Mila’s pov
Pagkauwi ko sa bahay, naabutan ang eksena ng mga magulang ko at ni Tita Josie.
“Ate, Kuya, wala talaga akong alam sa sinasabi niyo.” Itinatanggi ni Tita Josie ang lahat, humigpit ang hawak ko sa papel na nasa aking mga kamay.
“Kung gano'n ano yung sinasabi ni Mila? Nagsisinungaling ka ba sa ‘min Josie? Imposibleng mag-sinungaling ng gano'n ang anak namin.” Si papa na hanggang ngayon ay bakas pa rin ang galit sa tono ng pananalita nito.
“Hindi ko alam, kuya. Hindi ko alam kung saan napulot ni Mila ang mga sinasabi niya, pero nagsasabi ako ng totoo, kuya. Wala akong alam at kinalaman d‘yan.”
Hindi ko na kayang magpigil, huminga ako ng malalim. Dire-diretso akong naglakad palapit sa mga ito. Nakita ko pa ang bumakas na gulat at takot sa mukha ng mga anak ni Tita Josie, nakatayo ang mga ito sa likuran nito na siyang dinaanan ko.
“Kung gayon, ipaliwanag mo sa amin ito, Tita Josie.” Inilapag ko ang kumpol ng papel na hawak ko, dumako ang lahat ng mata doon. Si mama ang unang dumampot at bumasa ng nilalaman no'n, si papa ay nakibasa na rin. Habang nagbabasa ang mga ito mababakas kay mama ang magkahalong takot at gulat, habang kay papa mas lalong dumilim ang mukha nito.
Kinuha ni papa ang papel kay mama, tapos ay ibinato nito iyon sa mukha ni Tita Josie. “Ipaliwanag mo ito, Josie. Ngayon din!” Malakas na sigaw ni papa, tanda na sobrang galit na ito.
Binasa ni Tita Josie ang nasa papel, habang binabasa nito iyon ay unti-unting nawawalan ng kulay ang mukha nito, maya-maya ay umiiyak na ito. Lumuhod ito sa harapan namin ng mga magulang ko. I knew then that it was her, the culprit.
“Kuya, ate, I’m sorry. I'm sorry, kinailangan ko lang kasi yung pera.” Pagmamakaawa ni Tita Josie, agad namang tinabig ni papa ang kamay nito.
“Anong ginawa mo sa pera at nangailangan ka? Wala akong nababalitaang nagkaroon ng emergency sa inyo, kung mayroon man ay makakarating sa amin at tutulong kami!”
Totoo ang sinabi ni papa, malalaman at malalaman namin kung sakaling mangailangan sila ng gano'n kalaking halaga.
“I’m sorry, kuya...” Puro paghingi ng tawad ang ginagawa ni Tita Josie, walang paliwanag. Nakakasawa.
My mother gasped in disbelief, as if she remembered something.
“Hindi ba nag-bakasyon kayo sa Japan recently? Don't tell me doon niyo ginamit ang pera, at...at yung pinapirma mo sa ‘min noon na sabi mong insurance para kung may emergency ay mayroon kaming back-up plan, iyan ba yung dokumentong yon? Pinagbayad mo pa kami buwan buwan kasi sabi mo ay required ‘yon sa insurance.”
Napapikit ako. Nag-iigting ang mga panga ko sa pagtitimpi, gusto kong sumabog sa galit. Nilinlang na nga nito ang mga magulang ko, ginawang qualateral ang bahay at mga ari-arian namin, ginawa pa akong pambayad utang. How shameless.
“I’m sorry, ate...”
Again with the sorry, even excuses can’t alter our anger. Tumingin ito sa ‘kin, hilam ang mukha nito ng luha, pero kahit katiting na awa ay wala akong maramdaman. Pagkamuhi ang nangingibabaw sa ‘kin. Ang katiting na respeto ko para rito na natitira, wala na.
“Ayon dito ay pababayaan nalang ang utang kung... kung magpapakasal si Mila...s-sa...”
“Enough! Bakit ako ang kailangang magpakasal? Bakit ako ang kailangan maging pambayad ng utang, Tita Josie? Ikaw ang nanghiram ‘di ba? Kayo ang gumamit, so bakit ako ang magdudusa para sa inyo?” Hindi ko na kayang magtimpi, sobra na. Sobra na yung galit ko na tuluyan ng sumabog.
“Dahil ikaw lang ang... nasa edad kana rin naman, kailangan mo ng mag-asawa.”
Natawa ako ng nakakaloko. God knows how much prayer I've whispered today, just to calm myself. Para hindi ko ’to masaktan.
“Wala kang karapatang mag-desisyon sa buhay ko, at kung sino ang pakakasalan ko! Nasa edad na ako? Eh, ‘yang anak mong si Chloe, nasa edad na rin ‘yan. Mas bata lang sa ‘kin ng 2 years, bakit hindi siya at kailangang ako? Kasi anak mo siya at pamangkin mo lang ako? Kaya maski ako nalang ang ibato mo sa mga taong nagawan mo ng atraso, gano'n ba ‘yon, Tita Josie?!”
Hindi ito umimik, bagkus ay sumama ang timpla ng mukha nito. “Mas m-matanda ako sa ’yo, matuto kang gumalang.”
I scoffed. Gusto kong magmura, gusto ko itong murahin. After all she did, she's still the narcissist who wants to be respected, regardless of her sin. Freak.
“Wala na yung kahit kaunting respeto ko sa ‘yo, Tita Josie. Pasalamat ka nga tinatawag pa kitang tita ngayon, dapat Josie nalang.”
“Aba’t talagang bastos kang ba—”
“Enough. Subukan mong saktan ang anak ko, Josie. Hindi lang latay ang makukuha mo sa ‘kin.” Banta ni papa na siyang kinatigil ni Tita Josie, sasampalin sana ako nito. Ang kapal ng mukha, sobra.
“Pero kuya, nakita mo ba kung paano akong sagut-sagutin ni Mila? Binabastos niya ako kuya,” sumbong pa nito.
“Nauna mo siyang binastos, ibinenta mo siya sa ibang tao para sa pera. Nagkaroon kami ng utang na wala kaming kaalam-alam, nagagawa mo pang humingi ng respeto? Kahit bunso kong anak, hindi kana irerespeto simula ngayon!”
Lalong namutla ang mukha ni Tita Josie, pinukol niya ako ng masamang tingin. Wala akong pakialam, hindi ako natatakot sa kanya. Lalo na ngayong valid ang reason ko na magalit sa kanya, at pabor sa 'kin sina papa at mama.
“Gusto kong ayusin mo ang gulong ito, Josie.” Dagdag pa ni papa.
“Kuya? Paano? Ang tanging solusyon lang ay magpakasal si Mil—”
“Hindi. Tawagin mo ang mga Miller dito, mag-uusap tayo na nakaharap at yang mga anak mo. Hindi ang anak ko ang magpapakasal sa kung sinong lalaki.”
Tumingin si Tita Josie sa panganay niyang anak, kay Chloe, na halos ka-edaran ko lang. Nangungusap ang mga mata ni Chloe sa kanyang ina, tila humihingi ng saklolo, na huwag itong pumayag. But unfortunately, we have the authority here, the upper hand.
Yumuko si Tita Josie, kumuyom ang mga kamo nito bago muli kaming hinarap. “O-opo, kuya.”
Matapos ang diskusyong iyon at nang makaalis sila Tita Josie, nabalot ng katahimikan ang buong bahay. Walang nagsasalita, tila lahat ay naubusan ng sasabihin.
“Magpahinga na muna tayo ngayon, wala tayong magagawa kahit anong isip natin. Kailangang makausap muna natin ang mga Miller, for now let's just pray.” Si papa ang bumasag ng katahimikan, hindi naman kami kumontra ni mama. Maging ang mga kapatid ko ay nag-panikan na sa kanilang mga silid.
Nang maghiwa-hiwalay kami ay dumiretso na ako sa aking silid, agad akong nahiga sa kama. Dapat ay maglilinis pa ako ng katawan, pero hindi ko na kayang gumalaw. Nanghihina ako sa sobrang pagod, pati ang isip ko ay pagod na pero hindi pa pwedeng magpahinga. May bukas pa. Ang mangyayaring usapan bukas ang siyang magdidikta ng kapalaran ko.