Atlas point of view
How to eat a fresh dried fish? Swam and was directly caught in the sea. Natawa nalang ako sa tinatakbo ng isip ko. Kumain lang naman ako ng tuyo, maalat pero tolerable naman ang lasa. Mas bagay itong ipares sa kanin. Medyo awkward pa nga ang unang subo ko dahil pinapanood ako ng lahat, hinihintay ang magiging reaction ko. Pati si Atticus na sigurado akong hindi pa nakakakain ng gano'ng klase ng isda ay nakatingin sa akin.
"How was it?" Kinakabahang tanong ni Mila. Sa lahat ay mas kapansin pansin ang kaba nito.
"Dry, of course, it's a dried fish. Maalat, but tolerable. It's good when mixed in the rice." Para akong nagre-review ng bagong release na pagkain sa isang menu. Nang makuha ang hinihintay na response sa akin ay saka palang nagkainan ang mga ito.
"Kumain ka ng marami, may isang balde kami n'yan." Alok pa ng mama ni Mila, ngumit lang ako. I'm sure as hell na hindi ko kayang kumain ng gano'n kadami. Okay sa panlasa ko, but doesn't mean I'm comfortable eating it. Ayoko lang ma-disappoint ang mga ito, they took their time and effort to cook it.
Matapos kumain ay napag-desisyunan naming libutin muna ang lugar, dalawa lamang kami ni Mila. Si Atticus ay pukaw na pukaw ang atensyon sa pakikipaglaro, ang mga magulang naman ni Mila ay hinayaan muna kami, para magkaroon daw kami ng quality time together.
"Ang main source of income dito sa amin ay farming," pagkukwento ni Mila. Puro bukid nga ang makikita sa paligid, kulay green na parang damo palang ang mga palay. Mukhang bagong tanim palang.
Naiisip ko ang mga nabasa ko sa internet tungkol sa farming, it's very tiring job. Ngunit kaunti lang ang benefits na nakukuha ng mga farmers dito.
"Magkano ang usually kinikita sa farming?" Tanong ko. I'm curious kung tama ba ang nakalathala sa internet. Minsan kasi ay exaggerated o kaya sugarcoated ang mga nakalagay do'n.
"Kung nakikisaka ka lang, usually 300 ang bayad sa mga magtatanim o magbubunot. Kapag binalik mo naman ang upa o ipinasa sa iba, 350 na ang bayad no'n. Parang tax, may dagdag na agad."
300? 350? Maghapon kang nakayuko for only that much? No wonder maraming dumadaing na mga magsasaka.
"Habang sa mga may-ari naman ng sakahan, tyambahan lang sa presyo ng palay o bigas. Depende kasi sa supply and demand, parang sa mga business lang na may times na mataas ang presyo pero mas madalas ang mababa. Tapos kapag pangit pa ang ani, mas babaratin ka ng buyer. Hindi alam ang hirap ng farming eh."
"If that's hard, why stay in the farming business?" Maraming naman option sa negosyo, iyong marketable pero bakit mas pinipili pa rin ng iba na mas mahirapan sila?
"Let's just say tumigil na ang mga farmers sa pagtatanim at paghaharvest ng palay, ano pa ang kakainin ng mga tao? Saka may iba kasing lumaki at nabuhay na farming na ang kinalakhang hanap-buhay. Kahit may ibang options sila, wala rin silang magagawa kung farming lang ang alam nila."
Mila has a point. Iyon ang mga consequences na hindi kino-consider ng ibang buyer na mahilig mambarat ng presyo, kapag naubos ang mga farmers sa mundo dahil sa pababa nang pababang presyo ng palay, baka dumating ang araw na wala na tayong kakaining kanin sa hapagkainan. Ang tanong ay kung mabubuhay ba ang mga pinoy na walang kanin?
"Sure, I can't live this kind of life." Anas ko. Hindi ko kaya ang hirap ng trabahong ginagawa nila sa araw-araw, mas gugustuhin ko nang maupo ng walong oras sa opisina kaysa yumuko ng maghapon sa bukid.
"Oo naman. Kahit sino mas pipiliin ang makapamuhay ng kumportable, hindi ko rin naiisip na kaya kong maging farmer. But there's a life in farming na nakakapagbigay ng saya kahit sa mga simpleng bagay lang. Matututunan mong makuntento sa maraming bagay."
"Maybe depende sa tao," katwiran ko. May mga taong kahit anong hirap ng buhay ay mayroon pa ring mataas na pangarap, sila yung mga taong willing lumabas sa comfortzone nila at i-explore ang buhay. Kaya nga may mga kwentong from rags to riches, kasi nangyayari talaga totoong buhay yon.
"Ang isa pang kinabubuhay ng mga tao dito ay ang pagbebenta ng mga walis," wika ni Mila. May nadaanan kasi kaming gumagawa ng walis, dahon ng niyog ang hawak ng mga ito. Mapino at puno ng ingat na nililinis ng mga ito ang maliit at matigas na parte ng dahon ng niyog. Tapos ay iipunin sa katamtamang dami at itatali ng itim na goma.
"Hindi ba nakakainip ang gawin yon?"
"Kapag nakasanayan mo na ay mas nakakalibang na ito. Mayroon ding gumagawa ng walis tambo, mas mahal nga lang ito."
Hindi ko masyadong ma-imagine ang sinasabi nito, hindi kasi ako pamilyar sa mga gano'ng bagay. Kahit minsan ay hindi pa naman ako humawak ng mga gano'n, nasanay ako sa mga high-tech na equipments.
"Another one ay pagbebenta ng mga gulay, mayroon kaming taniman sa likod bahay. Isasama kitang mag-harvest ng mga tanim namin minsan, nakaka-enjoy yon promise."
Nginitian ko ito. Ngayon ko nare-realize na sobrang layo ng buhay naming dalawa, habang ito ay nasanay sa hirap ng buhay, ako naman ay lumaki na ibinibigay nalang sa akin lahat ng gusto ko. Magkaibang mundo na kung hindi pinaglaruan ng tadhana ay malabong mag-krus ang landas namin. Kung walang nanloko sa amin at ginamit kami sa paraang magbe-benefit sa kanila, maybe we didn't met, baka kahit ang pangalan ng isa't isa ay hindi namin alam. Mayroon din naman palang magandang naidulot ang kasalang ito. First, I met this girl who always has a brilliant smile on her lips, and then I was able to open my world in a different dimension, a new perspective in life. Something that I cannot achieve just by sitting in a comfortable chair, or lying in a comfortable bed.
I want to do something for Mila, but I don't want to cross the line. Perhaps not yet. Wala pa sa isip ko ang mag-seryoso sa buhay at mag-stick sa iisang babae. I still wish to thrill; sticking to one woman alone bores me. I wonder if Mila knows that, or if she's expecting something from me? Hindi ko maipapangako na magiging mabuti akong asawa dito, hindi ko rin alam kung matatanggap ba nito ang buhay na nakagawian ko. But if she can't adjust well to my kind of life, it will be painful for her to live with me.