Chapter 8

1119 Words
Atlas’ point of view Malalim na ang gabi, payapa na ang paligid. Tahimik na nakaupo lamang ako sa veranda at umiinom ng wine, kanina lang ay kausap ko si Mila ngunit inantok na rin ito nang tumagal kaya naiwan na akong mag-isa. Ayos lang naman sa akin, sanay ako sa ganitong buhay. Wala ng bago. “I’m glad you're still awake, Atlas.” Nilingon ko ang kararating lang na si papa, naupo ito sa harap ng inuupuan ko. Pareho kaming tumingin sa maliwanag na kalangitan, punong-puno iyon ng bituin. “May kailangan ka ba sa ‘kin, ‘pa?” Madalang ko itong maramdaman sa tuwing umuuwi dito sa bahay, pareho kasi kaming busy sa kanya-kanya naming responsibilidad. “Gusto ko lang na makausap ka. Nalalapit na ang kasal mo, anong plano mo?” “Sa siyudad na kami titira, mas convenient dahil malapit sa trabaho ko. May bahay rin naman tayo doon.” Hindi na ako nag-atubiling ayain ito, tiyak na tatanggihan rin naman nito. Ayaw nito ng maingay at mausok na siyudad, kaya mas pinipiling manirahan dito sa probinsya. Samantalang ako ay mas nasanay sa siyudad, matagal na akong humahanap ng dahilan para magkaroon ng rason na makalipat sa siyudad. Timing lang na ikakasal kami ni Mila. “Other than that, I’m already aware of your plans. What about Mila?” “Nakapag-usap na kami at pumayag na ito.” “That’s good to know. But could you at least stay here even for a week, just to be with her before your wedding ceremony. Para magkakilala rin kayo at magkapalagayan ng loob, iregalo mo na sa kanya ang isang linggong ‘to na mag-stay ka rito. Tiyak na matutuwa ito kapag nakitang hindi lang ito ang interesado sa kasal.” Nagpakawala ako ng buntong hininga. Hindi madali sa akin ang desisyong magpakasal, carefree akong tao na gustong nagagawa ang lahat ng gusto. Kung hindi lang sa inheritance issue ay tatanggi ako, but I’ll be married soon anyway. “Sure. I’ll do that, ‘pa.” Hindi naman siguro kalabisan na ibahagi ko ang isang linggo ko kay Mila, hindi lang namana ko ang napilitan sa kasal na ito. Mas malala pa nga dito dahil ibang tao ang nakinabang sa pagsa-sakrispisyo nito, habang ako ay makukuha pa rin ang mana ko once ma-meet ang mga requirements ni papa. “Ilang anak ang gusto mo?” tanong pang muli ni papa. Kahit minsan ay hindi pa pumasok sa isip ko ang tungkol sa pagkakaroon ng anak, hindi sarado ang puso ko para usaping ‘yon. Sadyang hindi lang sumasagi sa isip ko, siguro dahil nariyan naman na si Atticus. “I don't know, ‘pa. Nandyan naman na si Atticus, so I don't think there's a need to rush.” Tumango ito. “But always consider your wife’s feelings about your decisions, Atlas. Hindi ka nalang mag-isa sa mga desisyon sa buhay, mayroon kanang kailangang ingatang damdamin.” Iyon ang isa sa inaayawan kong magpakasal o pumasok sa kahit na anong romantic relationship, ang kailangang pag-konsidera sa maraming bagay. “Mila is fine, ‘pa. I don't think she'll easily get hurt, she's tough enough to fight with Alistair.” Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang may lakas ito ng loob na harapin si Alistair, kahit mas may awtoridad ako dito ay minsan tumatagilid pa rin ako. “Kahit ako ay nagulat nang malaman ko, pero hindi ibig sabihin na mukha itong matapang ay hindi na ito nasasaktan. Always be sensitive about her feelings.” “Why do you care so much for Mila, ‘pa? She's just a payment of their debts.” “Hindi ka ba nakakaramdam ng lungkot para dito? Pinagbabayaran nito ang utang na hindi naman ito ang may gawa, maging ako ay nakaramdam ng inis nang malaman ko ang totoo. Ngunit kung ako ang magde-desisyon ay ito rin ang pipiliin kong mapapangasawa mo, hindi ko gusto ang awrahan ng Chloe na ‘yon. Lalo na ng pamilya nito.” Wala na talagang atrasan ang kasal namin ni Mila, pareho kaming tila nakulong at naitali sa isang kasunduan na ibang tao ang may gusto. Hindi ko man directly nasasabi kay papa pero minsan sumasama ang loob ko sa pangingialam nito sa buhay ko. Lahat naman iyon ay para sa kabutihan ko, ang sa akin lang ay matanda na ako para mag-desisyon para sa sarili. “That’s her destiny, wala na tayong magagawa ro'n, ‘pa.” “Wala na nga, kaya hinihiling ko lang sa ‘yo na tratuhin ito ng tama. Hindi mo man maturuan ang puso mong magmahal, at least iparamdam mo man lang dito na hindi ito mag-isang lumalaban.” Mahirap ang hinihingi ni papa, lalo na at hindi pa naman ako handa sa gusto nitong mangyari. Immature pa ako kung tutuusin, nasa edad na pero marami pa ring kalokohan. Marahil wala ng nakikitang future sa akin si papa kaya pinangunahan na ako. “I can't promise you, ‘pa. But I'll try,” wika ko. “Thank you, Atlas. Alam kong unfair para sa iyo itong request ko, but I'm grateful to you that you accepted it. Gusto ko lang na bago ako mawala ay makita kang nagse-settle down, wala na akong pag-asa sa kuya mo kaya ikaw nalang ang inaasahan ko.” “Alistair still has a chance, ‘pa. Magbabago rin iyon at mare-realize lahat ng pagkakamali niya. Just be patient.” Naniniwala pa rin akong may pag-asa pa si Alistair, basta matutunan lang nitong baguhin ang nakagawian lalo na ang pananakit kay Atticus. Hindi ko talaga gusto kapag sinasaktan nito si Atticus, umiinit ang ulo ko at parang kumukulo ang dugo ko. “Ayokong mag-build ng expectation, lalo na sa nalaman kong pagtatangka nitong pananakit ulit kay Atticus.” Naiiling na saad ni papa. “Do you know where is he right now?” Simula nang umalis si Alistair nang araw na ‘yon, hindi na ulit nagpakita sa amin. Naglaho itong parang bula, kung dati ay nalalaman pa namin kung saan ito naglalagi, ngayon ay wala kaming ideya kung nasaan ito. Sana lang ay hindi ito tuluyang maligaw ng landas at walang pina-planong masama. Hindi ko alam ang magagawa ko kung susubukan ulit nitong saktan ang pamilya ko, baka makalimutan kong magkapatid kami at masaktan ko rin ito ng higit pa ang balik. “Unfornately, no. Kahit ilang investigator na ang hinire ko ay hindi nila ito mahanap.” Malawak ang koneksyon ng mga Miller, kaya nakapagtatakang hindi namin ma-locate ang kinaroroonan ni Alistair. Isa lang ang pwedeng maging indikasyon no’n nasa kalaban itong teritoryo o sa pinagbabawal na area ng lugar na ito. Kung saan mga illegal at krimen ang laganap na kabuhayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD