Chapter 15

1184 Words
Milagros POV Kinagabihan mas ramdam ko na ang pagod sa ginawa namin kanina, mabuti nalang nagawan ko ng paraan at wala namang kumontra. Bukod sa mga unsatisfied reaction ng ibang mga guests. Katatapos ko lang ding maligo at magbihis ng pang-tulog. Wala pa si Atlas, sabay kaming umuwi pero naghiwalay rin nang makarating dito. Ngayon hindi ko na alam kung nasaan ito. Naupo ako sa kama, tinatamaan na ng antok pero gusto kong hintayin si Atlas. Wala namang mangyayari sa aming eventful ngayon, pareho kaming pagod kaya wala akong nararamdamang kaba. Hindi ko na mabilang ang hikab na nagawa ko, wala pa ring dumarating na Atlas. Naghintay pa ako nang ilang oras, nang hindi na makapagpigil ay tumayo ako at nagbalabal ng makapal na blanket. Lumabas ako ng silid namin, hinanap ang kinaroroonan ng aking asawa. Habang naglalakad ay pinagmamasdan ko ang paligid, medyo kabisado ko na rin naman ang lugar. Iyon nga lang ay luluwas na kaming Manila bukas, maninibago na naman ako. Huminto ako sa nakaawang na pinto, bukas din ang ilaw doon kaya sigurado akong naroon si Atlas. Hindi nga ako nagkamali, kakatok sana ako para tawagin ang atensyon nito nang marinig kong hindi ito nag-iisa. “I told you, Atlas, she's alive.” Kumunot ang noo ko, sino ang tinutukoy nila? Pamilyar ang boses ng lalaking kasama ni Atlas ngayon, parang narinig ko na noon. “Ano bang pinagsasabi mo, kuya? Matagal ng patay si Vanessa, saksi tayong dalawa nang mawalan ito ng buhay.” Kuya? Yung papa ni Atticus? Nag-desisyon akong huwag na munang abalahin ang dalawa, pero hindi ko rin maigalaw ang mga paa ko para lisanin ang lugar. Tila katawan ko mismo ang nagsasabing makinig pa sa usapan nila. “That's indeed true, tayo ang naglibing dito. Pero hindi natin alam ang nangyari pagkatapos natin itong ilibing.” Sumandal ako sa malamig na pader, inayos ko pa ang pagkakabalot sa akin ng blanket. “Anong gusto mong sabihin, kuya? Na bumangon sa pagkakahukay nito si Vanessa?” Natatawang wika ni Atlas. Hindi ko alam na close pala silang magkapatid, parang hindi kasi sila magkasundo nang unang beses ko silang masilayan na magkasama. “O pwede ring may nag-ahon dito, alam mo ba yung mga orasyon...” “Enough, kuya. Hindi totoo ang mga gano'n, at lalong walang patay na muling bumabangon sa pagkakahukay.” Putol ni Atlas sa sinasabi ng kuya nito, kahit naman ako ay gano'n ang gagawin kapag nakarinig ng imposibleng mga pangyayari. Baliw lang ang maniniwala sa mga gano'ng hearsay. “Pero paano nga kung buhay si Vanessa? Ano ang gagawin natin?” May mahihimigang takot sa boses ng lalaki, bagay na ipinagtataka ko. Ano naman ang koneksiyon nila sa pagkamatay ng babae? “Wala tayong gagawin dahil matagal na siyang patay. At kung totoo man ang sinasabi mo, marahil impostor yon.” Vanessa, mother of Atticus. Sino ang babaeng yun sa buhay ng magkapatid na ito? At ano ang kontribusyon nila sa pagkamatay ng babae? Bigla akong nakaramdam ng kaba sa posibleng pangyayari. “Huwag mo akong sisisihin kapag nagkatotoo ang mga sinasabi ko, basta binalaan kita. Kasal kana pamo ngayon.” Ano naman kung kasal na si Atlas? “Wala pa ring magbabago kahit kasal ako o hindi, asawa mo si Vanessa at ina ni Atticus.” “Maglolokohan pa ba tayo, Atlas? Alam ko na ang itinatago mong pagtingin sa asawa ko,” sarkastiko ang pagkakasabi nito sa mga salitang yon. “Masyado ka lang praning, kuya. Ilang beses kong uulit-ulitin sa 'yo na wala akong feelings kay Vanessa. Nagkataon lang na ako ang nandyan noong mga panahong pinagmalupitan mo sila.” “Hindi ako malupit, malandi lang ang babaeng yun. Pati kapatid ko ay inakit nito, kaya mag-iingat ka sa pinakasalan mo. Ikaw rin baka matulad ito kay Vanessa.” “Hindi matutulad si Mila kay Vanessa, kuya.” Mariing wika ni Atlas, tila hindi nagustuhan ang narinig. “Ako'y nagpapaalala lang.” “Wala kang gagawin, kuya. Sa asawa ko o kay Atticus, hindi mo sila gagalawin. Nagkakaintindihan ba tayo?” Walang sumagot sa winika ni Atlas. Parang labag sa loob ng nakikinig ang sinabi nito. “Ano ang kapalit ng pananahimik ko?” “Wala, kuya. Walang kapalit,” klarong saad ni Atlas. “Paano naman kung may gawin ako?" “Then I have no choice but to dispose of you by myself.” Dispose? He meant he will kill him? May hindi pa ba ako nalalaman sa pamilyang ito? Are they group of murderers? “Excuse me, Miss Milla. May kailangan ka ba kay Atlas?" Muntik na akong mapasigaw nang bigla na lamag sumulpot sa gilid ko si Darien. Agad akong umayos ng pagkakatayo, ang dalawang lalaking nag-uusap sa loob ay natigilan. Magkasunod na lumabas ang mga ito. Napapagitnaan tuloy ako ng tatlong lalaki, hindi ko alam kung ligtas pa ako lalo na sa mga narinig kong usapan. “Anong ginagawa mo ditong babae ka? Nang-i-spy ka ba?” Asik ng nakatatandang kapatid ni Atlas. Hindi ako umimik, less talk is less mistake. Kaya mag-i-stick ako doon. “I don't think that is the case, Sir Alistair. Napadaan lang dito si Miss Mila, sigurado ako sa nakita ko.” Si Darien ang sumagot para sa akin, magpapasalamat nalang ako dito mamaya. “Kahit na. dapat may consequences pa rin yon.” Pangantatwiran pa rin ni Alistair. “And what should be the consequences?" Singit ni Atlas. Ngumisi si Alistair, mukhang may binabalak na hindi maganda. “Ako na ang bahala, Atlas.” “No, kuya. Hindi ako pumapayag sa consequences na sinasabi mo, nagtatanong ako ny mga posible mong gagawin. Kaya uulitin ko sa 'yo na wala kang gagawin para saktan o ipahamak ang mag-ina ko.” Nakakaloko ang tawang humarap si Alistair kay Atlas. “Bakit ba pareh tinuturing mo silang mag-ina? Eh pareho lang naman silang ipinilit na tanggapin mo.” Napayuko ako nang marinig ang tinuran ni Alistair, alam na pala nito ang rason kung bakit sila nagpakasal ni Atlas. “I have my own reasons, and that none of your business. I gave you enough warnings, kuya. Isang pagkakamali lang, baka ikaw ang matulad kay Vanessa.” Sumama lalo ang timpla ng mukha ni Alistair. Sayang ito kung tutuusin, gwapo at mayaman sana. Perfect package para sa mga kababaihan, kaya lang parang may kakaibang takbo ng utak. “Huwag kang lalapit sa akin na umiiyak at humihingi ng tulong.” Dinuro nito si Atlas saka walang pasabing iniwan kami. Hinarap ko si Darien at Atlas. “Thank you for saving me.” “What are you doing here? Hindi ba dapat ay tulog kana?” Baling ni Atlas sa akin, mukhang hindi nito nagustuhan ang pagdating ko. “Hinihintay kasi kita, kaso nainip nalang akong kahihintay sa 'yo kaya naisipan kong hanapin ka nalang.” Paliwanag ko. “I'm busy with works, mauna kanang matulog. Simula ngayon masanay kana.” Hindi na ako hinintay nitong makasagot, agad din akong tinalikuran pagkasabi no'n. Kanina lang ay ipinagtatanggol ako nito, ngayon naman ay ipinagtatabuyan. Napapahiyang nginitian ko na lamang si Darien na nasaksihan ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD