Habang kumakain kami ay bigla na lamang nagsalita si inay.
“Camilla anak,bukas ay huwag ka na muna sumama sa iyong itay sa pagtatanim at sumama ka muna sa akin.” Sabi nito na ikinatingin ko dito.
“Inay ano po bang mayroon sa mansion ng mga Valderama at nagsipag-uwian ang mga apo nila?” Tanong ko dito.
“Nakalimutan ko palang sabihin sa inyo na isa sa mga apo ng mga Valderama ang ikakasal si Henderson na panganay anak nila madam Filomena at senyor Guztavo.
Kaya naman nangangailangan ng karagdagan na mga tauhan sa mansion at ikaw anak ay inirekomenda ko sa mayordoma malaking tulong na din ito sa'yo lalo na at malapit na naman ang pasukan.” Paliwanag ni inay.
“Nay pwede po ba sumama sa akin si Layla kailangan niya din daw kasi ng sideline?”
“Pwede naman anak doon ko na lamang sasabihin sa mayordoma ng mansion na kasama natin siya kaya bukas ay agahan mo ang gising para makapunta agad kayo,maraming gagawin sa mansion at kailangan na kailangan ang tulong niyo.” Bilin pa ni inay sa akin.
“Opo nay.” Tipid na sagot ko dito.
Nang matapos kaming kumain ay kanya kanya ng gawain ang mga kapatid ko.
Ako ay naghugas na ng pinagkainan namin.
Habang naghuhugas ay iniisip ko kung gaano kaya kabongga ang kasalan na magaganap bukas.
Ang swerte naman ng girl siguro isang mayaman na babae din ito na nagmula sa mga kilalang tao sa Pilipinas na nararapat lamang para sa isang Valderama.
Pagkatapos kong maghugas ay pumasok na din ako sa aking kwarto.
Naupo sa papag na tanging banig lamang ang nakalagay para mahigaan namin ng aking dalawa pang kapatid na babae.
Nasa sala pa kasi ang mga ito nanonood sa aming munting television na napaglumaan na ng panahon.
Kahit malabo ang mga nakikitang tao dito ay balewala lamang sa mga kapatid ko.
Kaya ng sinisikap kong makatapos ng pag-aaral ng sa gayon ay maibigay ko ang mga pangangailangan ng aking mga kapatid at maging nila Inay at Itay.
Nasa ikatlong taon na ako ngayon sa kursong accountancy.
Mas mabilis kasi akong makakakuha ng trabaho kaya ito ang aking napili na kurso ,isa din naman akong scholar kaya naman walang problema sila inay at itay sa aking mga pang matrikula.
Pero sa totoo lang ay gusto ko sanang kunin na kurso ay culinary kaya lang ay masyado itong magastos at baka hindi kayanin nila Inay.
Kaya naman naging praktikal na lamang ako at kumuha na lamang ng kurso kung saan ay madali akong makakakuha ng trabaho.
Ayaw ko naman kasing habang buhay na magbungkal ng lupa ang aking mga magulang,ang gusto ko ay kahit papaano ay aking maibigay ang mga pangangailangan nila lalo na ang mga nakakabatang kapatid ko na lahat naman ay nag-aaral.
Kaya nga malaki talaga ang pasasalamat namin kila donya Emeralda at Don Romano,dahil sa lupa nila na tinataniman namin ay kahit papaano nakakatulong ito ng malaki sa pang araw-araw na pangangailangan namin.
Habang si Nanay naman ay regular din na tagalaba sa mansion at tatlong beses sa isang linggo siya kung ipatawag sa mansion para maglabada.
“Ate,pwede mo ba ako turuan nito!” Sabi ng aking nakakabatang kapatid na nandito na din pala sa loob ng maliit na kwarto namin.
“Ano ba iyan Ange?” Tanong ko dito.
“Ito ate!” Sabay bigay sa akin nito ng kanyang ginagawa.
Nag-aaral pala itong mag-gantsilyo sa panyo.
“Halika nga dito at tuturuan kita,”sabi ko dito at naupo naman ito sa aking harapan.
Matyaga ko naman itong tinuruan hanggang sa makuha nito ang kanyang nais matutunan.
“Thank you ate Camilla the best ate ka po talaga.” Pambobola pa nito.
“Ikaw talaga ,halika na nga at matulog na tayo, napagod ako sa maghapon natin na pagtatanim,ikaw hindi ka ba napagod?” Tanong ko dito.
“Napagod din po ate,kaya lang kailangan natin na tumulong kila inay at itay dahil wala naman po na ibang magtutulungan kundi tayo tayo lamang din.” Sagot naman nito sa akin na napangiti ako ng mapait dahil sa murang edad nito ay alam na din nito ang estado namin sa buhay na kailangan na magbanat kami ng buto para makatulong sa aming mga magulang.
“Huwag kang mag-alala Ange dahil isang taon na lamang ay makakatapos na ang ate sa pag-aaral kaya naman kahit papaano ay maibibigay ko na ang mga pangangailangan niyo.” Saad ko naman dito.
Habang nakahiga kami nito ay biglang pumasok ang isang kapatid pa namin na si Carmela.
“Nagheart to heart talk na naman ba kayo ate na hindi ako kasama?” Tanong nito sa amin.
“Nagpatulong lang naman ako kapatid kay ate Camilla na tapusin itong ginagantsilyo ko na hindi matapos-tapos!” Sagot ni Ange dito.
Gumitna naman ito sa amin.
“Ano ba Carmela,bakit naman diyan ka na naman nahiga? Gusto ko din naman katabi si ate.” Inis na sabi ni Ange sa bunsong babae namin na kapatid.
“Ang mabuti pa Ange ay dito ka na lamang sa kabilang gilid ko para hindi na kayo mag-away pang dalawa,dahil lamang sa higaan.” Saad ko dito at agad naman itong tumayo.
Masasabi kong maswerte ako sa aking mga kapatid dahil lahat sila ay naiintindihan ang sitwasyon ng pamumuhay namin.
Kaya naman masasabi ko din na napalaki kami ng maayos ang aming mga magulang.
Makalipas lamang ang ilang minuto ay narinig ko na ang mahihinang paghilik ng aking dalawang kapatid na tila napagod nga sa maghapon namin sa palayan.
Ako naman ay ipinikit na lamang ang aking mga mata at
bukas ay siguradong maaga kami nito,dadaanan ko pa si Layla.
*****************************
Kinabukasan
“Camilla anak,mauuna na ako sayo,basta kapag nasa mansion na kayo ay agad mo akong hanapin para masabi ko sayo ang mga gagawin ninyo ni Layla.” Bilin pa sa akin ni inay habang nagpapaalam ito.
“Opo Nay.” Sagot ko dito.
Nang makaalis si Inay ay tiningnan ko ang orasan namin at halos alas tres pa lamang pala ng madaling araw.
Ganito ang buhay namin dito sa probinsya na kailangan maaga kang gigising araw araw.
Si Itay ay kinukuha na ang aming alagang kalabaw para maagang mapasabsab ng damo.
Magpasabsab ay pakainin sa tagalog.
Tumayo na din ako at kahit medyo masakit pa ang aking katawan sa maghapon na pagtatanim ng palay kahapon ay kailangan ng bumangon,hindi uso sa amin ang tanghali na gumising.
Mamaya lamang ay gigising na din ang aking mga kapatid kahit hindi ko sila gisingin.
Nagpunta na muna ako sa kusina at nalanghap ko agad ang amoy ng sinangag at tuyo na niluto muna ni Inay bago ito umalis.
Uminom lang muna ako ng mainit na tubig at mamaya na lamang kakain pagkatapos maligo.
“Ay,anak ng pating.” Sigaw ko ng aking biglang ibuhos ang tubig sa katawan ko.
Sobrang lamig kasi ng tubig.
“Ateee! Ang ingay mo naman diyan sa banyo,baka mamaya isipin ng mga kapitbahay natin ay kung ano ng nangyari sayo diyan sa lakas ng tili mo!” Saad ni Angr na nasa kusina na pala ngayon.
“Gaga,paano naman nila akong maririnig ang lalayo ng mga kapitbahay natin.” Sagot ko dito habang nagsasabon ng katawan.
Hindi na ito sumagot pa sa akin ,dahil tila yata nakalimutan ng kapatid ko na ang pagitan ng bahay namin dito ay isang kilometro ata ang layo.
Binilisan ko na ang aking paliligo at baka mamaya ay maubusan pa ako ng masarap na sawsawan na ginawa mismo ni inay.
Naglagay lamang ako ng tuwalya sa ulo at lumabas na ng banyo namin na tagpi-tagping yero ang dingding.
Dumulog na ako sa mesa at lahat ng mga kapatid ko ay gising na pala at maghahanda na naman para tumulong kay Itay habang bakasyon kasi ay kailangan namin na tumulong para sa pasukan ay hindi na masyadong mahirapan si itay.
Ganito na ang kinalakihan namin mula pa noong bata pa lamang ako,mas madalas noon kapag sabado at linggo ay tumutulong na agad ako kay itay sa pagtatanim.
Kaya hindi ko naranasan ang maging bata na kapag walang pasok ay naglalaro lamang at walang iniintindi.
“Bilisan niyo na at malapit na mag-aalas kwatro hinihintay na kayo ni itay Ange maiwan ka na lamang dito sa bahay at magluto ng kakainin niyo para sa tanghalian at hapunan.. Baka kasi hindi agad kami makauwi ni Inay.”Sabi ko sa aking kapatid na bagama't nasa dose anyos pa lamang ito ay maasahan na ito sa lahat ng gawain sa bahay….
Maging ang paglalaba ay kayang-kaya na nito.
Kaya naman hindi na sa amin nahihirapan si Inay kapag may mga importante ito sa mansion na kailangan gawin.
“Opo ate, huwag kang mag-alala ako ng bahala sa adobong kangkong na paborito nating lahat.” Nakangiti pa na sagot nito sa amin.
“Magprito ka nalang din ng mga bagong huli na isda na ito Ange.” Sabi naman ni Gelo na galing na pala sa fishpond na malapit lamang dito sa amin.
Mga inaalagaan din namin itong isda na madalas nga ay pang-ulam na at kung minsan ay baon na din sa pagpasok.
.
“Mabuti at nakahuli ka agad,marami pa ba ang mga tilapia?” Tanong ko dito.
“Okay pa naman ate,kaya lang ay sa susunod na buwan ay papalitan daw namin ni itay ng bago para mas malalaki sa susunod ang mga mahuhuli na pwede pa natin maibenta.” Sagot nito sa akin na kumuha na din ng kanyang plato at sumalo na sa amin.
Nang matapos kaming kumain na magkakapatid ay nagpaalam na ako sa mga ito.
Habang naglalakad ay naiisip ko ang mukha ni Xedric kahapon habang nakasakay ito sa kanyang magarang kotse.
“Siguro ang swerte ng mga babaeng isinasakay niya doon,sayang nga lang at malabong maging ako iyon.” Kausap ko sa aking sarili.
Nang makarating sa bahay nila Layla ay eksaktong nakabihis na din ito.
“Excited ka naman Lay,, paano mo nalaman na parating na ako at susunduin ka?” Takang tanong ko dito.
“Ay,dinaanan po ako ng Inay mo kanina kaya naman nakagayak na din ako at ang sabi kasi nay Patring ay dapat maaga daw tayo.” Sagot nito sa akin na nagpaliwanag pa.
“Mabuti naman at dinaanan ka ni inay kanina hindi na ako maghihintay ng matagal sa kakahintay sayo!” Nakangisi na biro ko dito.
“Halika na nga at kung ano ano na naman ang sinasabi mo diyan,akala mo naman sobrang tagal ko talagang kumilos.” Sagot nito sa akin habang binabaybay namin ang daan papunta sa mansion.
“B'wisit!” Sigaw ko ng bigla na lamang may dumaan na kotse at ang nakakainis pa ay hindi man lang ito tumigil para humingi ng sorry.
“Hala girl,sobrang putik muna,may pamalit ka ba na damit sa bag mo?” Nag-aalalang tanong sa akin ni Layla
Punong-puno na kasi ako ng putik ngayon.
Gustong gusto kong batuhin ang may-ari ng kotse na iyon at pagbabatuhin.
Alam kong isa sa mga apo ni Donya Esmeralda ang nagmamay-ari ng magarang sasakyan na iyon at malabong si Xedric,dahil iba ang kotse nito.
“Sino naman kaya sa mga apo nila don Romano ang nagmamay-ari ng kotse na iyon?” Sambit pa ni Layla na pinupunasan ang mga putik sa aking mukha sapol na sapol kasi talaga ako ng dumaan ang kotse nito na walang habas kung magpatakbo,akala mo ay nakikipagkarera.
“Hayaan na natin,pero gaganti ako sa kanya Lay kung sino man siya nakakainis!” Ani ko pa at inayos na ang aking sarili.
“Doon na lamang ako sa mansion magpapalit Lay, sigurado akong mag-alala si Inay kapag nakita ang hitsura ko ngayon.” Dugtong ko pa sa aking sinabi.
Naglakad na kaming muli nito at makalipas lamang ang halos kalahating oras ng paglalakad ay nakarating din kami sa mansion.
Dahil kilala naman na ako ng guard ay agad na kaming pinapasok nito.
“Kumusta po Manong guard!” Pagbati ko dito.
“Ayos naman Camilla, pero sa nakikita ko ngayon sayo ay parang ikaw ata ng hindi okay Iha.” Sagot nito sa akin.
“Naku okay lang po ako,sadyang tinamaan lamang ng kamalasan ngayon araw at sa dinami-dami ng tao ay ako pa talaga natyempuhan na matalsikan ng mabahong putik na ito.” Sagot ko dito ng nakangiti para hindi na ito mag-alala.
“Ganoon ba Iha,ibinilin na kayo sa akin kanina ng inay mo bago sila nagpunta sa palengke,kaya naman doon ba muna kayo dumiretso sa kusina ngayon.” Sabi nito sa amin at agad na kaming nagpaalam dito.
“Sige po Manong guard salamat.”