“Dad,pwede naman natin na kausapin lamang sila at huwag naman kasalan agad ang sulosyon.” Wika ni Xedric sa kanyang na si senyor Armando.
“Anak,please manahimik ka na muna,dahil walang ibang sulosyon dito sa gulo na ginawa mo ngayon.” Mahinahon na sabi naman dito ni madam Lavisia na ina nito.
Tumahimik naman ito at hindi na nagsalita pang muli,,,nakinig na lamang ito sa kanyang dahil tila alam nito na hindi nagustuhan ng kanyang asawa Ang sinabi ni Xedric kanina.
“Ikakasal kayo sa ayaw sa gusto mo Xedric,, hindi naman kagaya ng mga babae sa syudad ang babaeng ginalaw mo ngayon at tagarito pa sa hacienda.” Wika dito ng kanyang ama.
“Kumpadre ako na ang humihingi ng pasensya sa mga sinasabi ng aking anak at huwag kayong mag-alala dahil may isang salita kaming mga Valderama at alam naman siguro ninyo iyon,dahil matagal na kayong tauhan namin dito.” Dugtong pa nito sa kanyang sinabi.
“Sa makalawa mismo ay ikakasal silang dalawa at wala na kayong ibang alalahanin pa,kami na ang bahala sa lahat.” Napatingin ako dito dahil sa kanyang huling sinabi tama ba ang aking dinig na sa makalawa mismo ang kasal namin.
“Dad,masyado naman po na mabilis ang mga desisyon niyo,,maari naman na sa susunod na buwan na lamang kami ikasal.” Si Xedric na tila tutol na tutol talaga sa kasal namin.
“Ayaw namin ng magarbong kasalan,,ayos na sa amin na kahit papaano ay mabigyan ng dangal ang aming anak sa ginawa ni señorito Xedric.” Saad naman ni itay dito.
“Masusunod kung ano ang inyong kagustuhan.” Sagot naman ng ama ni Xedric kay itay.
“Maraming salamat,sa inyo senyor Armando.” Pasalamat ni itay dito at tumayo na ang mga ito at si Inay.
“Sa tingin ko ay dito na natatapos ang ating usapan sa mga bata,,alam niyo naman na ngayon ang kasal ng aking pamangkin at sila ay nasa labas na ngayon,,kaya nga nagmamadali na ang aking hipag kanina ng tawagin kami,dahil siya ang nakakita sa dalawang ito at alam namin na birhen ang inyong anak ng makuha ng aming anak,,,kaya umasa kayo sa aming pangako. “Wika pang muli ng ama ni Xedric kila Inay at itay.
Nagkamay naman ang mga ito at ako naman ay napatingin kay Xedric na nakatingin din pala sa akin.
Hindi ko alam kung anong iniisip nito sa ngayon,,,pero alam kong hindi ito sang-ayon sa mga naging desisyon ng magulang niya.
Nang hindi ko makayanan ang mga tingin nito na tila ba inaalam ang aking buong pagkatao sa titig pa lamang nito.
Ang mga Lolo at Lola naman nito ay wala din imik at nakinig lamang sa naging desisyon ng kanilang anak at sa tingin ko ay sang-ayon naman ang mga ito sa naging desisyon ng ama ni Xedric na anak nila.
“Ang mabuti pa balae ay huwag na kayong bumalik sa kusina at sumama na lamang kayo sa akin at ng makapagbihis kayo ng aking magiging manugang.” and Nakangiti na pag-aya sa amin ni madam Lavisia na sa aking pakiramdam ay mukhang mabait naman kahit na may pagkamataray ang mukha nito.
“Mabuti pa asawa ko at isama mo na din sila sa garden,dahil sigurado akong malapit ng mag-umpisa ang kasal nila Henderson.” Ani pa dito ni Don Armando.
“Ikaw naman ay ayusin na din ang sarili mo!”
“Yes Mom,” sagot nito sa kanyang ina.
“Maraming salamat Madam Lavisha at sayo din po senyor Armando,,pero gusto ko lamang sabihin na kung ayaw po ng anak niyo na pakasalan ako ay aking tatanggapin po,,,parehas naman kaming may mali dito.” Sabi ko sa kanila na ikinatingin sa akin ng lahat na maging si Xedric ay nakuha kong muli ang pansin.
“Iha,, hindi namin matatanggap iyan at huwag mong intindihin si Xedric,,dahil ako na ang bahala sa kanya,,huwag mo na din akong tawagin na madam at mama na lamang or mommy.” Sabi naman ng Ina ni Xedric sa akin napakabuti talaga nito at tanggap na tanggap na isang probinsyana lamang na katulad na anak ng trabahador dito sa hacienda ang magiging asawa ng kanyang anak.
“Oo naman Iha,,halika nga dito.” Tawag naman sa akin ni ng Lola nito na si donya Amanda.
“Huwag mong iisipin na hindi ka welcome sa pamilya okay at tama ang sabi ng aking manugang na huwag munang intindihin ang apo ko na si Xedric kami na ang bahala sa kanya.” Sabi nito sa akin ng lumapit ako sa kanya.
“Tama na siguro ang usapan na ito at tayo ay pumunta na sa importanteng araw naman ng apo ko na si Henderson.” Wika naman ni don Romano.
“Halika na Iha huwag kang mag-alala ako na ang bahala sa'yo at inay mo mabilisan na ayos na lamang dahil malapit ng mag-alas otso ng umaga.” Wika pang muli ni madam Lavisia.
Hinawakan pa nito ang aking kamay hanggang sa makarating kami sa loob ng tila isang malaking cabinet na punong-puno ng mga magagarang damit.
“Mamili na kayo at tatawagin ko lamang ang mag-aayos sa inyo.” Paalam nito sa amin inay.
“Anak,” tawag naman sa akin ng aking Ina.
“Ano po iyon Inay?” Tanong ko naman dito.
“Anak huwag kang magagalit kay nanay,,pero sinadya mo ba na may mangyari sa inyo ni sir Xedric?” Diretsahan na tanong nito sa akin.
“Inay naman,pati ba naman po ikaw ganyan ang iniisip sa akin,”maluha-luha na sabi ko dito.
Hindi ko kasi akalain na sa dami ng tao ay nakaya pa talaga akong paghinalaan ng aking sariling Ina.
“Sagutin mo na lamang ang aking tanong anak.” Mahinahon na sabi pa din nito sa akin.
“Inay hindi ko po plinano ang lahat ng ito at isa pa ay wala akong alam na kwarto pala iyon ni sir Xedric,,Basta po inay wala akong ginawa na mali,,siguro po ay pagbibigay ko dito ng aking sarili kahit hindi pa kami kasal nito ay maari nga ba na maging kasalanan.” Sagot ko kay Inay.
“Kung ganoon ay kapag kasal na kayo ni Sir Xedric ay asikasuhin mo na lamang siya ng maayos at sana ay huwag kang titigil sa pag-aaral kahit pa kayo ay kasal na,,anak iba ang mundo ng magiging asawa mo at kailangan na palagi kang nakadepende sa lahat ng kilos niya ,,kaya nga kung ako lamang ang masusunod ay ayaw kong makasal din kayo,,kaya lamang ay tiyak na hindi makakapayag ang itay mo na kunin na lamang ng ganoon na lamang ang dangal mo bilang isang babae.” Sabi sa akin ni inay na naiintindihan ko naman ang ibig nitong sabihin,,ayaw lamang siguro nito na masaktan ako,,,kaya lamang ay gusto ko din naman ang maikasal dito at syempre kung hindi man niya ako niya ako gusto ay maari naman na matutunan niya iyon habang nagsasama kami,,ang mahalaga sa ngayon ay maikasal na kami nito at maramdam ni Xedric kung gaano ko siya aalagaan.
“Huwag po kayong mag-alala inay,dahil makikiusap po ako sa aking asawa na kahit kasal na kami ay mag-aaral pa din ako.” Pangako ko kay inay para hindi na ito mag-alala pa sa akin.
“Magbihis na nga tayo at baka bumalik na ang mabait na byenan mo!”Sabi pa ni inay na niyakap pa ako at naghanap na nga kami ng maaring maisuot para sa kasalan nila sir Henderson.
Kung tutuusin ay hindi naman kami dapat na nandoon kaya lamang ay nakakahiya naman sa mga magulang na siya pang nagsabi sa amin na pumunta kami at kuntodo asikaso pa sa amin ang magiging byenan ko.
Nakapili naman ako ng isang elegant gown na may kunting slit lamang sa may bandang gilid at medyo seductive din ang dating nito sa harapan mababa kasi ang neckline nito.
Isinukat ko ito at ipinakita kay Inay.
“Nay,,maganda po ba?” Tanong ko dito.
“Oo anak bumagay sayo ang kulay ng gown na napili mo at ito nga anak na akin ay tingnan mo kung babagay.” Sabi ni inay sa akin,, tiningnan ko naman ang ipinapakita nito sa akin at sa tingin ko ay babagay naman ito sa kanya.
“Isuot muna po inay,,sigurado po akong babagay iyan sayo.” Sabi ko dito at agad naman itong nagpunta kung saan ang tila dressing room at doon isinukat ang damit.
“Tapos na ba,,,wow! Napakaganda mo Camilla iha, sigurado akong matutulala mamaya sayo ang aking anak.” Sabi ni madam Lavisha sa akin na napangiti naman ako.
“Salamat po Madam,”saad ko naman dito.
“Iha please lang sanayin mo na ang iyong sarili na tawagin akong mama o mommy okay,ang pangit naman na manugang kita,tapos ang tawag mo sa akin ay madam.” Magiliw na pagkakasabi nito.
“Pasensya na po Ma,sasanayin ko na mula ngayon.”
“Alam mo Iha, maganda ka naman talaga at huwag mong isipin ang mga sinasabi ng aking anak ko at makikiusap sana ako sayo na sana ay kayanin mo ang lahat ng pagsubok na darating sa inyong dalawa.” Ani pa nito sa akin.
“Opo,huwag kayong mag-alala ako na po ang bahala sa inyong anak.” Sagot ko naman dito.
“Anak, tingnan mo!” Sabi naman ni inay na suot na ngayon ang damit na napili nito.
“Bagay na bagay sayo balae,,bweno at halika na muna kayong dalawa at mamaya na lamang siguro tayo magchikahan pagnatapo na ang okasyon ng aming pamangkin,,,may mag-aayos sa inyo sandali lang naman iyon,” Wika pa sa amin ni Mama.
Nang matapos kaming maayusan ay bigla na lamang na may kumatok sa pinto.
“Ma, magsisimula ang kasal ikaw na lamang ang Wala doon!” Sabi ng tinig ng isang lalaki na kilalang kilala ko.
“Sandali na lamang at baba na kami!” Sagot naman ni Mama dito.
“Tapos na ba s'ya?” Tanong pa nito sa naglalagay ng make-up sa mukha ko.
“Tapos na po Madam.” Sagot naman nito.
Iniharap pa ako nito kila Mama at ang aking akala ay bumaba na ulit si Xedric pero ng humarap ako ay nandito pa pala ito.
“Lalong lumabas ang ganda mo Iha,,halika na at baka matunaw ka na sa titig pa lamang ng anak ko.” Sabi na naman ni Mama.
Tila naman nilalakasan talaga nito ang boses para marinig ni Xedric.
Umalis tuloy at kami naman ay nagtawanan.
“See,pikon talaga ang anak ko na iyon.” Sabi pa nito habang naglalakad kami papunta sa garden ng hacienda.
“Kilalang kilala mo po talaga ang inyong anak,,at nakakatuwa naman na malapit siya sa inyo Ma.” Sabi ko pa.
Ngumiti lamang ito sa akin at hindi na sinagot ang aking sinabi.
Si Inay naman ay tahimik lamang habang papunta kami kung idinadaos ang kasalan.
Agad naman kami na naupo sa aming designated na upuan at nakita ko naman ang pamilya na tila yata nagtataka kung bakit nandito kami ngayon ni inay.
Pero kahit naman tila nagtataka ang mga ito ay ngumingiti pa din ang mga ito sa akin maliban lamang kay Xedric na sinuko pa ni Henderson.
Siya pala ang best man nito.
Ilang minuto lamang ay nag-umpisa na ang kasal.
Isa-isa na pumapasok ang mga abay hanggang sa si Misha na ang naglalakad ngayon palapit sa kanyang magiging kabiyak at ang aking ipinagtataka ay tila isang madre ang maghahatid dito,,baka naman isa itong ampon ng mga madre.
Nang tumapat ito sa akin at ngumiti ng matamis kahit pa umiiyak na ito.
Masaya ang lahat sa kasalan na ito at napapaisip tuloy ako kung ganito din ba sila sa kasal namin ni Xedric.
Nang tingnan ko si Henderson ay iyak na din pala ito ng iyak.
Makikita talaga kung gaano nito kamahal ang babaeng pinili niyang pakasalan.
Nang matapos ang kasal ay agad naman na itinapon ni Misha ang kanyang bouquet at hindi na ako nakipag-agawan pa sa kanila.
Pero sadyang mapagbiro ang tadhana dahil sa dami-dami ng makakasalo nito ay sa akin pa talaga ito napunta.
Sigawan ang lahat at nakangiti naman na tumingin sa akin si mama at inay.
"Tuloy na tuloy ang kasalan ninyo ng aking anak." Sabi pa ni Mama na nakikita kong excited din itong maikasal na ang kanyang anak sa akin.