Mila’s point of view
Mabilis lang ang naging preparasyon ng kasal namin ni Atlas, parang kahapon lang nang nag-plano kami at ngayon ay isinasakatuparan na. Isang linggo nalang ang hihintayin ay may asawa na ako. Hindi na gano'n kabigat tulad ng dati, unti-unti ay tumitimo na rin sa puso ko na tanggapin ang aking kapalaran. Hindi man ako ang nagtakda, sa tingin ko naman ay magiging maayos pa rin ito.
Ngayon ay naglilibot ako sa malaking bahay para kabisaduhin ang lugar, hindi ako nabigyan ng maraming oras noon para maglibot at i-explore ang paligid. Masyado akong naging abala sa paghahanda ng nalalapit na kasal ko.
“Mama!”
Huminto ako sa paglalakad at hinarap ang batang tumawag sa akin ng mama. It was Atticus. Agad ko itong sinalubong ng mainit na yakap. Simula ng insidente na nangyari sa pagitan ko at nang biological father nito ay mas naging malapit kami ng bata. Ngayon naman hindi na ito mapigilang tawagin akong mama.
“Atticus, hindi ba kabilin-bilinan sa ‘yo na huwag kang tatakbo sa loob ng bahay?” Pagalit ko rito.
May tendency kasi na madulas ito at magkaroon pa ng hindi magandang impact dito. Kaya as much as possible ay hindi ito pinapayagang gawing palaruan ang loob ng bahay.
“S-sorry, mama.” Hingi nito ng tawad. Agad namang natunaw ang puso ko sa cuteness nito, ginulo ko na lamang ang buhok nito.
“Huwag mo nalang uulitin,” wika ko. Tumango naman ito.
“Sorry, Mila. Hindi ko na mapigilan nang makita ka, kanina ka pa kasing tinatanong at gustong makita.” Humahangos na saad ni Darien, mukhang tinangka nitong habulin si Atticus at ngayon lang nakarating. Mayroon na rin kasing katandaan ang lalaki, sinabihan ko rin itong tawagin nalang ako sa aking pangalan gaya ng kay Atlas. Hindi rin kasi ako kumportable sa formalities.
“It’s okay, Darien. You can take a rest, ako na ang bahala kay Atticus.”
Parang nabunutan naman ng tinik ang mukha nito, sumilay ang mga ngiti nito sa labi.
“Thank you, Mila.”
Nang makaalis ang lalaki ay ibinaling ko ang atensyon kay Atticus. Humahagikgik ito.
“Darien is old now, huwag mo itong masyadong pinapagod.”
Tumigil naman ang bata sa pagtawa at tumango. Napangiti na lamang ako.
Naglilibot lamang kami ni Atticus ng oras na ‘yon, walang ideya na darating pala ang pamilya ko. Masiglang sinalubong ko ang mga ito nang mapag-alaman ang pagdating nila. Agad na naagaw ang atensyon ng mga ito nang makita si Atticus, gaya ko noong unang beses na makita ang bata ay giliw na giliw rin ang mga ito dito.
“Hindi ko akalaing may anak na pala ang mapapangasawa mo, Mila.” Si mama ang kausap ko, bahagya kaming lumayo sa kumpol ng mga kapatid ko kasama si papa at Atticus. Maingay masyado ang mga ito, tuwang tuwa sa bagong parte ng pamilya.
“Mahaba at kumplikadong kwento ‘ma, hindi ito biological son ni Atlas. Anak ito ng nakatatandang kapatid nito, pero dahil hindi mentally at emotionally ready ang lalaki ay inako na lamang ito ni Atlas.” Maiksing paliwanag lang ang sinabi ko kay mama, ayokong i-kwento dito ng buo ang lahat ng nalalaman ko. Alam kong kwinento sa akin iyon ni Atlas para hindi ako mangapa sa pamilyang papasukin ko, hindi para ipagkalat iyon.
“Gano’n ba? Mabuting tao naman pala itong si Atlas, nasaan na ang lalaking ‘yon?”
Hindi pa dumadating si Atlas. Paminsan minsan ay umuuwi ito at tumutulong sa preparasyon ng kasal, pero mas madalas na nasa siyudad ito dahil busy sa trabaho.
“Nasa trabaho pa ‘ma, hindi ko sigurado kung uuwi ngayon. Pero kung malalaman nitong narito kayo ay baka umuwi nga ito.”
Tumango si mama. “Masipag pa,” puri pa nito kay Atlas.
Natutuwa akong maayos ang pagtanggap ng pamilya ko kay Atlas at Atticus, gano'n din naman ang mga Miller sa akin. Maliban nalang kay Alistair na halos isumpa ako sa pangingialam tuwing may plano itong hindi maganda kay Atticus. Minsan halos ayaw na lang umalis ni Atticus sa tabi ko dahil sa takot.
Sinamahan kong ma-pamilyar sa lugar ang pamilya ko, nagtatawanan pa kami dahil maging ako ay hindi pa lubos na pamilyar sa lugar. At least hindi na boring ang maglakad lakad mag-isa, ang matandang Miller kasi ay busy rin sa business nito dito sa probinsya. Ito ang bumabahala sa akin simula nang sumang-ayon ako sa kasalang ito, halos walang oras ang mga ito para sa akin at kay Atticus. Paano pa kapag may sariling pamilya na kami ni Atlas?
Nang mapagod at dumidilim na rin ay naghapunan na kami, inihatid ko lang ang pamilya ko sa silid na tutuluyan nila. Isang silid lang dahil ayaw ng mga itong maghiwa-hiwalay, malalaki naman ang mga silid dito. Si Atticus nga ay nawili sa mga kapatid ko, doon na rin natulog kasama ng mga ito. Kaya ngayon ay mag-isa na lamang ako, naglakad-lakad ako sa garden habang hindi pa inaantok. Maaliwalas ang paligid at kalmado ang hangin, mga bagay na mami-miss ko sa probinsya. Wala pang sinasabi si Atlas pero nahihinuha ko nang sa siyudad kami maninirahan. Hinigpitan ko ang pagkakatakip ng balabal ko sa katawan.
Naramdaman ko ang pagdampi ng makapal na jacket sa balikat ko, nagtaas ako ng tingin. Hindi na ako nagulat nang makita si Atlas, kabisado ko na ang natural na amoy nito at nasanay na akong parang kabute ito na basta na lamang sumusulpot.
“It’s cold out here,” kumento nito.
“Yes, but it’s refreshing. Mamimiss ko ang ganitong lugar sa probinsya.”
Natigilan ito sa narinig mula sa akin.
“I’m sorry for taking that away from you. I'm guessing hindi na ako mahihirapang kausapin ka tungkol sa pagrerelocate sa city.”
Tumango ako.
“Nando’n ang trabaho mo at karamihan ng negosyo niyo, hindi mo pwedeng basta basta nalang iwan.”
“Thank you for understanding, Mila.” Ngumiti ito sa akin, nginitian ko rin ito pabalik.
“Can I ask you a question?” tanong ko.
“Sure. What is it?”
“Bakit ako ang pinili mo instead of Chloe? In terms of fashion and beauty, mas lang ito sa akin.”
Kumunot ang noo nito at tinitigan ako. “In fashion, maybe. But in beauty, I don't think so. Besides hindi lang naman ‘yon ang naging basehan ko, kawawa lang din ako at si Atticus kapag nagkamali ako ng pinili. Chloe doesn't look like a mother and wife material, kung trophy girlfriend pwede pero ibang usapin na kung pagbuo ng pamilya.”
“So you chose me considering Atticus?”
“May part din iyon, but I choose you for my personal reason. Kung papipiliin ako ulit ay ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko.”
Tumigil ang mundo ko ng mga oras na ‘yon, ramdam ko ang pagbilis ng tibók ng aking puso. Hindi ako mapakali sa hindi maipaliwanag na dahilan.