“Kanina pa nga din kita hinahanap para sabihin sayo kung ano ang mga nangyari sa akin kagabi ay kung bakit nasa ibaba kami kanina at nakikihalubilo sa mga bisita.” Sabi ko kay Layla. “Iyong tungkol ba sa inyo ni Xedric,,grabe ka naman kasi doon…Biruin mo iyon sa loob lamang ng isang gabi ay ikakasal ka na agad sa kanya,, samantalang kahapon lamang ay pinagpapantasyan mo pa lang siya.” Wika pa nito sa akin. “Sigurado ka na ba?” Tanong pa nito na tila nag-aalala sa akin. “Ikaw na ang nagsabi sa akin Layla na baka sakaling mahalin niya din ako,, katulad ng nakita ko kanina na pagmamakaawa ni Sir Marcus huwag ka lamang makipaghiwalay ng tuluyan sa kanya,,,,baka naman kasi habang nagsasama kami ay matutunan niya din akong mahalin.”Tugon ko naman sa tanong nito sa akin. “Nandito lamang ako k

