Nang makarating kami sa reception ay nandoon na din ang iba pang mga bisita na naghihintay sa pagdating namin. Ang reception namin ay dito napili ni Xedric sa isang kilalang hotel sa Pilipinas. Habang papasok kami ay tumugtog na naman ang aking kantang gustong marinig. Nang nasa upuan na kami na para sa amin ay pinaupo muna ako ni Xedric,dahil paniguradong mamaya lamang ay siguradong mapapagod na naman ako dahil syempre kailangan namin na asikasuhin ang lahat ng bisita. Dumating na din sila Mama na nakasunod lang naman sa amin. Habang nagsasaya ang lahat kami naman ni Xedric ay kumain muna,natawa na naman ako dahil may mais na naman sa gilid ko at ang aking paborito din na mayonnaise. Nang kumakain na kami ay nagplay naman sa malaking screen ang mga litrato namin na mag-asawa. Nakit

