Mila’s pov
Nabibingi ako sa katahimikan, nanatili akong nakaupo, habang ito ay nakatayo. Medyo ramdam ko ang aking bigat mula sa pagkakaupo dahil sa tensyong namamagitan sa amin.
Huminga ako ng malalim. Gamit ang lahat ng natitira kong lakas, tumayo ako at naglakad patungo sa pinto ng veranda. Saktong madadaanan ko ito kaya huminto ako panandalian.
“I’m sorry to disturb you, I'll take my leave.”
Hindi ko naman kailangang harapan na i-decline ang offer ng mga ito, ipapaabot ko nalang kay mama na sabihan si Tita Josie, at bahala na ang huli na makipag-usap sa kanila. Tutal ito naman talaga ang kausap nila.
“You’ll just do anything for money, huh.” Puno ng diin at sarkasmo ang boses nito.
“Excuse me? I’m not here to accept your proposal, I’m here to decline it.” Nasabi ko rin, kanina ay hindi ko alam kung paanong isisingit gayong nagtatalo sila ng ama nito. But now I finally said it.
“Oh? I don't think you have the right to decide on that matter.”
Hindi ko maintindihan ang sinasabi nito. Nagtatanong ang tinging iginawad ko rito.
“What do you mean?”
“Playing innocent?” There's some mockery in his voice, it's irritating.
“Sorry, wala talaga akong ideya sa sinasabi mo. Would you care to give me some briefing?” Hindi ko na tinago ang inis ko, ang arogante ng pakikitungo nito sa ‘kin. Dapat lang na ibalik ko dito, kahit gaano pa kayaman ang pamilya nito, wala siyang karapatang pagsabihan ako ng gano’ng mga bagay. Pareho lang kaming tao.
“Why not check it yourself?”
Tiningnan ko ang papel na tinutukoy nito, iyon iyong ibinato niya kanina sa ibabaw ng mesa habang nagtatalo sila ng matanda. Muli ko muna itong tinapunan ng tingin, bago ibinalik ang atensyon sa papel. Kinuha ko iyon at binasa ang nilalaman.
The first page, statement of will ng head of the family, Sir Aethan. It says here that Atlas Johannson F. Miller can only get his inheritance if she agrees to marry Milagros Lopez. I find it weird, it says here that this will was made three months ago, samantalang kahapon lang ako sinabihan ni mama na i-meet itong lalaki na ‘to. What the freak is happening here?
I turned to the next page, sana hindi ko nalang ginawa, para akong hinila sa isang bangungot. It’s a term of agreement, whereas, I am a payment for a debt amounting of... napamura nalang ako nang makita ang halaga ng utang na nakalagay rito. Kahit ang mga ari-arian namin ay nakalagay as qualateral. Muli akong huminga ng malalim, nanginginig ang mga kamay ko.
“So, you don’t know anything about it, huh. And yet you agreed to this arranged marriage.”
Hindi ko na alam ang nangyayari, parang nagiging blurr ang paligid ko. Pumikit ako para hindi tuluyang mawala sa sarili. Kinuha ko ang cellphone a nasa aking sling bag, agad kong dinial ang number ni mama.
“‘Ma please, answer the phone.” Mahinang dasal ko, may umahong pag-asa sa puso ko nang finally ay sumagot ito.
“Anak, kumusta yung lakad mo?” Masigla pa ang boses nito, parang wala naman itong ideya sa nakasulat dito sa papel na hawak ko.
“M-ma,” nanginginig ang boses ko. “Totoo bang pinambayad niyo ako sa utang?”
“Ano? Anong utang? At bakit ka naman namin ipambabayad sa utang?”
Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba ang narinig, may parte sa aking parang nabunutan ng tinik nang marinig ang sinabi ni mama, ibig sabihin ay wala itong alam sa utang na ito. Pero hindi pa rin naso-solusyunan no’n ang problemang kinakaharap ko, namin.
“T-there’s a document here, stating that you borrowed a sum of money, you made our house and all our assets as a qualateral. As for alternative options, if the debtor couldn't give the qualateral, their eldest daughter will be the payment of their debt.”
“Ano?! Wala kaming alam ng papa mo d‘yan. Ano ba ‘yang sinasabi mo?” Mababakas ang gulat sa boses ni mama, I’m sure now that even she has no idea.
“Sino ‘yan, Maring? Anak mo ba ‘yan? Si Mila, kumusta raw ang lakad niya?” Narinig ko sa kabilang linya si papa.
“Anak, narito ang papa mo, ila-loudspeaker ko itong cellphone. Sabihin mo ulit iyong sinabi mo.”
Huminga ulit ako ng malalim, ‘saka idinetalye ang nilalaman ng papel na hawak ko.
“Wala akong inuutang sa kahit na sino, at sinong gagóng magulang ang gagawing pambayad ng utang ang anak nila?!” Mataas ang boses ni papa, tanda na galit ito. Gigil sa kung ano mang nangyayari na maging ang mga ito ay walang alam.
“Pero ‘ma, ‘pa, may pirma kayo dito.”
“Ano? Wala akong natatandaang pumirma ako sa kahit anong dokumento gaya niyan.”
“Baka naman peke ‘yan, anak.”
Hindi, hindi ako maaring magmali. Kabisado ko ang pirma nilang dalawa, dahil ako palagi ang lumalakad ng mga importanteng dokumento na kailangan ng mga ito, wala kasi silang alam sa mga bagay na tulad nito. Natigilan ako. Tama, wala silang alam sa mga ganitong bagay, which means...
“Si Tita Josie, ‘ma! Ask Tita Josie, hindi ba siya ang nag-recommend nito?”
Tumahimik ang kabilang linya, mukhang may inaalala. Narinig ko ang malakas na pagmumura ni papa.
“Babalikan kita anak, ipapatawag namin ang Tita Josie mo at personal na kakausapin.”
Pagkasabi no’n ay pinatay na nito ang tawag, nanginginig ang buong katawan ko sa sobrang kaba. Takot. Hindi ko na alam, halo-halo ang nararamdaman ko.
“We will confirm this agreement first, but I am here to tell you that we have no idea about this. Excuse me.”
Hindi ko na hinintay na makapagsalita ang lalaki, mabilis ang mga hakbang na nilisan ko ang lugar. Hindi na rin ako nag-abalang ibalik ang dokumentong hawak ko, kakailanganin ko ito bilang patunay kung sakaling itanggi ni Tita Josie ang lahat. Hindi ako makakapayag na gamitin ako nito sa masamang paraan, wala akong kasalanan at lalong wala itong karapatan na desisyunan ang buhay ko. Sigurado akong gano'n din ang nararamdaman nina papa at mama, kakampi ko sila sa labang ‘to. Hindi ito pwede, ayokong makasal sa aroganteng lalaking ‘yon. Sana’y malusutan pa namin ito.