CHAPTER:6

1307 Words
“Anong ibig sabihin nito!?” Naalimpungatan ako,dahil sa sigaw ng tila isang babae. “Tita!” Sabi ni Xedric na natatakpan lamang ang katawan ngayon ng kumot, hindi na kasi ito nakapagbihis pa kagabi,dahil sa sabrang kalasingan nito. “Xedric anong kalokohan na naman itong ginawa mo at ikaw Iha,sino ka at bakit naman pinayagan mong mangyari ito sa inyo?” Sunod-sunod na tanong nito sa amin na nagpapalipat-lipat pa ang tingin sa amin. Ang kumot ay hinila ko,dahil aking naalala na wala nga pala akong saplot na pang-ibaba. “Hala,sige at tumayo kayo at ikaw Xedric ay panangutan ang nangyari sa inyo ng dalaga na iyan!” Sigaw pang muli ng Tita niya ng makita nito ang tila mantsa ng dugo ng lumapit ito sa amin. “Mas nagkagulo pa ng makita ko si Inay na ngayon ay nasa pintuan na ng kwarto,bukas kasi ito dahil nga sa pagpasok dito kanina ng Tita ni Xedric. Nang lingunin ko si Xedric ay tila pagkayamot ang aking nakikita dito ngayon,,,nakahawak kasi ito sa kanyang ulo habang panay ang sabunot sa buhok nito. Tila masakit pa ata ang ulo at ngayon ay lalong sumakit pa dahil sa sitwasyon namin. “Camilla,anak anong ginagawa mo dito?’” Naluluhang sabi ni Inay at nilapitan naman agad ito ng Tita ni Xedric. “Anak mo ba siya aling Patring?” Tanong nito kay Inay na napatango na lamang. “Anak naman,tanging ang dangal na lamang natin ang ating kayamanan,bakit naman pumayag ka na may mangyari sa inyo?” Galit na sabi ni Inay sa akin na alam kong nagpipigil na lamang na masampal ako ngayon sa harapan ng aming mga amo. Ngayon ko naintindahan ang consequences ng mga ginawa namin kagabi ni Xedric na ang tanga-tanga ko dahil nga naman may nangyari na agad sa amin nito kahit pa wala naman kaming relasyon nito. “Aling Patring, huminahon po kayo at mamaya lamang ay kakausapin namin ang aking pamangkin kasama ang mga magulang niya,para pag-usapan ang kasal nilang dalawa.” Mahinahon na wika ni Madam Filomena na Ina ni sir Henderson na siyang ikakasal mamaya. “Pero tita,”muling sambit ni Xedric. “Walang pero,pero Xedric,lalabas na kami at magbihis na kayong dalawa.”Utos nito sa amin. “Sumunod kayo sa library at doon ay maghihintay ang mga magulang mo,,umayos ka Xedric dahil kahit pamangkin pa kita ay hindi ko kukunsintihin ang kalokohan mo,,,nakita mo naman kung gaano ako kahigpit sa mga anak ko kaya si Henderson ngayon ay ikakasal na din na mauuna sa kuya Aldrich niya.” Sabi pa nito kay Xedric. “Halika na po muna sa labas aling Patring at hayaan muna natin sila na makapagbihis.” Pag-aya nito kay Inay na tinapunan pa ako ng tingin. Lumabas nga ang mga ito at si Inay at alam kong galit pa din at aking alam na mamaya lamang ay puro kurot na ang aabutin ko dito,, mabait si Inay kung sa mabait pero sa aking ginawa ngayon ay malamang galit na galit na ito. Nang makalabas ang mga ito ay agad na tumayo na si Xedric sa kama,napatakip pa ako ng aking mata dahil naglalakad ito ngayon sa aking harapan na wala man kasaplot-saplot. “Playing innocent!” Nanguuyam na sabi nito. “Mga taktika nga naman ninyong mga babaeng gustong mabingwit kami,,, pero umasa ka lamang dahil walang kasalan na mangyayari sa ating dalawa.” Inis na wika nito bago tuluyan na pumasok sa banyo. Wala man man lang akong naisagot sa sinabi nito. Naramdaman ko na lamang ang aking mga luha na unti-unti na palang tumutulo. Ang sakit para sa akin na marinig ang mga katagang iyon sa kanya,,dahil kung tutuusin naman ay siya ang nakiusap na itinuloy namin ang nangyari sa amin nito kagabi. Kahit ramdam ko pa ang sakit za ibabang parte ng aking katawan ay pinilit ko ng tumayo para makapagbihis. Nakita ko naman ang aking shorts at kahit walang panty ay isinuot ko na ito. Nang matapos ay naupo na lamang muna ako sa edge ng kama at hinihintay ang paglabas nito ng banyo. Ilang sandali pa ay lumabas na din ito na nakatuwalya naman kaya medyo panatag na akong hindi ko muna ang malaki at matabang p*********i nito. “Paano ko kayang nakaya ang ganoon kalaki?” Tanong ko pa sa aking sarili gamit lamang ang aking isipan. “Iyan na ba ang susuotin mo,nasaan ang damit mo kagabi?” Tanong nito sa akin. Itinuro ko naman sa kanya ang punit na aking bestida na nasira sa sobrang intense ng ginagawa nito kagabi sa akin,,,kaya naman ang tanging suot ko lamang ngayon ay ang kanyang over sized na t-shirt. Nasa cabinet niya ito ngayon at kumukuha ata ng damit niya,,,so ang ibig sabihin ay kwarto niya pala ito.” Ngayon lamang nagsisink-in sa utak ko ang lahat,,,kundi nga naman ako pumasok dito at nakatulog ay baka walang nangyari sa amin nito. “Ito ang isuot mo!” Sabi nito at ibinato sa akin ang isang bestida na sa aking palagay ay sa girlfriend nito…Siguro ay ilang beses na din na may nangyari sa kanila dito sa silid na ito. Ewan ko ba kung bakit ang sakit para sa akin na isipin na may iba itong babae na kasiping at kayakap. Kung tutuusin ay wala naman talaga akong karapatan dito. “Go,, magbihis ka na?” Bulyaw pa nito sa akin. Agad naman akong tumalima,dahil nakakatakot ang boses nito ngayon. Pumasok na ako sa banyo at mabuti na lamang ay natuyo na ang aking panty na manipis lang naman talaga. Nang makapagbihis ay agad kong tiningnan ang aking sarili sa salamin,, nag toothbrush na din ako gamit ang nakasealed pa na mukhang hindi pa naman nagagamit. Namangha ako,dahil lapat na lapat ito sa akin na tila ba sinukat ito sa aking katawan. Maganda din ang tela nito na kaysarap sa katawan. ”Siguro ang mahal nito!” Kausap ko pa sa aking sarili. Lumabas naman ako ng banyo at nakita kong nakaupo sa kama si Xedric na tila hinihintay talaga ang aking paglabas. “Tapos na ako!” sabi ko dito na ikinalingon nito sa akin. “Tayo na,” wika naman nito. Agad akong sumunod dito at ang bawat paghakbang nito ngayon ay tila isang musika sa aking pandinig. Ewan ko ba lahat ng nasa sa kanya ay tila walang tapon,kahit nga bagong gising ito kanina at haggard pa ay kaygwapo pa din nitong tingnan. Habang naglalakad kami ngayon nito papunta sa library kung saan daw kami kakausapin ng mga magulang nito at sa aking palagay ay nandoon na din si itay. Kahit kabado sa mga maaring mangyari ngayon ay wala akong magagawa kundi ang sundin ang lahat ng sasabihin ng mga magulang nito na sana naman ay kasing bait din ni madam Filomena. Hanggang sa huminto at dahil nakayuko ako ay aking hindi napansin. “Pwede ba lady,, na tumingin ka sa dinadaanan natin.” Singhal nito sa akin kaya naman agad kong inayos ang aking sarili. Nang pumasok kami sa loob ay nandoon din pala ang mga Lolo at Lola nito at syempre ang mga magulang nito maging sila inay at itay na agad lumapit sa akin. “Aray,itay!” Sabi ko ng sampalin ako ni itay. “Kulang pa iyan sa kahihiyan na ibinibigay mo sa amin Camilla!?” Sigaw nito na dumagundong sa loob ng silid kung saan kami nagtipon-tipon. “Tama na po!” Pag-awat naman ni Xedric dito ng tila sasampalin na naman ako ni itay. "Maupo na muna siguro tayo kumpadre at maging mahinahon para makapag-usap tayong lahat ng maayos,,,huwag kang mag-alala dahil alam namin ang nagawa ng aming anak,,,kaya naman makakaasa kayo na panangutan niya ang anak niyo at ang pag-uusapan natin ngayon ay ang araw kung kailan ito gaganapin." Mahinang na wika ng ama ni Xedric na kamukha din nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD