Habang naglalakad ngayon tiningnan ko pa ang mga taong nandito sa simbahan na sasaksi sa kasal namin mga taong malalapit sa asawa ko at syempre ang aking pamilya. Nakita ko pa si Xedric na tila nagpupunas ng luha niya habang naglalakad ako ngayon palapit sa kanya. Nang makalapit kami ay agad itong nagmano kila Inay at itay. "Wala na akong anuman na sasabihin sa'yo Xedric anak,, ingatan mo lamang si Camilla ay sapat na iyon sa amin." Sabi ni itay kay Xedric. "Opo Tay makakaasa kayong aalagaan ko po ang inyong anak at mamahalin habang ako ay nabubuhay." Sagot ni Xedric dito. "Xedric, ikaw na sana ang bahala kay Camilla," sabi pa inay. "Opo Nay." Tipid na sagot dito ni Xedric at ibinigay na nga nila itay ang aking kamay sa kanya. Ewan ko pero sa mga sandaling ito ay grabe ang emotion n

