CHAPTER:8

1108 Words
Habang nasa reception kami ngayon ng kasal nila Henderson ay Misha ay lumapit ang mga ito sa akin. “Camilla,”tawag sa akin ni Misha at iniwan naman ito sandali ng asawa ng may nilapitan ito na isa sa mga pinsan nila at aking nababalitaan na tatakbong mayor ng bayan ng Sta.Elena. Si Felix Valderama na isang magaling na konsehal ng bayan kaya sa tatlong taon nito sa kanyang termino ay napakarami nitong mga proyeto na naipagawa at syempre sigurado na ang panalo nito,,dahil suportado ito ng kasalukuyan na mayor ng bayan ngayon na mabuti din sa mga mamayan kaya naman nakakasiguro kami na nasa mabuting kamay ang aming bayan. “Bakit nandito ka Misha?” Tanong ko dito,dahil imbes kasi na nakikihalubilo sa mga kapatid at pinsan ng kanyang asawa ay nandito ito sa aking tabi. “Gusto kitang samahan,,,may masama ba doon?”Sagot naman nito sa akin. “Wala naman,dapat kasi ay doon ka sa mga kapatid ng asawa mo nakikihalubilo at sa mga kaibigan na din niya.” Wika ko pa dito. “Hayaan mo sila,,mamaya ay sila naman ang lalapit sa atin,,marami lang kasing bisita kaya naman hindi ka din maasikaso ng mga pinsan nilang babae,,pero mamaya ay siguradong kakausapin ka ng mga iyan.” Nakangiti pa na saad sa akin nito. “Wala naman problema sa akin kahit hindi nila ako pansinin,atsaka nandiyan ka naman na kaya okay na sa akin iyon,, sila mama kasi ay busy din sa mga bisita.” Ani ko naman dito. “Hindi na ako magtatanong kung anuman ang nangyari sa inyo ni Xedric,,,pero papaalalahan na kita agad Camilla,,iba iba ang ugali ng magkakapatid at magpipinsa na Valderama,,pero mababait naman sila,,ayaw lamang nila ng ginagamit at niloloko sila.” Paliwanag nito sa akin. “Bakit sinasabi mo ang mga ito sa akin?” Tanong ko pa dito. “Dahil gusto kong maging aware ka sa mga magiging pamliya natin,,,at sa umpisa ganyan talaga maiilang ka,pero sa bandang huli ay makakasanayan mo din at sa pagkakakilala ko sa magiging asawa mo na si Xedric,,sa tingin ko hindi ka naman mahihirapan na palambutin ang isang iyon.” Dugtong pa nito sa kanyang mga sinabi sa akin. “Salamat Misha napakabuti mo talaga sa akin at congratulations ulit sa kasali niyo ni sir Henderson.” Pagbati ko dito. Hanggang sa matapos ang event at nagsipag-uwian na ang lahat ng bisita ay doon ko pa lamang nakita muli si Xedric,kanina kasi ay bigla na lamang itong nawala. Lumapit ito sa akin at tila nakainom na ito. “Let's go lady!” Sabi nito sa akin. “Saan tayo pupunta?” Tanong ko dito nakainom ito pero sa aking tingin naman ay maayos pa itong kausap. “Magpapalista tayo kay mayor para sa susunod na araw ay matuloy na ang kasal,,,,bilisan muna diyan habang kausap niya pa sila dad at mom,gusto ka din nilang makita kaya naman kailangan mong sumama sa akin.” Sagot naman nito sa akin. “Sumunod naman ako dito at kita ko ang mga tingin sa amin ng kanyang pamilya na naiwan na lamang dito. Ngumiti naman ang lahat sa akin at kung kanina ay natatakot ngayon ay tila nakakasanayan ko na sila. Si Misha ay nasa tabi naman ng kanyang asawa ngayon pagkatapos namin mag-usap nito kanina ay nagpaalam na ito sa akin na aasikasuhin din ang ibang bisita. Habang papunta kami kung saan nag-uusap ngayon sila mayor at ang mga magulang nito ukol sa magiging kasal namin. Alam kong tila kaybilis ng mga pangyayari sa amin at kanina sa reception sa ibaba ay hinahanap ko si Layla,pero wala ito. Nang nasa loob na kami ng silid ay agad naman na pinalapit ako ni Mama sa kanya at pinaupo sa tabi nito. “Siya na ba ang dalaga na mapapangasawa mo iho?” Tanong ni mayor kay Xedric. “Opo Mayor.” Magalang na sagot nito na tila sobrang bait,,pero kapag sa akin ang sungit sungit nito. “Ang swerte mo naman pala iho dahil si Miss Secretario pala ang babaeng iyong pakakasalan,,alam mo ba na napakatalino ng magiging asawa mo running for magna c*m laude siya ng kanyang batch at ang nakakatuwa ay isa din siya sa mga scholar ng bayan!” Sabi ni Mayor kay Xedric. “Wow naman anak,, congratulations at kahit na kasal na kayo ni Xedric ay ako na mismo ang nagsasabi sayo n huwag kang titigil sa pag-aaral at kung gusto mo pa ng ibang course ay kami na ang bahala.” Saad naman ni Mama habang si Xedric ay tila balewala lamang sa kanya ang aking mga achievement,,,galit nga talaga ito sa akin. “Kaya naman nakakaproud Iha na hindi nasasayang ang aking pagtulong sayo at sa kaibigan mo na si Layla na nililigawan naman ng aking anak.” Wika pa ni mayor na agad naman nagkatinginan sila Dad at Xedric na tila may alam siguro ang mga ito sa sitwasyon ni Marcus at Layla. “Maraming salamat po mayor sa ibinigay niyo na tiwala sa akin,” pasasalamat ko kay mayor na “Kung ganoon ay uunahin ko na kayong ikasal sa makalawa at ako na lamang din ang sasadya dito,,alam ko naman kasi na marami pa kayong mga aasikasuhin kaya naman huwag kayong mag-alala dahil magiging maayos ang kasal niyo.” Ani pa ni Mayor. “Bweno ako ay aalis na din at may kailangan pa din kasi akong asikasuhin sa Mayor's office.” Paalam nito sa amin. Nang makaalis si Mayor ay bumaling naman ng tingin sa akin si Dad. “Iha magpahinga ka lamang okay at kami na ang bahala sa lahat ng mga kakailanganin niyo sa kasal ng anak namin.” “At Ikaw naman anak ay umayos dahil pormal tayong mamanhikan sa bahay ng mga Secretario bukas na bukas din.” Sabi pa nito kay Xedric. “Yes Dad,” sagot nito na tila napipilitan lamang ata. “Kahit huwag na po siguro kayong mamanhikan,, maiintindihan naman iyon nila Inay at Itay.” “Hindi iha,, tradition na sa atin dito ang mamanhikan at maging sila Mama ay gusto din na pormal hingin ang kamay mo sa iyong mga magulang na matagal na din namin na trabahador dito sa hacienda.” Sagot nito sa akin,,,kaya naman wala na akong nagawa pa kundi sumang-ayon na lamang sa kagustuhan nito. “Kami ay magpapahinga na muna ng Mama niyo nakakapagod ang araw na ito at napakaraming mga nangyari.” “Sige po,” sagot ko dito at ngumiti naman ito sa akin. Nang kami na lamang dalawa ni Xedric ang nasa loob ng silid na ito ay ramdam ko na ang tensyon sa pagitan namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD