Chapter 14

1468 Words
Milagros POV Nalula ako sa garbo ng kasal, parang hindi bayad utang lang ang dahilan. Maraming kilalang tao na nababasa ko lang sa mga magazine o napapanood sa television, naiilang ako sa tuwing mayroong bumabati. Nakangiti naman ang lahat ngunit alam ko ang nakatago sa mga ngiting iyon. Ang mga pa-simpleng tinginan at bulungan na nagpapatiklop sa akin, kaya naman kahit gusto kong i-enjoy ang araw na yun ay nanatili akong nakaupo sa isang gilid. Ako ang may kasal pero nagmumukhang ako ang bisita, estranghero sa mundo ng mga mayayaman. “Welcome to alta sociedad,” bulong ko. Mahina lang para walang makarinig, naroon yung panliliit sa aking sarili. Ito na nga pala ang bagong mundo ko, ngayon palang nagmamarka sa akin ang lahat. High society sa ingles kung tawagin, iyong mundong pinapaikot ng pera at fame. Habang narito ako sa isang sulok at halos hindi maisubo ang mamahaling pagkain na nakahain sa akin, ang asawa ko ay panay ang meet at greet sa iba pang nagdadatingan. Walang katapusan, hindi ko na pinagod ang sarili kong makibagay dahil sa mga tinginan palang nila ay busog na ako sa panghuhusga nila. Alam kong hindi ako welcome, sampid sa mundong hindi ko alam kung isang pagkakamali na pinasok ko. “Anak, bakit nariyan ka? Hindi mo samahan ang asawa mo sa pagbati ng mga bisita.” Lumapit sa akin si mama, nakahiwalay kasi ang mesa nila sa mesa naming mag-asawa. Pang-dalawahan lang ang table namin ni Atlas, pinasadya for bride and groom. “Hindi na ‘ma, mas na-a-appreciate ako ng pagkain kaysa ng mga bisitang yan.” Muli kong tiningnan ang mga kumpol ng bisita na may kanya-kanyang mundo, wala akong makitaan ng kahit isang kasimplehan na magpapatayo sa akin sa inuupuan. “Ano ka ba naman, Mila. Maawa ka naman sa asawa mo, mukhang pagod na pagod na tapos ayaw mo pang samahan. Ano ba ang ikinakatakot mo?” Hindi makapaniwalang sinipat ko si mama. “Ma? Seryoso kana ba d‘yan sa sinasabi mo? Hindi mo ba nakikita ang layo ng agwat sa estado natin sa buhay dito? Kumbaga sa mag-anak, sampid lang tayo dito. Naihalo sa mga de-color, at mantsa sa mga puti.” Huminga ng malalim si mama, naupo sa pwesto ni Atlas. “Anak, alam kong nakakailang ang sitwasyon mo ngayon. Pero kailangan mong sanayin ang sarili mo, ito na ang mundong gagalawan mo simula ngayon. Maging matatag ka, kaya gawin mong challenge ang araw na ito para tanggapin ang bagong mundo mo.” Umismid ako, hindi pa rin sigurado kung tama bang tumayo ako rito sa upuan ko. Tiningnan ko pang ulit si mama, tumango ito at inudyukan pa akong sumunod sa sinasabi nito. Nagpakawala ako ng buntong hininga saka napipilitang tumayo at tinungo ang pwesto sa tabi ni Atlas. Natigilan pa ito nang makita ako, nginitian ko ito at nang makabawi ay sinagot naman nito ng ngiti. “Welcome,” ngiti ko sa kapapasok lang na bisita. “Thank you for coming,” pasasalamat ko naman sa paalis na. Parang robot na paulit-ulit ang script pati ngiti, akala ko noong pinapanood ko lang ay napaka-simpleng gawin pero nakakapagod pala. To think na kanina pa ito ginagawa ni Atlas. “Akala ko ay ayaw mo akong samahan dito?” Bulong nito nang makakuha ng tyempo, hindi kasi kami halos makapag-usap kakabati sa mga guests. “Inupuan na ako ni mama para sa mahabang pangaral, hindi pa ba ako mapipilitang tumayo?” Mahinang sagot ko rin, panay pa rin ang pagbati. Saglit na sinulyapan pa nito ang pwesto ng aking ina saka muling ibinalik sa akin ang tingin nito. “I should thank her later,” wika nito. Pilit akong ngumiti. “Kailangan ba talagang gawin natin ‘to? Hindi ba pwedeng i-announce nalang natin do'n?” Turo ko sa stage. “It will be informal and rude to some,” sagot nito. Napangiwi ako, ang aarte naman. Ayaw padaliin ang mga buhay namin. “Ang sakit sa labi at paa nito,” reklamo ko. “You can rest if you want,” mahinahong wika ni Atlas. “Hindi ka ba nakakaramdam ng pagod?” Simula nang nakaupo ako at pinapanood palang ito, ni minsan hindi nagbago ang postura nito. Calm and collected. “Tao pa rin ako,” tugon nito. “Hindi halata sa itsura mo,” pasaring ko. Naalala ko na naman yung eksena kanina sa altar. Hindi na kasi kami nagkita pagkauwi kahapon, inayusan at dinamitan ako na wala kaming interaction. Nagkita nalang ulit kami nang naglakad ako sa altar, nagtapo ang mga mata namin habang papalapit ako dito. Parang naka-lock na walang may gustong umiwas, nang abutin nito ang kamay ko mula sa aking mga magulang ay puno iyon ng pag-iingat. Naipanalangin ko pang sana gano'n din kaingat nito akong ituring kapag nagsasama na kami. Nang magpantay kami at makaayos ng pagkakatayo, he whispered to my ears: “You look perfect in your wedding dress.” Automatic na nangamatis ang pisngi ko ng mga oras na ‘yon, yung puso ko na kinilig sa narinig ay nagwala. Ngayon tuloy tuwing makikita ko ang mga ngiti nito o maririnig ang boses, hindi mapigilan ng puso kong huwag mag-react. Nagkaroon ito ng kakaibang epekto sa sistema ko, siguro dahil ito ang unang lalaki na pumuri ng itsura ko. Madalas kasi ay manang at simple lang ang paglalarawan sa akin ng mga tao lalo ng mga lalaki. “Kumain kana ba?” He asked yet again. Tumango ako habang humihikab, tinatamaan ng antok sa paulit-ulit na ginagawa. “Ikaw ang hindi pa, kumain kana muna. Ako na ang bahala sa mga guests dito,” wika ko. “Sigurado ka? Kanina ka pa nga panay reklamo d'yan,” natatawang saad nito. Sinamaan ko ito ng tingin. “Concern na nga ako at nagmamagandang loob oh, ayaw pang maniwala. Sige na, kumain kana dun.” Pagtataboy ko dito, nahihiya na rin siguro sa atensyong nakukuha namin kaya napilitan itong sumunod. Natatawa pa ako kasi panay ang tingin sa akin habang papalayo para kumain. Naiiling na hinarap ko ang mga bisitang paroo't parito. Lumapad ang ngiti ko, iniwan ko ang pwesto ko at lumapit sa mga dj na siyang humahawak ng sounds. Ibinigay ko sa mga ito ang cellphone ko kung saan naroon ang recording na dinownload ko pa sa YouTube, welcome and thank you greetings iyon. “Paki-play ng paulit-ulit kasabay ng musikang pinapapatugtog niyo. Siguraduhin niyong maririnig hanggang dun,” turo ko sa pwesto namin kung saan bumabati ng bisita. Agad namang pumayag ang mga ito, syempre sino namang tatanggi sa bride ‘di ba? Nang isinasalang na nila ang sound ay naglakad ako patungo sa pwesto namin ni Atlas, sa table ng bride and groom kung nasaan ito ngayon habang kumakain. Bumakas ang pagtataka sa mukha nito nang mapansin ako na papalapit dito, dumako pa ang mata nito sa greeting hall kung nasaan dapat ako. “What are you doing here? I thought...” Naputol ang iba pang sasabihin nito nang marinig ang greetings and thank you message na pumailanlang sa buong lugar. Umawang ng bahagya bunganga nito, hindi makapaniwalang tumingin sa akin. “Sorry, unlike you I don't like pleasing people a lot. Kasal naman natin itong pareho at alam nilang hindi mo magagawa ang ganito ka-jologs na ideya. Hayaan mo sa akin mag-fall ang blame, at least gumaan ang trabaho natin.” Lumunok ito. Pinagmamasdan ako habang nauupo sa tabi nito, tinulungan pa ako nitong ayusin ang dress ko na bahagyang nagulo sa pag-upo ko. “You don't have to apologize. Ayoko lang sanang mag-isip sila ng masama tungkol sa 'yo at i-welcome ka nila ng buong buo, kaya gusto kong idaan sa nakasanayan naming paraan.” Umirap ako. “Hindi ako ipinanganak para lang i-please ang mga taong yan no, saka kahit naman anong gawin natin ay iba pa rin ang tingin nila sa akin. Para sa kanila ay hindi ako nabibilang sa alta sociedad, isa lamang akong sampid. Para saan pang ipi-please natin sila?” Tinitigan ako nito, matagal na para bang ako ang pinaka-imposibleng babae sa buong mundo. “If that's what you want, I have no argument left to say.” Itinuon na nito ang atensyon sa pagkain, ako naman ang nanood dito. Ano kaya ang magiging buhay naming dalawa simula ngayon? Palagi itong kalmado pero nakita ko na ring magalit, may mga pananaw kami sa buhay na sadyang magkaiba. Sobrang layo ng nakasanayan naming pamumuhay at maging estado namin sa buhay. Maraming pwedeng maging conflict sa pagsasama naming ito, ang tanong lang ay kung magiging hadlang ba ito o daan sa aming maayos na pagsasana. Wala akong ibang hiniling kundi masaya at nagmamahalang pamilya, sa ngayon ay mga green flag naman ipinapakitang personality ni Atlas. Hindi ko nga lang siguro sa mga susunod na araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD