Mila's point of view
Pareho kaming nagulat ni Atticus nang bigla na lamang bumukas ng malakas ang pinto, mula doon ay pumasok ang galit na lalaki. Masama ang tinging ipinukol nito kay Atticus. Mukhang nakaramdam ng takot ang bata, humigpit ang hawak sa akin at nagtago sa likod ko.
"You bastard!" Dinuro nito si Atticus, agad naman akong humarang dito. Sino ito para duruin at tawaging bastardo ang bata? Dumako ang tingin sa akin ng lalaki, imwinestra nitong umalis ako sa tabi ni Atticus.
"I have no business with you, woman. Get the hell out of here." Mariing utos nito, hindi ako nakinig. Hindi ko iiwan sa kamay nito si Atticus na halatang takot na takot.
"Sino ka?" Nakakaramdam man ng takot ay nagawa kong itanong. Mas lalo namang sumama ang timpla ng mukha nito.
"Ako dapat ang nagtatanong niyan, sino ka? Umalis ka sa pamamahay na ito."
Kung mag-utos ito ay parang pag-aari nito ang bahay. Sakto namang pagpasok ng butler ng mga Miller, natigilan ito nang makita ang eksena nila ng lalaki.
"Sir Alistair, narito na po pala kayo." Pagbati nito sa lalaki, mas lalo akong naguluhan.
"Darien, it's good that you're here. Who is this woman?"
Nagkatinginan kami ni Darien, huminga ito ng malalim at apologetic na yumuko.
"She's Miss Milagros Lopez, sir. Atlas's soon-to-be-wedded wife."
Bahagyang tumaas ang isang kilay nito pagkarinig sa sinabi ni Darien, sinuri ang kabuuan ko 'saka natawa ng mahina.
"Hindi ko alam na nag-iba na pala ng taste sa babae si Atlas." Nawala ang ngiti nito sa mga labi. "You," tukoy nito sa akin. "Get out, I want to punish Atticus for his behavior. Don't meddle."
Mas lalong humigpit ang pagkakahawak sa 'kin ni Atticus, para bang humihingi ito ng saklolo sa kanyang huwag siyang iiwan sa kamay ng malupit na lalaki.
"Sorry, but I can't. Atticus is soon to be my son, hindi ko hahayaang mayroong manakit dito."
Tinawanan lamang ako ng lalaki.
"Hindi ka pa nga nagiging parte ng pamilyang 'to, hindi pa kayo kasal ni Atlas at pwedeng hindi pa matuloy. And did you just call my son your son?"
Naguguluhang tumingin ako kay Darien, nanghihingi ng explanation. Sa pananalita nito ay mukhang wala itong ideya sa sitwasyon nila ni Atlas, ngunit ang mas gumugulo sa isip ko ay ang pagtawag nito kay Atticus na anak.
"He is Alistair Miller, Miss Lopez. Atticus's biological father."
Parang saglit na tumigil ang mundo ko, ang buong akala ko ay anak ni Atlas sa ibang babae si Atticus. I was wrong, anak pala ito ng nakatatandang kapatid nito. Wala akong nabalitaan o nabasang article tungkol kay Alistair Miller, ngunit sa postura at inaakto nito ay mukhang short-tempered ito.
Huminga muna ako ng malalim para i-absorb ang lahat.
"Naiintindihan mo na ba ang role ko sa pamilyang 'to? Now, while I'm asking nicely, get out of my way."
Humigpit ang hawak ko sa isang kamay ni Atticus. "Still hindi ko pa rin ibibigay sa 'yo si Atticus, pwede mo siyang pagsabihan sa paraang hindi na kailangang masaktan ng bata."
"Wala kang karapatang ituro sa akin kung paano didisiplinahin ang anak ko."
Hindi ako nagpatinag, sa nakita ko palang na reaction ni Atticus kanina ay sapat na para mapagtanto kong sinasaktan nito ang bata sa paraang tinatago nito bilang punishment. Punishment na maging matatanda ay hindi dapat nararanasan, ang bata pa kaya?
"Hindi ko iiwan si Atticus." Paninindigan ko.
Nauubusan ng pasensyang marahas nitong hinila ang isang kamay ng bata, ngayon ay magkabilaan kaming pinag-aagawan si Atticus.
"Ahhh! I don't want to be with you!" Singhal ni Atticus sa lalaki. Nagsisisigaw ito na animo ay takot na takot. Mas lalo kong hinigpitan ang hawak ko sa bata.
"Let go of him," utos ng lalaki. Nanatili akong nakatayo at hindi pa rin binibitiwan si Atticus.
Nataranta ako nang marinig ang pagdaing ni Atticus, nag-iiiyak ito sa sakit mula sa parteng hawak ng lalaki. Nawiwindang na tiningnan ko ang lalaki.
"Bitiwan mo ang bata," pagmamatigas ko. Sinubukan kong alisin ang kamay nitong nakahawak kay Atticus. Maagap nitong nasalag ang kamay ko at ngayon ay ramdam ko ang sakit ng kung paano nito hawakan si Atticus. Mahigpit at puno ng pwersa, para bang wala itong pakialam kung mabali ang mga kamay nila.
"What the hell is going on here?"
Natigilan silang lahat nang marinig ang boses ni Atlas, pumasok ito sa pinto at pinasadahan ng tingin ang paligid. Dumilim ang mukha nito nang makita ang umiiyak na si Atticus, maging ang mahigpit na paghawak ng lalaki sa mga kamay namin.
"This woman, saang iskwater mo ba napulot 'to? I was here to punish Atticus; she keeps on meddling."
"Alistair, while I'm asking nicely, let go of my son and wife's arms." Madiing utos ni Atlas, puno iyon ng awtoridad.
"What? Fine, I'll let go of your fooling woman. But like I said I am here to punish my son." Binitiwan ako ng lalaki, napapangiwing hinilot ko ang nananakit na parte ng kamay ko.
"And my son, Alistair." Matalima ang tinging ipinukol ni Atlas sa nakatatandang kapatid nito, mukhang nakaramdam naman ng takot ang lalaki at binitiwan din ang bata.
"He is my son, Atlas." Pangangatwiran pa rin nito.
"Biologically, yes. But have you forgotten that I am registered as his father, not you? You're not mentally and emotionally capable of raising a son; that is why I have to take in Atticus as my own. To set the fact straight, legally, I am his father, I was given all the rights in deciding Atticus' future."
"Are you being manipulated by this woman?" Turo nito sa akin.
"Don't you dare point your finger at my fiancée, if you don't like to see a finger being cut here."
Agad nitong ibinaba ang daliring nakaturo sa akin. The storm has calmed down, dumating lang si Atlas ay agad na kumalma ang animo'y bagyo kanina.
"Kakampihan mo ang babaeng 'to?"
"That woman defended my son over a hideous monster like you, who will go to such lengths just to divert his frustration towards his own son."
Matagal itong nanahimik.
"You can't blame me, Atlas. You know how much I suffered since that boy was born."
"Kasalanan ba ng batang naging irresponsable kang lalaki at aksidenteng nakabuntis ng babae kaya ito ipinanganak sa mundong 'to? Walang kakayahang pumili ng magulang ang mga bata, hindi rin nila kasalanang ipinanganak sila sa mundong 'to at may magulang silang kagaya mo."
Hindi na ito umimik. Masama ang loob na iniwan kami, nagkatinginan kami ni Atlas.
"Darien, iwan mo na muna kami." Utos ni Atlas sa butler nito.
Nang makaalis ang butler ay binuhat nito si Atticus. "Everything is fine. You're safe now." Pagpapakalma nito sa bata. Para naman akong nabunutan ng tinik sa nasaksihan. At least hindi ito masama at malupit na ama sa bata.
"Is it okay to ask about Atticus and his father?" Singit ko nang tuluyan nang kumalma si Atticus at makatulog. Ihiniga muna ito ni Atlas sa kama 'saka siya binalikan.
"Atticus was born out of an accidental affair, hindi sinasadya at walang may kagustuhan. Nang ipinanganak ito my brother was stripped of his title as the heir of this family. Kaya kahit mas bata ako ay ako ang next-in-line as successor, hindi ito matanggap ng kapatid ko na mataas ang pride at tingin sa sarili, kaya sa tuwing nakakahanap ito ng opportunity ay ibinabaling nito kay Atticus ang sisi. I already told the servants not to inform him of anything about Atticus, but it seems I can't completely clean the rats out of here. Mayroon pa rin itong tainga at mata dito, lalo na kung tungkol kay Atticus."
Naiintindihan ko na kung bakit gano'n nalang ang pagpupumilit ng lalaki na saktan si Atticus, ngunit hindi pa rin makatarungan ang ginagawa nito sa bata. Wala itong kasalanan sa kasalanan ng mga magulang nito, kaya wala rin itong obligasyon para pagbayaran ang hindi nito kasalanan. He's just an innocent child, victim of irresponsible romance.
"Thank God you made it here in time," anas ko. Kung hindi marahil dumating si Atlas ay baka pareho lang silang nasaktan ni Atticus. Handa akong gawin ang lahat para protektahan ang bata, ngunit kulang ang lakas ko para talunin si Alistair.
"And thank you for protecting my son. I owe you one."
Ngumiti ako. Ngayon ang unang beses na nakaramdam ako ng saya matapos akong mapwersa sa sitwasyong hindi ko ginusto, mayroon din naman palang magandang side sa lahat ng nangyari. Sana lang ay magtuloy tuloy na at wala ng mangyaring aberya lalo na kapag nakasal kami ni Atlas. Hindi ako sanay sa pakikipag-away, tanging gusto ko ay tahimik na buhay. Ngunit sa laki ng pamilyang napasok ko, hindi malabo at malayong lapitin ito ng gulo.