Xedric Von Valderama POV Hindi ko alam kung bakit naging ganito ako katakot ngayon na magalit siya sa akin,,pero hindi ko ata kakayanin na mawala pa siyang muli sa akin. Kaya nga naisip kong magbakasyo kami nito at naglaan talaga ako ng panahon sa kanya at sa magiging anak namin.. Oo aminado naman akong maganda talaga ang aking asawa sadyang noong una ay ayaw ko talagang makasal dito,dahil ang aking iniisip ay baka patibong lamang nila na galawin ko siya para naman makaranas ang pamilya niya ng karangyaan na meron ang pamilya namin. Kaya nga habang inihahanda nila ang kasal namin nito ay ni hindi ko na ito kinakausap pa,,sila Mom at Dad lamang ang nag-asikaso para sa kasal namin nito. Nang gabing iyon na may mangyari sa amin ay talagang wala akong maalala kinabukasan,, kaya nga grabe

