Mila’s pov
Maaga akong nagising, alas tres palang yata ng madaling araw ay gising na ang diwa ko. Kaya minabuti kong bumangon nalang at magtimpla ng kape, sobrang lamig ng paligid. Kahit kulob itong bahay, mayroon pa ring pumapasok na hangin mula sa labas. Mapuno itong paligid ng bahay kaya presko, pero sa umaga ay gugustuhin mo nalang magbalot ng kumot. Kung wala lang akong iniisip, masarap pa sana ang tulog ko.
Naramdaman kong may pababa ng hagdan. Mukhang hindi rin nakatulog ng maayos ang mga magulang ko, gising na rin sila.
“Ang aga mo namang gumising, anak.” Bati sa ’kin ni mama, nagtimpla ito ng kape nila ni papa.
“Hindi ako gaanong nakatulog, ‘ma. Iniisip ko kung anong mangyayari mamaya. Sa tingin niyo po, makukuha kaya natin ang gusto natin?”
Matagal bago nakasagot ang mga ito. Nagtinginan pa at tila naghihintayan kung sinong sasagot sa ‘kin.
“Sa ngayon ay hindi ko masasabi, gagawin ko ang lahat para managot ang Tita Josie mo, kaya gusto kong gawin mo rin ang lahat para ipagtanggol ang sarili mo. Hindi ko kilala ang mga Miller, pero kagabi ay nag-search kami ng mama mo tungkol dito, hindi sila basta kung sino lang na pamilya. Magiging mahirap ito kahit sa atin.”
Nabasa ko rin ’yon dahil naghanap din ako online ng impormasyon sa mga ito, sobrang pribado ng account ng batang Miller. Habang ang matanda ay bukas sa publiko, kilala at makapangyarihan ang pamilya Miller, hindi nga lang siguro nila alam dahil madalas wala silang pakialam sa pulitika o mga usaping hierarchy. Para sa kanila, ayos na yung makapamuhay sila ng tahimik at magkakasama, iyong masaya. Gaya ng pangarap niya noong bata pa siya, ang magkaroon ng pamilyang masaya at nagmamahalan, just like her family.
Dasal na nga lang talaga ang magagawa nila. Kung kahit ang mga magulang ko ay nababahala, ano pa ako? Bukas man sa publiko ang pagtulong ng mga Miller, kahit maraming articles na nagsasabing mabuti ang kalooban ng mga ito, hindi pa rin ako lubos na nakukumbinsi hangga't hindi ako ang nakakaranas. Gano'n ang turo sa ‘min ng mga magulang ko noon, huwag na huwag kaming basta maniniwala sa mga sabi-sabi, hangga't walang credible source, at hindi kami ang mismong nakakaranas. Dahil ang laman ng mga balita ay pwedeng i-doktor, i-edit, pabanguhin basta may pera ka lang pantakip sa mga baho mo, pantakip sa mga mata at bibig ng nakakaalam ng katotohanan. Kaya kahit anong bango ng pangalan nila sa public, hindi ko magawang paniwalaan. I have to experience it.
Tahimik na lumipas ang mga oras namin, kay lamig ng umaga, pero mas malamig ang atmosphere na namamagitan sa ‘min. Tumayo si mama nang may kumatok sa pinto para pagbuksan ito, sina Tita Josie kasama si Chloe at Uriel, naiwan marahil sa yaya nito ang isa pa nitong anak na bunso. 5 years old palang kasi yung bata, hindi pa dapat isama sa ganitong usapin. Bukod sa makakaabala, baka magkaroon ng iringan mamaya at magka-trauma pa. Hindi naman ako gano'n kasama para idamay ang inosente at walang kamuwang-muwang na bata.
“Good morning, kuya, ate.” Bati ni Tita Josie sa mga magulang ko, habang ako ay hindi nito pinansin. Hindi ko rin ito pinansin. Ang kapal pa rin ng mukha niya. Sina Chloe at Uriel ay nag-bless sa mga magulang ko, hindi rin ako pinansin. Wala akong pakialam, hindi ko sila kailangan. Ang mga Miller nalang ang hinihintay namin.
“Anong oras ang darating ang mga Miller?” tanong ni papa kay Tita Josie.
“Parating na rin ang mga ‘yon, kuya. Nasabihan ko namang maaga sila at may lakad pa kami.”
Nagsalubong ang mga kilay ko, kahit kailan ay wala ng ininipis ang mukha nitong babaeng to. Nagawa pang mag-schedule ng lakad gayong may kailangan kaming ayusin. Siya itong may gawa ng gulo ito, tapos siya ang may lakas ng loob na mag-demand.
“May kakapalan talaga ang mukha mo, ano?” Si mama ang nagsalita, akala ko ay ako ang unang babasag dito. Pero ang tahimik at madalas na mapag-pasensyang si mama ang nagsalita. Kaya naman labis na nagulat si Tita Josie.
“Ate!”
“Totoo naman, gagawa gawa ka ng problema na idinamay mo kami, pati anak ko ibinuyo mo sa kapahamakan. Tapos may gana ka pang lumakad kung saan, kami pa ang dapat mag-adjust para sa ‘yo. Sobra naman yatang kapal ng mukha mo, may liha kami d‘yan, pagkatapos ng usapan mamaya ay hayaan mo akong panipisin yang taba mo sa mukha.”
Lihim akong natawa sa mga sinabi ni mama, pero mukhang hindi iyon nakaligtas sa mata ni Tita Josie. Pinaningkitan ako nito, nagbabanta ang mga tingin. Tinaasan ko lang ito ng isang kilay. Sino ba siya?
Maya-maya lang ay dumating na ang mga Miller, sa sala kami nagharap harap. Ipinaliwanag ni Tita Josie ang lahat, noong una ay sinusubukan pa nitong i-sugarcoat at ilihis sa kanya ang sisi, pero dahil nakaharap kami ay hindi pumayag si papa. She has to tell the whole truth.
“That’s truly devastating to know, but it says here that these couples are my debtors. May sign pa sila, you told us that you’re their middle man, which I believed because you showed me a document that proves your relation to them. But what should we do? I don't think it's our problem, if you have anything in mind, we will listen then decide after. What’s your suggestion? Especially Mr. and Mrs. Lopez.” Ang matandang Miller ang nagsasalita para sa kampo nila, ang batang Miller ay tahimik lang. Hindi nila kasama si Atticus, maging ang butler nila.
“Ayon nga Mr. Miller, gusto naming palitan ang pangalan ng anak ko d’yan sa agreement, sa halip na siya...” tumingin si papa sa pinsan kong si Chloe. “We suggest that Chloe, Josie’s eldest daughter, take the claim.”
Tumango si Mr. Miller, bahagyang tumalon ang puso ko sa tuwa. Mukhang sumasang-ayon ito.
“Can I have a say in this matter? I’m the one who will be marrying who, aren’t I?”
Kumabog ang dib-díb ko nang magsalita ang batang Miller, nakatitig ito sa papel na nasa ibabaw ng mesa. Naroon ang lahat ng dokumento at katunayan ng utang na naganap, maging ang agreement at statement of will ng matandang Miller.
“Ano ang masssabi mo, Atlas?” Pinagbigyan ng matandang Miller ang binata.
“Since it’s written in my father's will that I won't be able to get my inheritance without this marriage happening, I want to choose my bride instead.”
There it goes, doon nanggagaling ang kaba ko. Kung ikukumpara kami ni Chloe, mas fashionista at maayos ito. Ako ay simple lang manamit dahil ayoko ng sobrang magara, naaalibadbaran ako. Ayoko ring nagmi-make up, wala akong time at magastos. Kung itsura, malamang ay mas lamang ito kaysa sa akin, iyon ay kung nakaayos ito at ako’y hindi.
“Then choose,” wika ng matandang Miller.
“Ahm,” singit ni Chloe kaya napunta rito ang atensyon namin. “I thought it was the old man who's going for this married, but if it’s Atlas, I think I can reconside—”
“Mr. Atlas Miller, to avoid the confusion between me and my father, you can include my first name. But I don't remember agreeing to the first name basis, we’re not close either to call each other by name. That's disrespectful on your part, Miss Chloe Lopez.”
Pumalakpak ng kaunti ang tainga ko sa sinabi ng batang Miller, serve Chloe right. I don't know, nakuha yata nito ang ugali ng ina. Narcissist din.
“I-I’m sorry, Mr. Atlas Miller.” Hingi nito ng paumanhin. Hindi na ito pinansin ng batang Miller.
Parang nasa karera ang puso ko nang nabaling ang tingin nito sa akin, pakiramdam ko any time ay lalabas na iyon sa sobrang lakas ng kabóg. With pure precision and certainty, he said, “her.” With finality in his voice, hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. As if he is consuming me, telling me that he owns me. “I will marry her. She will be my bride. Milagros Lopez will be my wife.”
“W-what? But you heard the whole situation, hindi kami ang nagkautang sa inyo, kaya hindi dapat ako ang magbayad nito.” Kontra ko. Hindi pwede. Ayoko.
“But it says here that Mrs. Marina Lopez and Mr. Mauricio Lopez are the debtors, signed with their name. Perhaps, yes, Josie Lopez deceived them and even us, but like what my father said it is not our problem. What agreed upon shall be followed, if legal jurisdiction has to happen, you know that we will win anyway. Or better yet, choose, marry me or we will pull out all of your assets. But even your assets are not enough as payment for these sum of money. What will you do, Ms. Milagros Lopez?”
Natahimik ako. Wala akong masabi, tumingin ako kay papa, humihingi ng saklolo. Ngunit nakayuko lang ito. Tahimik.
“A debt is a debt, my son choose Ms. Milagros, and I have to honor that. The problems lies to both of your families, but we want to get what was promised to us.”
“Pa?” tawag ko kay papa.
Nagtaas ng mukha si papa matapos ang matagal nitong pagkakayuko, namumula ang mga mata nito na para bang naiiyak. Alam kong pinipigilan lang nito ang emosyon.
“Wala na bang ibang paraan, Mr. Miller? Kahit hulug-hulugan nalang namin.” My father is begging, he is begging. Pumikit ako ng mariin, I can't bear to hear and watch that.
“I’m sorry, Mr. Lopez. Kahit pa maghulog kayo, baka mawala nalang kayo ay hindi pa kayo tapos magbayad. Kung ibebenta niyo naman ang mga ari-arian niyo, hindi pa rin sasapat. Also, we just want what we agreed, if you can’t honor what is written in our agreement then I have no choice but ask for legal jurisdiction.”
Tumango si papa. Masamang pinukol ng tingin si Tita Josie.
“I’m sorry, Mila.” That's it, the end line of my hope. I know, I just know that I have to do it. When young Miller choose me as his bride, I know it. I feel it. It will be me who has to take the fall.
“And since Josie Miller deceived both of our family, she should pay a fine price. What do you think should we ask her, Mr. Lopez?”
Natigilan ako nang may sumunod pang sinabi ang batang Miller, maging sina papa at mama ay hindi rin inakala iyon. Is he helping us now? But why? And why is he smiling while looking at me? It's giving me creep.