi ko dito ng nakangiti din
“Naku masanay na kayo dito sa magiging asawa ko,dahil lahat ata ay gustong maging kaibigan nito.” Saad naman ni sir Henderson na tumingin sa amin.
“Huwag kayong mahihiya sa akin please,at tulad ng sinabi ko ay kailangan na nasa kasal ko kayo bukas at kung wala kayong susuotin ay maari naman kayong manghiram sa akin,di ba love.” Wika pa nitong muli sa amin.
“Oo naman,welcome na welcome sila sa kasal natin bukas.”
“See, wala ng problema kahit mga susuotin niyo ay ako na ang bahala,mamaya ay may simpleng salu- salo daw dito para sa saminlagan bago ang kasal bukas.Paliwanag pa nito sa amin.
Napatango na lamang kami ni Layla dito,tila kasi balewala lamang kung tatanggi pa kami.
Nang makaakyat ang mga ito ay doon pa lamang kami nag-usap muli ni Layla.
“Anong plano mo Lay?” Tanong ko dito.
“Pupunta tayo syempre atsaka nandoon naman talaga tayo bilang tagasilbi mamaya at bukas.” Saad nito sa akin.
“Ang bait niya,kaya siguro mahal na mahal siya ni sir Henderson.” Nakangiti pa na sabi ko habang naglalakad kami papunta sa kusina.
“At sa tingin ko ay hindi din siya nanggaling sa mayaman na pamilya.”Sabi ni Layla na ikinalingon ko dito.
“Paano mo naman nalaman iyon?” Tanong ko ng nagtataka.
“Kasi naman kitang-kita naman kung paano s'ya makisama sa atin kanina halata na hindi siya maarte, katulad ng ibang babae na kasama ng ibang mga apo ni Donya Esmeralda.” Sagot naman nito sa akin na ipinaliwanag pa ang kanyang napansin kay ma'am Misha.
“So parang binibigyan mo naman ako ngayon ng false hope Lay alam mo naman kung gaano ang aking pagkabaliw kay Xedric. “Saad ko naman dito.
“Gaga malay mo naman di ba mapansin ka din niya.” Sabi pa nito na muntik pa akong mabatukan nakaiwas lamang ako.
“Halika na nga at hanapin natin ang inay mo at ng malaman na natin ang susunod natin na gagawin.” Dugtong pa nito sa kanyang sinabi.
“Ewan ko ba,pero napapaisip pa din talaga ako sa sinabi nito na maaring magmahal talaga ang isang Valderama ng mga kagaya namin,,,kung sabagay si Layla ay buhay na patunay na minahal ito ni sir Marcus kaya lamang ay sa iba naman ito ikinasal.” Mga tanong sa aking isipan na ayaw ko ng banggitin dito.
Hindi ko pa nga sinasabi dito na si sir Marcus ang nasa library kanina.
“Layla,” tawag ko dito medyo nauuna na kasi ito sa akin.
“Bakit?” Tanong nito.
“Si sir Marcus kasi,”
“Ano ang mayroon kay Marcus, nakita mo ba siya?” Sunod sunod na tanong nito na hindi na pinatapos ang aking sasabihin,basta talaga si sir Marcus ang usapan ay nabubuhay ang dugo ng aking kaibigan halatang sobrang miss na nito ang lalaki.
“Patapusin mo kaya muna ako ng aking sasabihin.” Ani ko dito na napapakamot sa aking ulo.
“Si sir Marcus ang nadatnan ko kanina sa library.” Sabi ko dito at nanlaki naman ang mata nito.
“Ano totoo ba iyang sinasabi mo? Sayang naman sana pala ay hindi na lamang tayo nagpalit,nakausap ko na sana siya kanina.” Malungkot na wika nito sa akin.
“Okay lang iyon makikita mo naman siya mamaya,dahil siguradong nasa party siya.” Sabi ko dito na dinadivert ang malungkot na awra nito ngayon.
“Hindi ko naman siya makakausap,dahil siguradong bantay sarado siya ng kanyang asawa mamaya. “Sagot naman nito sa akin.
“Huwag ka ng malungkot diyan magkakausap din kayo,ako nga tingnan mo kuntento na lamang sa pagiging crush forever ang aking papa na si Xedric. “Malanding wika ko dito na ikinatawa naman nito.
“Halika na nga at kung anu-ano na naman ang sinasabi mo diyan.” Saad nito sa akin na hinila na ang aking kamay.
Ang hirap maging isang mahirap, dahil limitado lamang ang galaw namin at kahit pa gustuhin man namin na umangat sa buhay ay kailangan ng ibayong lakas ng loob.
Kaya nga ginagawa ko ang lahat para lamang kahit papano ay maibigay ko ang magandang buhay para sa aking pamilya.
"Ikaw ang palaging nagsasabi sa akin Lay na hindi impossible na baka magustuhan niya din ako,di ba!" Saad ko pa dito na ikinawit pa ang braso nito sa akin.
Ganito kami ka-open sa isa't-isa ni Layla na kahit anuman na sikreto ay nalalaman namin agad.
Kaya lang ay ayaw ko lamang na kulitin ito tungkol sa kanila ni sir Marcus,hihintayin ko na lamang itong magkwento sa akin.
Nang makarating kami sa kusina ay nakita naman agad namin si Inay.
"Nandiyan na pala kayong dalawa,tapos na ba kayo ng mga pinapagawa sa inyo?" Tanong nito sa amin ng lapitan namin siya.
"Opo Inay,ano pa ba ang aming gagawin Nay?" Tanong ko dito.
"Maghiwa na lamang kayo nito at minamadali na ito." Sagot nito sa amin at naupo naman kami ni Layla.
Kahit pagod na kami ay kailangan pa din na tumulong kila Inay.
Siguradong mamaya ay plakda ako ito pagkatapos namin sa lahat ng gagawin.