Pauwi na kami sa Manila ngayon at kanya-kanya ng byahe ang bawat isa sa amin. Halos hindi pa din ako makapaniwala sa singsing na nakalagay sa aking daliri ngayon na simbolo ng pagmamahal na sa akin ni Xedric ngayon,, hindi na ito katulad ng dati na pilit lamang at kami pa ni mama ang bumili ng wedding ring namin nito noong kinasal kami sa probinsya. "Hey,, anong problema? Hindi mo ba gusto ang singsing na binigay ko sayo?" Tanong nito sa akin. "Anong ayaw ang pinagsasabi mo diyan Xedric,,ang ganda nga nito oh!Dati mga tigsasampung piso lamang na singsing ang naisusuot ko,pero ngayon totoo ng diamond at hindi pwet ng baso." Sagot ko dito. "Okay ang akala ko ay hindi mo nagustuhan,,dahil ibibili kita agad ng bago bukas na bukas din." Sabi pa nito at nahampas ko naman ito sa braso. "Cam

