Atlas point of view
Medyo nagiging awkward na ang paligid dahil sa tinatakbo ng topic namin ni Mila. Alam kong hindi buo ang loob nito sa paglipat namin sa siyudad, but she's doing it for me. I hate to be selfish, I just really want to settle in the city. Hindi ko gusto ang tahimik at boring na probinsya, walang entertaining para sa akin dito. Hindi tulad ng siyudad na kahit saan ka magpunta ay may makikita kang aliwan.
Nakaka-guilty lang kapag nakikita kong may nalulungkot dahil sa desisyon ko, kaso hindi ako yung tipo ng tao na mag-aadjust para sa iba. Kapag may gusto ako at nakahanap ng paraan para maisakatuparan ‘yon, wala na akong pakialam sa nararamdaman ng iba.
“Gusto mo bang sa inyo na muna tayo mag-stay bago pa ang kasal natin? We still have a week.” Suhestiyon ko. Para kahit papaano ay makabawi sa disappointment nito.
Mukhang effective naman ang sinabi ko, nagliwanag ang mukha nito.
“Seryoso ba ‘yan?” Paninigurado pa nito.
“Yes, kahit isama pa natin si Atticus. As for papa, I don't know if he wants to but I can ask him later.”
“Thank you,” nakangiting wika nito.
Hindi ko rin mapigilang mangiti, mas lumilitaw ang ganda nito kapag ngumingiti ng sinsero. Hindi lang siguro nito napapansin dahil wala itong kaayos ayos sa sarili, but she’s even prettier than her cousin. Kahit hindi ako, maybe kung ibang lalaki ang namili sa kanilang dalawa ng pinsan nito, sigurado akong ito rin ang pipiliin ng kahit sino. Although I hate saying that to her, sapat na yung ako lang ang nakakaalam. Gusto kong sa ‘kin lang ito ngumingiti ng gano'n.
Am I being possessive?
Umiling ako para alisin ang tumatakbo sa isip ko.
“Papa! Mama!”
Natigilan kami sa pag-uusap nang dumating si Atticus, kasunod nito ang pamilya ni Mila. Ito yata ang pangatlong beses na makakasama ko ang mga ito, pero ngayon ay mukhang matagal tagal ko silang pakikisamahan.
Agad na umakyat sa kandungan ko si Atticus. “Good morning, papa!” Masiglang bati nito.
“Good morning, son.” Ngumiti ako at pinisil ang tungki ng ilong nito.
“Good morning, mama!” Baling naman nito kay Mila. Noong unang beses kong marinig ang tawag nito kay Mila ay nagulat ako, it turns out Alistair’s rampage helps the process.
“Good morning, Atticus.” Nakangiti ring bati ni Mila sa bata.
Dumako ang tingin ko sa mga magulang at kapatid ni Mila. I'm not the affectionate one, I don't follow tradition either. But for Mila, maybe I can try to be hospitable.
“Good morning po, ‘ma, ‘pa, and...” I don't know how to call Mila's siblings.
“She’s Jenny,” turo ni Mila sa kapatid nitong babae. Ito ang kasunod ni Mila sa pagiging panganay. “Albert,” turo naman nito sa kasunod ni Jenny. “And Aj,” tukoy nito sa bunso.
“Nice to meet you,” wika ko.
Natawa naman si Mila na ipinagtaka ko.
“May mali ba akong nasabi?” Bulong ko dito. Agad naman itong umiling at bumulong din sa akin.
“Bigla ka kasing naging pormal,” natatawang saad nito.
Tumikhim ako at umayos ng pagkakaupo. I didn't notice that.
“Siya nga pala mama at papa. Nag-uusap kami kanina ni Atlas na doon muna sa bahay bago man lang sumapit ang kasal namin.”
Bumakas ang gulat at pagkabahala sa mukha ng mga magulang ni Mila. Kaming apat nalang ang natitira sa mesa, ang mga bata ay nagsitakbuhan sa labas ng veranda at naglalaro ngayon sa garden. Nadagdagan tuloy ng kulay ang pinapanood namin ngayon.
“Talaga? Nakakatuwa naman kung gano'n, kaya lang ay hindi ganito kalaki ang bahay natin. ‘Saka wala tayong mga kasambahay, baka manibago sila.” Nag-aalalang wika ng mama ni Mila.
Nang tingnan ko si Mila ay mukhang naapektuhan ito sa sinabi ng kanyang ina, mayroong mababakas na pag-aalala na rin sa mukha nito.
“It’s fine, Mrs. Lopez. Hindi naman ako nasanay sa comfort, sanay akong mamuhay mag-isa.” Pagpapagaan ko sa usapan. I'm an independent child, I don't want to depend on anyone. Mas gusto kong ginagawa ang mga bagay on my own, lumaki kasi ako sa practice na kung may gusto akong makuha at gawin ay kailangan kong paghirapan. Kung kinakailangang dumaan ako sa butas ng karayom, o sumuong sa nagbabagang apoy, I don't mind. Those are metaphors of life, and life is entertaining if you play with it.
“Kung gano'n ay uuwi kami ngayon ng papa mo, para naman malinis namin ang bahay. 'Saka Atlas, mama at papa nalang ang itawag mo sa amin, ikakasal na rin naman kayo ng anak ko.”
Nginitian ko ang ginang, tinawag ko na silang mama at papa kanina, sadyang nasanay lang ako sa formalities kapag hindi ko ka-close ang kausap.
“Don't sweat yourself, ‘ma. Kahit ano pa ang datnan namin ni Atticus doon ay tatanggapin namin ng buong buo.” Pagpapagaan ko pa sa loob nito.
Kumislap ang mga mata nito, halatang natuwa sa narinig. “Isasama mo si Atticus? Haynaku! Nakaka-excite naman.” Napapapalakpak pang saad nito.
Kung sensitive lang akong tao ay makakaramdam ako ng hinampo, parang mas matuwa pa ito na malamang kasama si Atticus kaysa sa pagpunta ko doon. Pero bakit naman ako magseselos sa baga? That's childish.
“Gusto mo bang turuan kita ng mga kinabubuhay namin?” Singit ng papa ni Mila. Kanina ay tahimik lang ito, nakikinig sa usapan namin ng ginang at ni Mila. Mukhang binabasa pa ako at kinikilala, something a father should do for their children. Bagay na hindi namin naranasan kay papa, wala akong sama ng loob sa aming ama pero minsan naiisip kong kung lumaki kami sa katamtaman lang na buhay, mas naramdaman kaya namin ang presensya nito?
“I appreciate the thought, ‘pa.” Magalang kong tugon. Ngumiti naman ito, natuwa sa isinagot ko.
Nag-kwentuhan pa kami, marami itong kwento tungkol sa kabataan ni Mila. Maging ang mga nakakatawang pangyayari sa buhay ng mga ito ay napag-kwentuhan na rin namin, nag-iba lang ang ihip ng hangin nang mapunta kami sa malungkot na parte ng buhay nila. Tiningnan ko si Mila na umalis kasama ang mama nito kanina, iniwan kami para makapag-kwentuhan daw ng lalaki sa lalaki. Ngayon ay naroon sila sa garden kasama ng mga bata. Wala sa itsura ng mga ito na nakaranas ng masakit na karahasan ng buhay, masaya at panay ang tawanan na para bang ni minsan ay hindi sila sinubok ng tadhana.
“Paano nilang nagagawang ngumiti na parang napaka-dali ng buhay?”
Hindi ko namalayang nasambit ko ang dapat ay sa isip ko lamang.
“Simple lang, maging kuntento ka sa anong mayroon ka, at i-appreciate mo kahit ang maliliit na bagay sa iyong buhay. Kapag natutunan mo ‘yon, magiging masaya ka kahit sa maliliit na bagay.” Sagot ng papa ni Mila.
Tiningnan ko ito panandalian, tapos ibinalik din kina Mila ang tingin ko. Contentment? Hanggang ngayon ay hindi ko pa nararating ang rurok ng buhay na ‘yon, palagi akong parang may hinahabol at inaabot na hindi maabot ng aking mga kamay. Hindi makita ng aking mga mata. Parang isang puzzle na kayhirap i-solve, wala akong ideya sa simplicity ng buhay. I've been raised with a golden spoon in my mouth, never have I ever imagine living an ordinary life.