Chapter 11

1234 Words
Mila’s point of view Kagaya nga ng napag-usapan kahapon, nauna ng umuwi sina mama at papa para raw makapaglinis pa ng bahay. Gusto ring makapaghanda ng mga ito, kahit na ang sabi ni Atlas ay huwag na silang mag-abala pa. Hindi ko rin naman masisisi ang mga magulang ko, gano'n na ang nakagawian namin ‘saka alam kasi namin kung gaano kayaman ang mga Miller. Ayaw naman naming hindi maging kumportable ang stay nila sa amin. “Mama, are we going to dada at lala’s house?” Tanong ni Atticus. Nakaupo ito sa gitna namin ni Atlas, sakay kami ng puting van na isa sa ari-arian ng mga Miller. Kasabay kasi namin ang mga kapatid ko kaya para raw hindi kami masikipan, medyo marami rin kasi kaming dalang mga gamit. “Yes, Atticus.” Nakangiti kong sagot dito. “Is it beautiful there? Can Atticus play there?” Patuloy pa ring pagtatanong ni Atticus. Mas excited pa ito sa akin, kahit sobrang aga pa ay nangungulit na. “Of course, maluwang ang bakuran namin kaya malaya kang makakapaglaro. May mga bata ring ka-edaran mo sa kapitbahay, pwede ka ring makipaglaro sa kanila.” Nangislap ang mga mata nito. “But will they accept Atticus even if he’s a bastard child?” Biglang nag-iba ang mood nito. Nakaramdam naman ako ng kurot sa puso sa narinig, tiningnan ko si Atlas na kanina lang ay tahimik na nakatingin sa labas ng bintana. Mukhang naagaw rin ng atensyon nito ang sinabi ni Atticus. “Don't worry, hindi mapanghusga ang mga tao do’n. At kung mayroon mang magtatangkang tawagin kang bastardo ay hindi ko talaga hahayaan, kung ayaw ka rin nilang kalaro ay nariyan naman ang mga tito at tita mo.” Tinuro ko pa ang mga kapatid kong mga inaantok pa, nakapikit ang mga ito at nakasandig sa isa't isa sa likod namin. Sinundan din ng tingin ni Atticus ang mga tinuro ko, kaso natawa nalang kaming pareho nang makitang tulog pa ang mga ito. “Inaantok pa nga lang sila, mamaya siguro kapag nahimasmasan na sila.” Bulong ko. Para namang may sikreto kaming lumapit pa ito para kunwaring nakikinig sa ‘kin, tapos ay inosenteng tatango ‘saka humagikgik. Nang tingnan ko ulit ang direksyon ni Atlas ay nakatuon na ulit sa labas ng bintana ang atensyon nito, kaibahan lang ang maliit na ngiti nito sa labi. “Are we close, mama?” Tila hindi pa rin nakukuntento sa mga tanong nito si Atticus. “Medyo malapit na,” sagot ko. Nahikab ako dahil nakakaramdam na rin ako ng pagod, kahit nakaupo lang kami sa byahe ay nakakapagal din. “How many minutes?” “Hey there, son. How about you go rest too, just like your Mama Mila's siblings. Para mas may energy ka mamaya pagkarating namin, gigisingin nalang kita.” Singit ni Atlas, mukhang napansin nitong nakakaramdam na rin ako ng pagod. Marahil nakukulitan din kay Atticus. Mas ramdam kasi ang pagod kapag may malikot at maingay sa byahe. “But I want to see the way to dada and lala’s house,” ungos pa ni Atticus. Hindi ko alam kung saan nito nakuha ang tawag sa mga magulang ko, but it's cute kapag dito nanggagaling. “Then come here and let's see it together, let your Mama Mila rest.” Binuhat ni Atlas si Atticus at inupo ito sa kandungan nito. Natutuwa namang pumayag si Atticus. Nakangiting pinagmasdan ko ang dalawang lalaki, mukha talaga ang mga itong mag-ama. Pareho pa ng hulma ng mukha. “Thank you,” mahinang bulong ko kay Atlas. Tiningnan naman ako nito. “Rest. Gigisingin nalang kita kapag malapit na tayo.” Ngayong tumigil na si Atticus sa pangungulit sa akin, dapat ay makakatulog na ako pero may kung anong tumatambol sa dib-díb ko na bumabahala sa akin. Nawala tuloy ang antok ko kanina, hanggang sa makarating kami sa aming bahay ay hindi na ako nakatulog pa. “Welcome sa aming maliit na bahay,” bungad nina mama at papa sa amin. Magkakasunod kaming pumasok sa loob ng bahay, napangiti ako nang masilayan ang pamilyar na lugar na iyon. Dito ako pinanganak, lumaki at nagkaisip. Nakakalungkot na iiwan ko na ito pagkatapos kong ikasal, pero mananatili ang mga ala-ala sa puso ko. Naniniwala rin akong someday ay babalik ako sa lugar na ito, hindi na mag-isa kundi kasama ang bago kong pamilya. Tiningnan ko si Atticus at Atlas. Si Atticus ay mabilis pa sa alas kwatrong nawala sa paningin namin, totoo nga yatang mas mabilis ma-pamilyar ang bata sa isang lugar. Kasama rin nito ang mga kapatid ko kaya hindi na ako nag-aalala. Habang si Atlas ay tahimik lang na nakaupo sa sala kasama ko, sina mama ay binalikan ang mga niluluto. Naghahanda raw ang mga ito ng agahan, dito palang sa sala ay naaamoy ko na ang kini-crave ko noong nakaraang araw pa. Ang amoy ng tuyo na sobrang bango sa aking pang-amoy. “What’s that smell?” Nakakunot ang noong tanong ni Atlas. Natitigilang bumaling ako rito, hindi yata nito nagustuhan ang amoy ng tuyo. “Tuyo yun, dried fish kung hindi ka pamilyar. May ibang hindi nagugustuhan ang amoy no’n pero maniwala ka masarap ‘yon.” “Nakatikim na ako ng dried fish pero yung naka-can, is there a variety of dried fish here?” Dried fish na naka-in can? Narinig ko na ang klase ng dried fish na 'yon, imported sa ibang bansa at yun nga raw ang tuyo sa mayayaman. “Oo. May tuyo, daing at iba pa. Minsan dadalhin kita sa palengke para makita mo.” “Gano'n ba talaga ang amoy no’n? Iyong dried fish na alam ko ay hindi naman masangsang ang amoy.” “Kasi nga na-preserve na at mayroon ng mga seasonings ang nilagay do’n, unlike sa mga dried fish na mayroon kami dito na fresh ginagawa.” Hindi pa ako nakakita ng proseso kung paanong ginagawa ang tuyo, pero ang alam ko ay binibilad at pinapausukan iyon. “Gusto mo bang makita ang niluluto nila mama?” Tanong ko pa. Saglit lang itong nag-isip at pumayag naman. Naglakad kami papasok ng kusina, nagulat pa sina mama at papa nang makita kami. “Bakit narito na kayo? Hindi pa kami tapos magluto.” Wika ni mama. Mayroon nang mga nakahain sa mesa. Sinangag na kanin, itlog, hotdog, nilagang okra at talong, bagoong isda na sawsawan ng mga nilagang gulay, at sinigang na baboy. Mukhang last na iyong tuyo na niluluto nila. “Gusto raw makita ni Atlas ang niluluto niyong tuyo,” sagot ko kay mama. Natitigilang nagkatinginan ang mga magulang ko, nagkibit-balikat at ipinakita kay Atlas ang tuyong nasa plato. Ang iba ay luto na habang ang iba ay fresh pa. Dumampot si Atlas ng isang tuyo na hindi pa luto, inamoy nito iyon at agad na nalukot ang mukha nito. Mukhang hindi nagustuhan ang amoy, medyo matapang kasi ang amoy no’n kapag hindi pa naluluto. Nagkatinginan kami ng mga magulang ko saka lihim na natawa. Sinunod naman ni Atlas na tingnan at amuyin ang luto ng tuyo. Mas okay ang reaksyon nito sa luto na. “It seems edible,” kumento nito. “Oo, edible ‘yan. Pati nga tinik ay pwede mong kainin.” Ani papa. “Sounds challenging but that's entertaining.” Lihim nalang akong natatawa sa mga sagot ni Atlas, mukhang marami pang mga bagay na madi-diskubre ito dito sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD