Mila’s point of view
Namamanghang pinagmasdan ko ang mala-mansyong bahay ng mga Miller. Ito ang pangalawang beses na napasok ko ito, noong una ay hanggang sa sala at veranda lang ako. Hindi ko nalibot ang kabuuan ng buong bahay. Ngayon ay inimbitahan ako ng matandang Miller na manatili pansamantala sa kanilang tahanan, para daw sa preparation ng kasal namin ni Atlas. Ayon sa butler ng mga Miller, maaga raw na umalis si Atlas dahil may business meeting ito na kailangang habulin, mukhang palagi itong busy.
“Please come in, Miss Lopez.” Magalang na iginiya ako ng butler sa loob ng silid na tutuluyan ko sa pananatili dito.
“Thank you.” Nginitian ko ito, ngumiti rin ito pabalik.
“Maya maya ay darating ang magtatahi ng iyong wedding gown, kailangan nitong makuha ang size at preference mo. Mayroon ding pupuntang jeweller, maaring sabihin mo lang ang lahat ng magustuhan mo, huwag mong alalahanin ang gastos. Miller will handle all the cost, Miss Lopez.”
Nag-pasalamat lang ulit ako sa butler, nang maiwang mag-isa ay naupo ako sa gilid ng kama. Ang silid na tinutuluyan ko ay singlaki na yata ng buong bahay namin sa first floor.
“To live in this kind of luxury,” bulong ko. Kung ang iba siguro at hindi ako ang narito, baka nagdiriwang na sa saya ang kung sino mang nasa posisyon ko. Ang kaso isang hamak na tulad ko lang ang hindi sinasadyang nakabingwit ng gintong isda, hindi ako materyalosang babae, at hindi ko pinangarap na magkaroon ng marangyang buhay. Ang totoong pangarap ko lang simula nang bata pa ako ay ang magkaroon ng maayos at masayang pamilya. Malayo sa gulo at mapanakit na mundo.
I dream to build a world for my children where they don't have to worry about what to eat for the next day, a comfortable comfort where they don't have to fear confiding their truths with their family, and a family centered with love and happiness. Simple lang ang pangarap ko sa buhay, and this kind of luxury terrifies me. Siguro dahil alam ko ang kakabit ng bawat yaman sa mundo, ang mga kailangan mong i-sacrifice para sa pera. Ayoko no’n, mas gugustuhin ko ang maayos na pamilya, kaysa naliligo ka sa karangyaan pero madalang naman kayong magkita kita.
I was forced to be in this situation, the least I could do right now is to find a way to achieved that little dream of mine. Even if it means forcing myself to the man I just met, but soon to be wedded husband, Atlas.
Tumunog ang chime na nasa taas ng pinto, palatandaan na mayroong pumasok mula doon. Ang akala ko ay isa sa mga kasambahay, o ang mga panauhing hinihintay ko, magre-react na sana ako kung bakit hindi nito nagawang kumatok. But I stopped mid-way, seeing a young man staring directly at me, wearing his innocent stare. I couldn't help but flash a smile on my lips. Ayokong matakot ito.
“Hi,” masiglang bati ko rito. Mababakas ang pagda-dalawang isip nito kung papasok at sasagutin ako, o tatakbo nalang. Mukhang na-curious lang ito sa bagong karakter na nasa loob ng tahanan nila.
“It’s okay. You can talk to me, and you can come in. Hindi ako magagalit. I promise.” Dagdag ko pa.
Mukhang nakuha naman nito ang gusto kong iparating, dahan-dahan itong lumabas mula sa pinagtataguang pinto at lumapit sa ‘kin.
“What’s your name?” tanong ko. Narinig ko na ang pangalan nito noon, gusto ko lang malaman mula dito ang kanyang pangalan. Mas magiging kumportable kasi ito once nalaman na siya ang nagpakilala sa sarili.
“A-Atticus,” nahihiyang tugon nito. Nalukot ang mukha nito nang mautal ito habang nagsasalita, gusto kong matawa dahil sobrang cute nito. Pinigilan ko lang ang aking sarili, baka kasi matakot ito.
“Nice name. How old are you?”
“Five.”
He's still too young. Is he a son born out of an accidental affair? Kung hindi’y nasan ang ina nito, at sa halip na ako ay bakit hindi nalang iyon ang pinakasal kay Atlas. Gusto kong itanong dito kung nasaan ang ina nito, kaya lang baka may mabuksan akong pwedeng makasakit sa bata.
“Atticus, do you need something from me?” Pilit kong pinapalambing ang aking boses, gusto ko kasing makuha ang loob nito. Sooner or later, baka araw-araw kaming magkasama.
Umiling ito.
“You're my papa’s wife?”
“Soon. Hindi pa sa ngayon, nagpa-plano palang kami ng kasal.”
“Will you throw Atticus once you and papa are married?”
Nagulat ako sa tanong nito. What is he saying? Natatakot ba itong baka kapag kinasal kami ni Atlas ay maging marahas akong madrasta? Gaya ng ibang mga napapanood o nasasaksihan nito?
“Why would I do that? Atticus is so cute, Mila will love him very much instead.”
Namula ang magkabilang pisngi nito. Tears formed in his eyes.
“Will you promise to love Atticus forever?”
Lumapad ang ngiti ko. He really is cute.
“Of course, I will be a good mother to Atticus if he wants me to.”
Matagal na hindi ito umimik, kinakabahan ako. Mukhang hindi nito nagustuhan ang sinabi ko, baka ayaw nitong palitan ang mama nito. I won't force him if he doesn't want to.
“Atticus, it is also okay if you don't want me to. I'm okay being just your seco—”
“Atticus loves sweets. Atticus hates bitterness and sours. Atticus enjoys reading and playing, but Atticus playmates don't want to play with him anymore.”
Nagtataka ako noong una sa mga sinasabi nito. But then I realized that he’s telling me what he loves and what he hates. As well as his predicament as of the moment. Hindi ko mapigilang mapangiti. It only means he's opening his heart to me.
Binuhat ko ito. Nauna ako sa sofa na naroon at pinaupo ito sa kandungan ko.
“Do Atticus eat vegetables? It’s good for his health.”
“Atticus doesn't want vegetables, it tastes weird. But if mama cooks for Atticus, he will eat whatever she cooks.”
Kung may isa mang magandang pangyayari sa kasalang magaganap na ito, maybe it’s Atticus. Hindi ako magsisising maging close rito, at kalaunan ay maging ina dito.
“Mama is not a good cook, but she will try her best for Atticus. Atticus will help her, will he?”
“Atticus will help mama!”
I want to squeeze him. Hindi na ako nagtataka kung bakit gano'n nalang ang admiration ng matandang Miller sa bata. He’s too kind for his cuteness, he could be selfish sometimes. Hindi na ako makapaghintay na makasama at maka-bonding itong si Atticus.
“There you are Atticus,” hinihingal na wika ng butler. Ngayon ko lang napagtanto na nagkakagulo ang mga tao sa loob ng malaking bahay na kinaroroonan nila, all because this young master was lost and nowhere to be found.
“Your father will be back in a minute, we informed him about your sudden disappearance and now he's on his way to find you. But seeing as you're comfortably sitting at Miss Lopez lap, I hope it won't be a problem, but still your failure to inform us about your whereabouts could mean trouble.”
Humigpit ang pagkakahawak ni Atticus sa aking mga kamay, nanginginig ito. Maya maya lang ay humihikbi. Nag-aalalang inangat ko ang mukha nito. He is so dàmn scared.
“What's wrong, Atticus?”
“A-Atticus will be punished by his father.” Patuloy pa rin ito sa pag-iyak.
“I’m sure he will just scold you, but he won't hurt you, okay?”
“M-my father will hit Atticus, h-he will use his whip a-again.”
What? What is he saying? Sinasaktan ba ito ni Atlas? Just what kind of a man is she marrying?
“Sshh. Don't cry, mama will not let papa hurt Atticus. Mama will protect Atticus, alright?”
Hindi ko alam kung sapat na bang comfort ang mga sinabi ko. Niyakap ko ito ng maghigpit at hinaplos ng marahan ang likod nito. Umiiyak pa rin pero unti-unti nang humuhupa. But the thought that's bothering me never left since Atticus’ words, is Atlas a notorious man? Even to a young child? That may also mean he won't be a good father to our child someday.