“Kung ako sayo ay gumawa ka na ng paraan ngayon pa lamang para hindi matuloy ang kasal natin,,,dahil ako na ang nagsasabi sayo na hindi magiging masaya ang bawat araw mo sa akin…At isa pa ay may kasintahan na ako at balak ko ng magproprose sa kanya sa aking pagbalik sa Manila.”Sabi nito sa akin. “Kahit naman siguro anong aking sabihin ay hindi na magbabago ang desisyon ng mga magulang natin na ipakasal tayong dalawa,,atsaka kaselanan mo din naman ito at hindi lamang ako ang sisihin mo kung bakit nasa ganito tayong sitwasyon ngayon.” Sambit ko dito na maluha-luha na. “Nakakagawa ka ng paraan kung gugustuhin mo,,pero sadyang ginawa mo ata talaga na pikutin ako para lamang guminhawa ang buhay,,,mas mapapadali nga naman ang pag-angat ng pamumuhay niyo kung isang Valderama ang magiging asawa

