CHAPTER:1

1501 Words
“Camilla,” tawag sa akin ni Ina. “Nay bakit po?”Tanong ko dito ng makalapit na ako sa kanya. “Anak,dalhin mo nga itong ibang nilabhan ko doon sa sampayan at hayaan mo lamang at ako na ang magsasampay ng mga iyan,alam ko naman na pupunta pa kayo ng palayan ng mga kapatid mo.” Utos nito sa akin,agad ko naman itong tinulungan. Nang matapos kong tulungan si Nanay ay agad na nga akong nagpaalam dito na pupunta na kila Tatay. Araw kasi ng pagpapatanim ng palay ngayon ng mga Valderama at dahil ang aking tatay ang katiwala ng mga ito ay kailangan talagang nandoon kaming magkakapatid para tumulong. Ang lupa kasi na ito na siyang sinasakahan namin ay pagmamay-ari ng mga ito. Hatian ang labanan kapag mag-aani na kaya naman kailangan na makapagtanim kami ng marami nila Tatay. Kasama namin din ngayon sila Mang Pedro para tumulong sa amin kasama ang anak nito na aking bestfriend na si Layla. Habang nagtatanim kami ay bigla na lamang sumigaw si Layla. “Camilllaaa!” Sigaw nito na akala mo ay napakalayo ko naman sa kanya samantalang nasa malapit lamang siya. “Huyyy! Ang ingay mo,” sabi ko dito. “Ano ba kasi iyong nakita mo at kung makatili ka diyan ay para kang tanga!” Prangka na sabi ko dito. “Gaga tingnan mo kasi.” Sabay turo ng isang sasakyan na papasok ng farm ngayon. “Anong mayroon sa magarang kotse na iyan, alam naman natin na mayaman ang mga Valderama at kayang-kaya nila na bumili ng mga mamahalin na sasakyan.” Wika ko dito. “Camilla wala ka ba talagang alam?” Tanong pa nito na aking ikinatigil sa pagtatanim ng palay. Puro putik na kami nito at sa sobrang tindi ng init ng araw ngayon ay malamang tutong na tutong na naman ang aking mukha. “Ano ba kasing mayroon?” Tanong ko dito dahil wala talaga akong alam sa mga pinagsasabi ng isang ito ngayon. “My god Best! Ang akala ko pa naman ay mas may alam ka pa kaysa sa akin.” Sabi nito na ang sarap ng bigwasan hindi na lamang kasi nito sabihin sa akin ang kanyang gustong sabihin kailangan pa talaga na pa-suspense. “Uuwi ang mga magpipinsan na Valderama at syempre isa sa mga iyon ang longtime crush mo na walang iba kundi si Xedric Valderama.” Nakangiti na sabi nito sa akin. “Totoo na iyang sinasabi mo Layla,baka mamaya ay fake news iyan ay sasapakin talaga kita!” Sabi ko dito. “Totoo nga tingnan mo mamaya lamang ay marami ng magagarang sasakyan dadaan at isa sa mga nagmamay-ari ng kotse ay malamang si Xedric na.” Saad pa nito na tila siguradong-sigurado sa kanyang sinabi. Mamaya nga ay itatanong ko kay Mama kung anong mayroon sa mansion at umuwi ang mga apo nila Don Romano at Madam Esmeralda. “Ang mabuti pa ay tapusin na natin ang mga ito Layla at mamaya na lamang magkwentuhan para matapos na tayo.” Pag-aya ko na lamang dito. Sumunod naman ito at habang patuloy kami sa ginagawa namin ay bigla na lamang ay may isang sports car ata ang tawag doon na dumaan talaga dito mismo sa amin. Malapit kasi sa kalsada ang lupang pinagtataniman namin kaya naman kitang kita ang mga dumadaan na sasakyan dito. “Nang medyo nagmenor at eksaktong sa harapan pa namin mismo ay doon ko napagtanto na ang sakay nito ay walang iba kundi si Xedric nga,datapwat mabilis lamang ang pagsulyap nito sa amin ay alam ko siya iyon. Muli na naman kumabog ng malakas ang aking puso na tanging ito lamang ang kayang gawin ito sa akin. Sobrang tagal na mula ng huli ko itong makita. Matanda din ito sa akin ng halos sampung taon,dahil ang huling kita ko dito ay noong dise-otso anyos pa lamang siya. Alam kong suntok sa buwan na mapansin nito pero ano ang aking magagawa na sa murang edad ko noon ay itinangi na ito ng aking puso at magpahanggang ngayon ay tanging ito lamang ang minahal ko. Sandaling nagtama pa ang mga mata namin nito kanina pero saglit lamang talaga at pinasibad na nito ang kanyang kotse na tila nagtratranform na nakikita ko lamang sa mga pelikula. “Camilla,” tawag na naman sa akin ng bestfriend ko na ng aking lingunin ay alam ko na kung anong sasabihin nito sa akin. “Tama ako di ba!” Sabi nito at tumili pa. “Nagkita na kayong muli!” Saad pa nito. “Kahit naman magkita pa kaming muli Layla ay alam mo naman napakalayo ng estado ng pamumuhay namin sa kanila,atsaka tama na sa akin ang maging crush na lamang siya habang buhay.” Sabi ko dito at ipinagpatuloy na ang aking ginagawa. “Malay mo naman Camilla magustuhan ka din niya di ba! Wala naman siguro masama na mangarap ka na maikasal sa kanya at isa pa dito sa buong hacienda ay ikaw ang dalagang masasabi kong may magandang mukha at pangangatawan kaya nga napakaraming nagkakandarapa na manligaw sayo.” Muling sabi pa nito na tama naman,dahil sa dami nga ng mga manliligaw ko ay ni isa walang pumasa sa akin. Maitim man kasi ang aking balat dahil sa pagbibilad sa araw ay makinis naman ito at kung kaya nga lamang nila Ina at itay na maibigay ang mga pangangailangan ko sa katawan bilang isang dalaga ay sigurado akong puputi naman siguro at lalong lalabas ang aking ganda. Nang matapos kaming magtanim ay isa isa na kaming bitbit ng mga dala namin kanina pagpunta dito. “Camilla,pakisabi naman kay aling Patring na kung sakali man na kukuha ng mga tagasilbi sa mansyon ngayon na tila may okasyon doon ay baka naman maaring kunin niya din ako.” Sabi pa ni Layla habang naglalakad kami sa gilid ng mga palayan na kung magkamali ka lamang ng tapak ay siguradong mahuhulog ka sa aplaya. “Oo naman sigurado talagang kukuha ang mayordoma ng mansion at baka nga si Inay ang maataasan nitong kumuha ng mga dagdag na tauhan sa mansion habang may okasyon.”Sagot ko naman dito. Sana naman ay maging si Marcus ay umuwi din,” sabi nito na ang tinutukoy ay ang panganay na apo ng mga Valderama na halos kalahati ng edad namin ang tanda dito… “Ikaw kung makatukso kanina kay Xedric sa akin,ikaw din pala itong may hinihintay makita.” Nakangiting saad ko dito. “Alam mo naman kung bakit naghihintay din ako sa kanya di ba!” Sabi nito sa malungkot na tono ng kanyang boses. Sa aming dalawa kasi ay mas lamang ito dahil nangako dito noon si Sir Marcus na babalikan siya nito. Hindi ko alam ang buong kwento nila pero alam kong nagmamahalan ang mga ito,ang hindi ko lamang maintindihan ay ng magpakasal sa iba ang Marcus na iyon at ito naman na kaibigan ko ay naghihintay pa din sa pangako nito na kailan kaya matutupad. Naguguluhan din ako sa kanilang dalawa, at dahil ayaw ko ng maalala pa nito ay aking hindi na lamang binabanggit dito ang mga bagay na ito. “Bakit kasi hinihintay mo pa din siya Layla,alam mo naman na may pamilya na siya,ayaw ko man na pangunahan ang mga desisyon mo…Pero ako na ang nakikiusap sayo Layla tigilan muna ang paghihintay sa kanya.” Wika ko dito. “Huwag kang mag-alala kapag umuwi siya ngayon ay gusto ko din na makausap ito ng sa gayon ay aking malaman kong may hinihintay pa ba ako.” Sagot naman nito sa akin. “Sa palagay ko ay wala ka ng hinihintay matagal na siyang kasal!” Sabi ko muli dito para ipaintindi ang kanyang sitwasyon dito,malinaw naman na matagal na itong nakatali. “Hindi mo kasi maiintindihan sa ngayon Camilla.” “Then try to explain on me para maintindihan ko naman Layla.” Saad ko pa dito. “Sasabihin ko din sa'yo,pero hindi sa ngayon.” Pag-iwas na naman nito sa aking tanong sa kanya. “Ikaw ang bahala,ang sa akin lamang sana ay mas maging matalino ka Layla at isa pa tulad nga ng sinabi mo sa akin kanina ay marami din naman ang manliligaw mo at ang isa sa mga iyon ay anak pa ng ating butihin na Mayor,kaya naman girl mag-isip isip ka din.” Wika ko pa dito. “Ikaw talaga,pero salamat dahil naging kaibigan kita Camilla.” “Ako din naman ay maswerte sayo Layla, tingnan mo tatagal ba ng dekada ang pagkakaibigan natin kung hindi tayo magkasundo.” Sabi ko dito at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Mauuna ang bagay nito na madadaanan namin kaya ngayon ay kami na lamang ng aking mga kapatid at si itay ang naglalakad. Pagabi na at halos lahat kami ay pagod na sa maghapon na gawain sa palayan. Si Nanay pagdating namin ay eksakto nagluluto na din at tila kagagaling lamang nito sa mansion dahil ang damit nito at apron ay dito lamang nito nailagay sa aming maliit na sala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD