Kanina pa kami nandito sa loob ni Layla ng mansion at ang unang ipinagawa sa amin ay linisin ang mga silid na siyang tutulugan ng mga apo nito.
“Hoy, Mila bakit kanina ka pa tingin ng tingin kung saan-saan diyan?” Tanong sa akin ni Layla sa madalas din nitong tawag sa akin.
“Si Xedric sana gusto kong masilayan?” Diretsahan na sagot ko dito.
“Baka naman tulog pa ang mga amo natin,malay mo mamaya ay nandiyan na siya at sana ay maging si Marcus ay nandito na din.”Wika naman nito sa akin na hinahanap din pala ang lalaking iniibig niya.
“Ang mabuti pa ay ayusin muna natin ang mga pinapagawa sa atin bago tayo magkwentuhan,baka mamaya ay mapagalitan pa tayo.” Ani ko pa dito.
“Mabuti pa nga,paano ba yan doon na ako sa ibinigay nila sa akin na kailangan kong linisan.” Sabi naman nito sa akin at nagkanya-kanya na nga kami na punta nito sa mga silid na pinapalinisan sa amin.
Halos magtatanghali na ng matapos ko ang dalawang kwarto sa akin na pinalinis at masasabi kong sobrang yaman nga talaga ng mga ito,halos makikita sa mansion ang karangyaan na tinatamasa ng pamilyang Valderama.
Nang matapos ay nagpunta muna ako sa kusina at doon ay inabutan ko na si Layla na nag-aayos na ng mesa para kumain.
Lumingon naman ito sa akin.
“Nandiyan ka na pala Camilla,halika na dito at kumain na tayo, tatawagin sana kita kapag naayos ko na itong mesa para sa atin nila nanay Petring. “Wika pa nito sa akin.
“Ganoon ba,nasaan na ba si Inay?” Tanong ko dito.
“May kinukuha lamang sandali at babalik din agad siya.” Sagot naman nito na umupo at naupo na din ako sa tapat nito.
Mayroon masasarap na pagkain na nakahain sa mesa at naalala ko ang aking mga kapatid,kung nandito sana sila ay makakain din sana sila ng masasarap kagaya nito,,oo minsan ay dinadalhan naman kami ni Inay sa tuwing sobra sa kanila ang pagkain dito,kaya lamang ay bihira lang din,dahil minsan ay nauunahan siya ng ibang trabahador.
Nagsandok na din muna ako ng kanin at maya-maya lamang ay dumating na din si Inay.
“Agad naman akong tumayo para magmano dito,kahit kasi magkasama pa lamang kami nito kanina na nakaugalian na namin dito sa probinsya bilang paggalang sa mga nakakatanda.
“Kaawaan ka ng diyos anak,” wika pa ni inay.
“Kain na po tayo Inay,” pag-aya ko dito.
Nagsalu-salo na nga muna kami nito at habang kumakain ay bigla na lamang ay may sumulpot sa kusina.
“Pwede po ba na mag-utos ako sa inyo, pagkatapos niyong kumain?” Tanong ng baritonong boses ng lalaki sa amin.
Nang lingunin ko ito ay sandaling tumigil ang aking paghinga,dahil napakalapit nito sa akin,,walang iba kundi si Xedric na nakasuot lamang ng isang plain white sando at rough na shorts na hanggang tuhod lamang nito na lalong nagbigay ng kakaibang dating dito,,kahit nga siguro basahan ang ipasuot dito ay babagay pa din dito.
Napasinghap pa ako ng naamoy ko pa ang pabango nitong napaka-masculine ng amoy.
“Miss,okay ka lang ba?”
“Camila,”tawag sa akin ni Layla na ikinalingon ko dito.
“Bakit?” Tipid na tanong ko dito.
“Kanina ka pa tinatanong ni sir Xedric.” Sagot nito sa akin.
“Oo nga anak,ano ba ang nasa utak mo at tila nawawala ka sa sarili mo ngayon?” Tanong naman sa akin ni inay.
“Sorry po,ano ba ang inyong tinatanong señorito?” Tanong ko dito.
“Tinatanong ko sana kung maari ba na tulungan mo ako mamaya na ayusin ang aking library sa itaas? Kung pwede lang naman?” Tanong nito sa akin.
“Sir Xedric kasi hindi pa tapos ang aking anak sa pinapagawa sa kanya ni Matilde kaya naman pwede na po siguro na si Layla na lamang muna ang isama niyo.” Si inay na ang sumagot dito na kung ako siguro ang tatanungin ay laging oo sana ang sagot ko dito,kaya lamang ay tama ang naging sagot dito ni inay na mayroon pa akong kailangan tapusin na linisin sa itaas.
“Ganoon ho ba, sige sumunod ka na lamang sa akin sa itaas sa library ng mansion ay may mga gusto kasi akong palinisan doon na mga paborito kong libro at dadalhin ko sana sa aking pag-uwi.” Wika nito kay Layla na napatingin naman sa akin.
Nang matapos nga kami na kumain ay kanya-kanya na naman kaming punta sa mga nakatuka namin na lilinisin pa.
Si inay ay bumalik na sa kusina para tumulong sa mga kusinero sa kanilang mga lulutuin.
Sigurado kasing bukas ay nandito na buong pamilya at dahil malaking pamilya ang Valderama ay kailangan talaga ng maraming tauhan na mag-aasikaso sa mga ito.
“Camilla,palit na tayo ng gagawin,” sabi sa akin ni Layla ng umalis na si Inay.
“ Sigurado ka diyan Layla,baka magalit ang inay sa atin.” Sagot ko naman dito.
“Naku,busy na iyon sa kusina kaya naman sige na ikaw na ang pumunta sa itaas sa library,hanapin mo lamang doon at makikita mo naman na siguro,,,,pagkakataon muna ito Camilla para makasama ang itinatangi ng puso kaya naman go na at huwag munang isipan nay Patring.”Sagot naman nito sa akin,tila kasi ayaw ni inay na lumalapit ako sa mga amo namin kaya naman kanina ay ito na ang sumagot kay sir Xedric na may mga gagawin pa ako kaya si Layla ang itinuro nito.
Siguro ay nahahalata na ni inay ang kakatwang galaw ko kapag nasa paligid ito.
“Sige na ikaw ang bahala kay Inay kapag nahuli tayong nagpalit ng gawain. “Sagot ko naman dito.
Habang paakyat sa hagdan ay iniisip ko na mahilig pala ito sa mga libro.
Binasa ko ang lahat ng pinto na aking napuntahan hanggang sa mabasa ko ang family library sa labas ng isang pinto.
Kumatok muna ako,bago tuluyan na pumasok at ang aking inabutan doon ay tila hindi naman si Xedric kundi si Marcus.
“Bakit tila yata nakakita ka ng multo magandang binibini?” Tanong agad nito sa akin.
“Ang akala ko po kasi ay si sir Xedric ang aking maaabutan dito,” sagot ko naman dito.
“Xedric my cousin,kakaalis lamang niya kasama ang kapatid na si Rocky.” Sagot naman nito sa akin.
“Sa totoo lang ay pinapunta nga ako dito ng loko na iyon para daw mabantayan ko ang kanyang mga ipapalinis,” dugtong pa nito sa kanyang sinabi.
“Ganoon ho ba, magsisimula na po sana ako at maari din ba na sabihin mo na sa akin kung alin ang mga lilinisin ko?” Aking wika dito.
“Ito lang naman ang sinabi niyang linisin mo at huwag naman ang buong library,dahil malaki ito at hindi mo kakayanin na linisin ito ngayon,lalo na at may malaking event na mangyayari dito ngayon sa mansion,mas kakailanganin kayo sa kusina.” Itinuro naman nito sa akin ang mga lilinisan ko.
Habang nglilinisa ay nagtataka ako kung bakit sinabi ni Xedric kanina na pumunta na lamang dito si Layla.
Inalis ko na lamang sa aking isipan ang mga iniisip ko at pinagtuunan na lamang ng pansin ang mga pinapalinisan sa akin.
Kung siguro hindi kami nagpalit ng gagawin ni Layla ay malamang ngayon ay nagkita ng muli ang dalawa at maaring nakapag-usap pa ng maayos.
“Kung bakit kasi pumayag pa akong magpalit pa kami nito pagkakataon na sana ito para sa kaibigan ko na matagal ng panahon din naghihintay na makauwi dito si Marcus,sana lamang ay hindi nito kasama ang kanyang asawa ngayon,pero imposible naman na hindi nito kasama iyon,malamang asawa iyon at mahalagang okasyon ang magaganap dito ngayon sa mansion kaya naman siguradong kumpleto ang mga ito.” Kausap ko s aking sarili habang pinupunasan ang naggagandahang libro na ito na alam kong hindi biro ang halaga.