Mila’s pov
Nakaramdam ako ng pagpintig ng aking sintido, sumasakit ang ulo ko sa labis na pag-iisip. Kanina lang ay nakausap ko si mama, may gusto itong ipakilala sa aking lalaki na naghahanap ng mapapangasawa. Hindi naman sarado ang puso ko sa mga gano’ng bagay, ang hindi ko lang gusto ay ang taong nag-suggest nito. Si Tita Josie, bastos na kung bastos, ayoko talaga sa babaeng ‘yon. In fact, karamihan sa mga kamag-anak namin ay hindi ko gusto, masyado kasi silang maraming unsolicited opinion. Ayoko ng pinapakialaman ang buhay ko. It's my life, I am the only one who has the say to it. Si Tita Josie ang isa sa mga pet peeve kong kamag-anak, kapatid ito ni papa, middle child na may tatlong anak. Simula nang maka-graduate ako ng college hanggang sa makapag-trabaho ako, palagi itong may nasasabi at advice na baluktot. Gaya na lang ng pag-aasawa, kesyo malapit na raw akong mawala sa kalendaryo. Hindi ko pa rin makakalimutan noong last na reunion namin, talagang ipinag-sigawan nito ang mga sinabi sa ‘kin, para marinig ng lahat at mas lalo akong i-pressure.
“Tumatanda kana, Mila. Mag-asawa kana bago pa magsara 'yang matres mo, baka hindi kana magkaanak.”
Hiyang-hiya ako no’n, pakiramdam ko ay sobrang tanda ko na kahit magti-trenta palang ako next month. Tuwing may gathering kami kasama ng mga kamag-anak namin, hindi nila nakakaligtaan ang pagbanggit sa pag-aasawa, na akala mo naman napakadali lang bumuo ng pamilya. Kapag hindi ka financially stable at mentally ready, kawawa lang din ang mga magiging anak mo. And now, she did again. Kaya ako nandito sa puder ng mga Miller, to honor my parents’ request. Because according to them, Tita Josie set me up to a good man, which I’m still not sure if it's true. Kung si Tita Josie ang nagsabi, mga nasa sampung porsyentong pwedeng magkatotoo.
Ayon kay mama, hindi ko naman daw kailangang pakasalan agad, kilalanin ko daw muna. Kaya pumayag ako, isa lang ang kinakabahala ko, ang edad nito. Ang sabi kasi ni mama, matanda na raw ito kaya naghahanap na ng mapapangasawa at gusto na ring magkaanak. It’s not literally mean na kapag matanda ay sobrang tanda, pero hindi pa rin ako sigurado lalo na at hindi ko pa nakikita. Mamaya mas matanda pa pala sa lolo ko.
“Miss Milagros Lopez?”
Sa wakas, sa humigit kumulang na isang oras kong paghihintay dito sa gate kasama ng guard ay may lumabas din. Mukhang may mahalagang katungkulan ito sa bahay na ‘yon, iba kasi ang aura nito at naiiba ang kasuotan sa mga nasisilip ko mula ditong mga kasambahay at serbidor.
“Opo,” magalang na sagot ko. Sa tingin ko ay mga nasa forty na ang lalaki.
“Í’m Darien, the butler of House Miller. Follow me." Pormal lang itong makipag-usap. Hindi nalang ako umimik at tahimik na sumunod dito. Pagkarating namin sa sala ay parang binagsakan ako ng tone-toneladang drum ng yelo, bumigat bigla ang pakiramdam ko. Ang naabutan kasi namin na mukhang naghihintay ng aming arrival ay isang matandang lalaki, bumaba ang tingin ko sa tungkod na hawak nito sa kanang kamay. Mukhang kailangan na nito ng suporta sa paglalakad, base sa kasuotan nito ay mukhang ito ang may-ari ng naturang mansyon. But if he is the owner, he’s the man I should get to know?
No way.
Ngayon palang ay gusto ko nang tumakbo, but I have to stop myself. Ayokong maging disrespectful, tinanggap naman nila ako ng maayos. I'll just politely decline, whatever he will offer.
“This is Milagros Lopez, sir.” Pagpapakilala sa ‘kin ng butler nila.
Ngumiti ako, hindi ko lang masasabing sinsero. Ayoko lang maging bastos, pero hindi ako kumportable sa sitwasyon.
“Mila, this is Sir Aethan Miller, the head of the family.”
Magalang ako yumuko para magbigay ng respeto. Iniwan na rin kami ng butler at ngayon ay dalawa nalang kami sa sala. Hindi ako mapakali, nangangati ang mga paa kong umalis nalang. But I still have matters to settle.
“I’m very sorry, Mila. Ako dapat ang pupunta sa inyo para makipag-usap at makilala ka, kaya lang medyo naging busy ako nowadays kaya ikaw nalang ang pinapunta ko. Nalaman kong gusto mo raw munang makilala ang lalaking pakakasalan mo?”
Napalunok ako. He looks like in his 80’s. Oh, God, let me get out of this place for once.
“Opo,” magalang kong sagot. Nginitian naman ako nito.
“Very we—”
“Daddy!” Naputol ang iba pang sasabihin nito nang biglang may sumulpot na batang lalaki. Anak niya? Mukhang five years old palang ito, or younger. Kung may anak itong five years old, it only means he has a woman way younger than him. Hindi ko ma-imagine na makakatalik man lang ito. It’s disgusting. He may look like a fine man in his younger years, but right now, he’s just an old man. Freaky.
“Atticus, careful. I told you not to run around the house.”
Lumapit ito sa bata at kinausap. Sinundan ko lang ito ng tingin, at pinapanood habang kinakausap ang batang lalaki. Maya-maya ay tumingin sa akin ang bata, tila may buhay ang sarili kong ulo na kusang tumango sa bata. Mababakas ang pagtataka sa mukha nito, halatang inosente sa mga nangyayari.
“Go on, play with your friends for a while. May aayusin lang ako.” Matapos sabihin iyon ng matanda ay agad namang sumunod ang bata. Umayos ako ng tayo nang kami nalang ulit dalawa.
“Sorry about that. By the way, I don't think it’s appropriate to talk here about marriage, how about in the veranda?”
“Anywhere is fine with me, sir.” I made sure na ipagdiinan ang paggalang ko dito, kailangan kong ipamukha na sobrang tanda nito sa akin.
Sinundan ko lang ito hanggang makarating kami sa veranda na tinutukoy nito, mayroong pabilog na mesang gawa sa salamin, at apat na upuang may sandalan. Sa paligid ay isang maluwang na garden, mayroong iba’t ibang pananim, bulaklak, prutas, at iba pa. Napakagandang pagmasdan, parang kahit araw-araw kang tumambay doon ay hindi ka magsasawa.
“Maupo ka.”
Natapos lang ang pag-a-appreciate ko sa lugar nang muli itong magsalita, madali naman akong naupo sa katapat ng inupuan nito. Ngayon ay magkaharap kami.
“Again, I’m sorry about Atticus.”
“It’s okay, sir. Your son has quite the energy.”
I have to make sure he’ll get my message. That he’s older than me.
Ngumiti ito. “He’s not my son, anak siya ng anak ko. He’s my grandson, daddy lang ang tawag nito sa ‘kin.”
He’s not the father after all, I think I judged him a bit wrong. But still, that didn't change the fact that he wants to marry a woman more younger than him.
“I see.”
He cleared his throat. “I know I took your time just to be here, that’s why I’m quite disappointed to tell you the news that we might reschedule this meeting.”
“No, it’s okay, sir. I don’t think we need to reschedule the meeting, I’m just here to dec—”
“Dad! What the héll is this?!” Naputol ang iba ko pang sasabihin nang bigla na lamang may dumating na lalaki, galit na galit ang boses nito. Nag-iigting rin ang mga panga nito, ang mga ugat sa leeg ay bahagyang lumabas dahil sa pagtitimpi. It seems like we’re the same age.
“Exactly what is written, Atlas. Good thing that you're here, akala ko'y hindi ka makakarating. I’ve been calling you countless times to get you to go home, but you always ignore my calls.”
“That issue aside, the héck I am marrying a woman I don't even know!” Mataas ang tono nito, mukhang hindi ako napansin dahil sa tindi ng emosyong naghahari dito.
“You will, Atlas. Or you won't be able to get your inheritance, my decision is final.”
“You’re unbelievable,” he muttered in disbelief. Just perfect timing for the butler to arrive and call their attention.
“Oh! Darien, I’m glad you’re here. Atticus needs me, right?” Tumayo ang matanda at lumapit sa butler. Nabalot ng pagtataka ang mukha ng butler, hindi pa maunawaan ng lubos ang nangyayari.
Saglit na nilingon ng matanda ang anak nito. “Atticus needs me. Now, will you entertain, Miss Lopez? She will be your future wife after all.” Wala ng nagawa ang butler ng mga ito nang hilain ito ng matanda, kahit parang wala itong alam sa nangyayari ay nagpatianod nalang ito.
Mukhang ngayon palang ako napansin ng lalaki, mababakas ang gulat sa mukha nito. Narinig ko pa ang pagmumura nito ng mahina. “Damn it. Why do I have to marry a woman for money?” That was supposedly a whisper, but since we’re close to each other, I heard him loud and clear. For money? What does he mean by that?