Mila’s point of view
Maaga akong nagising, nakasanayan ko na rin kasing maagang nagigising. Kapag nakatira ka kasi sa probinsya, ang alas sais pasado ay tanghali na para sa kanila. O siguro para lang yun sa mga dukhang kagaya namin na kailangang gumising ng maaga para magpa-alipin sa pera. Sa mayayaman na nahihiga nalang sa kayamanan nila, baka ibang way of living ang nakasanayan. But I don't judge people based on their social standing, I judge them based on their character, minsan kasi akala natin marangya at maginhawa na ang buhay nila pero mas malaki pa pala ang hirap na kanilang nararanasan.
Una kong ginawa ay binuksan ang bintana ng aking silid, nilanghap ko ang sariwang hangin na excited pumasok sa loob. Nakakaengganyong magsimula ng umaga na may preskong hangin sa paligid. Nagbihis lang ako ng pang-araw araw na damit at lumabas na rin matapos ayusin ang aking hinigaan.
Bukod sa mga kasambahay at ilang serbidado, mukhang ako palang ang gising. Tahimik ang paligid, tanging kalansing ng mga kanya-kanyang ginagawa nila ang maririnig. Bumaba ako at nagtungo sa kusina para magtimpla ng mainit na kape. Naabutan ko roon na nagluluto ang ilang kasambahay, nagbatian lamang kami ng magandang umaga tapos ay dumiretso na ako sa tunay kong pakay.
Ang amoy ng kape na humahalo sa hangin ay talagang napaka-comforting, para kang nasa isang malambot na kama at yakap ng taong mahal na mahal mo. Napangiti ako sa naging description ko sa amoy ng kape. Maya maya lang ay narinig ko ang tunog ng kumukulong mantika, mukhang nagsimula na silang magluto ng ulam. Pritong hotdog at itlog sa umaga, mas masarap sana kung may tuyo o dried fish. I wonder kung nag-uulam ba ng gano'n ang mga Miller, para kasi sa iba ay mabaho ‘yon pero para sa akin ay sobrang bango no’n. Siguro naka-depende talaga sa nakasanayang mong buhay. Nasanay kasi kami sa simple at hindi karangyaang pamumuhay, sapat na nga minsan iyong mga gulay na tanim namin sa likod bahay.
Nang matapos ako sa pagtitimpla ng kape ay nagtungo ako sa veranda, nagiging favorite na part ko na ito sa loob ng bahay. Hindi ko na kasi kailangang lumabas at umikot para makita ang magagandang bulaklak sa garden, dito palang ay tanaw na tanaw na ang mga ito. Lalabas lang siguro ako kapag gusto kong mahawakan ang mga ito, kapag kasi humahangin ay humahalimuyak na rin ang amoy ng mga bulaklak.
“You’re early.”
Napukaw ang atensyon ko nang may mag-salita mula sa pinto, mukhang kagigising lang nito at mapupungay pa ang mga mata. Naupo ito sa tabi ko kaya bahagyang nakaramdam ako ng anxiousness.
“Maaga talaga akong nagigising, nakasanayan na eh. Good morning,” bati ko rito.
Ngumiti naman ito. Mukhang pareho kaming nag-eenjoy sa tanawin dito sa veranda.
“Morning,” tugon nito. Bumaba ang tingin nito sa kape kong nakalapag sa mesa.
“Gusto mong kape? I can make one for you.” Alok ko rito. Sanay akong magtimpla ng kape para sa pamilya ko, hindi ko pa nararanasan sa ibang tao pero hindi na masamang sanayin ang sarili kong ipagtimpla ang magiging asawa ko.
“There's no need, nag-utos na ako sa isa sa mga servants na ipagtimpla ako.”
Tumango na lamang ako. Sakto namang dating ng kasambahay na binanggit nito, may dalang isang tasa ng kape at mukhang kabi-bake lang na bread.
Pinanood ko lamang si Atlas kung paanong gagawing pagkain sa bread, nakaramdam ako ng pagkailang nang bigla itong tumingin sa akin bago isubo ang piece ng bread na pinitas nito. Nahuli tuloy ako nitong pinapanood siya.
“Have some bread,” pag-aalok nito. Marami ang serving no’n, halatang pinasadya nito para sa dalawa o tatlong tao.
Nahihiya akong tumanggi, isa pa ay natatakam na rin ako dahil sa mabangong amoy. Kumuha ako ng isa at hinati iyon, tapos ay isinawsaw sa mainit na kape.
“What are you doing? Sinusubukan mo bang hugasan ang tinapay gamit ang kape mo? It’s clean, don't worry.”
Muntik na akong masamid nang marinig ang sinabi ni Atlas, natatawang nilunok ko ang kasusubo ko lang na tinapay na isinawsaw sa kape.
“Hindi mo pa ba nararanasang gawin ‘to? Try it, it's good. Mas sasarap ang lasa ng tinapay.”
Nalukot ang mukha nito, nawe-weirduhang tinitigan ang hawak na tinapay at kapeng nasa harap nito.
“I don't think that's the proper way to eat bread,” katwiran nito. Nanlumo ako ng kaunti sa narinig, siguro ay hindi natin pwedeng ipilit ang nakasanayan natin sa mga taong iba ang kasanayan.
“It’s okay, you don't have to do it if you feel uncomfortable.”
Hindi ito kumibo. Huminga ito ng malalim at parang isang challenge na isinawsaw ang buong tinapay na hawak nito sa kape.
“I have to blow it, right?” Tanong nito. Tumingin sa aking nagtatanong ang mukha.
Tumango lamang ako at itinuro rito ang tamang pagkain ng tinapay na inasawsaw sa kape.
Sinahod pa nito ang palad sa ibaba ng kape, para hindi ito matuluan kung sakaling may umalpas na katas ng kape doon. Pinanood ko ang reaksyon nito. Ang una ay parang hindi ito sigurado sa gagawin, nang maisubo ang tinapay ay may kaunting gulat na bumakas sa mukha nito.
“Not bad,” he said.
“See? Masarap ‘di ba? Ganyan ang palagi naming ginagawa sa bahay bago kumain ng almusal, minsan nga ‘yan na ang pinaka-almusal namin.”
“I noticed this since last night, ginagawa mo na lahat ng mga nakasanayan mo dito sa probinsya na para bang hindi na ulit mauulit ang mga ito.”
Hindi nagawang itago ng ngiti ko ang lungkot.
“Kasi lilipat na tayong siyudad pagkatapos ng kasal natin, hindi ko alam ang buhay na naghihintay sa atin doon. Malay mo nalalabi na pala ang araw ko para ma-enjoy ang provincial life.”
“We have a garden there, pwede nating ipa-renovate ‘yon at maglagay ng parte na matataniman ng mga gulay. May mga servants din kaya anytime pwede kang magpa-bake ng tinapay at magtimpla ng kape. Pwede mo pa ring gawin ang mga nakasanayan mo dito sa probinsya, ang tanging kaibahan lang ay ang atmosphere. Maingay at mausok sa labas ng siyudad, pero kung gusto mong makalanghap ng sariwang hangin, magpunta ka lang sa garden. Mayroong maliit na lake doon.”
My initial reaction should be happy and amazed, but strangely I didn't feel any excitement. Siguro dahil nasa isip kong iiwan ko na ang lugar kung saan ako lumaki at nagkaisip, baka hindi ang mga nakasanayan ko ang mamimiss ko sa lugar na ito kundi ang lugar at mga taong narito.
“I guess that should do it,” napipilitang sagot ko. For his convenience we should do it, nag-resign na rin ako sa trabaho ko dahil busy na sa preparasyon ng kasal. Hindi naman ako binawalan ng mga Miller sa pagta-trabaho, sila mama ang nag-advice sa akin na mag-resign para raw makapag-focus sa kasal namin. Kaso minsan naiisip ko pa rin kung tama ba ang mga naging desisyon ko recently? Kasi kung tama, bakit parang hindi ako masaya at laging may kulang?