The Lovers

1096 Words
Matuling lumipas ang isang linggo,hindi pumasok si Rebeca ngayon dahil araw ng pagdalaw nya sakanyang anak.Kasama nya si Bernard na dadalaw.Namili muna sila ng mga lulutuin dahil balak nyang magluto mama- Pag dating nila roon ay hindi nya inaasahang naroon din sina Devon at Claire,nagkakailangan man ay nag- mano sya sa mga magulang ng lalaki,nagtanguhan na- man sina devon at Bernard.Siya naman ang naunang ngumiti kay Claire kahit hindi niya inaasahang susuk- lian din siya nito ng ngiti. Dumeretso na sya sa kusina upang iluto ang kanyang mga dala.Tuwang tuwa naman sa kanya ang dalawang matanda at ang kanyang anak.Hanggang ngayon ay hindi parin palagay ang loob ni Devon sa nakikitang closeness ng anak nito kay Bernard.Unti unti ng nata- ngap ng isip at kalooban ni Rebeca na naroon na si Claire muli sa buhay ni Devon.Tanggap na niya. Si Claire naman ay tila walang pakielam sa mga nangyayari,ni hindi nga nito nilalapitan ang kanyang anak,napaismid naman ito sa kanya. Nakita nya mula rito ang dalawang naglulunoy sa pool,nagtatawanan ang mga ito,habang ang anak nya ay kalaro naman sa sala ni Bernard.Iniiwas niya nalang ang tingin sa mga ito at binalingan ang anak at si Bernard.Nang magtama ang kanilang paningin ay ginitian nya ang lalaki.Lumapit naman agad ito sa kanya at hinalikan sya sa kanyang noo habang bitbit ang nakatulog na nyang anak.Kinuha nya mula rito ang bata. "Tutulungan kitang magluto,ano ba ang pwede kong maitulong?Si Bernard na sinundan sya sa kusina.Sabi nitong nakangiti sa kanya. "Paki balatan na lang ang ibang prutas magsasalad ako.Nagpaalam siya upang maiakyat na ang natutulog na anak at ngumiti sya rito at tumalikod na. "Muntik na syang mapaurong ng makita nyang nakahalukipkip sa glass door si Devon na kanina pa yata nakamasid sa kanilang dalawa.Nakita nya itong naka bathrobe at nakasilip ang matitipunong dibdib. Iniwas nya ang mga mata rito at hindi kumibo.Tuluyan na syang umakyat bitbit ang anak upang ipasok ito sa loob ng kwarto. hinalikan nya sa noo ang natutulog na anak. "SINO SYA?" Nagulat pa sya sa pinanggalingan ng boses na alam nya kung sino. Hindi sya kumibo rito,at tumuloy sa paglabas. Agad naman itong humarang sa daraanan nya. "Tinatanong kita bakit ayaw mo akong sagutin?Siya ba ipinagmamalaki mo?" "Bakit ko kailangang sagutin yan?May relasyon ba tayo?Hindi ba't may Claire kana?Siya na lamang ang asikasuhin mo hindi yung pati ang relasyong meron ako ay pinakikeelaman mo!Hindi ba't ipinakilala ko na siya?Siguro naman ay hindi ka bingi?" Hindi ito nakakibo sa sunod sunod niyang talak at tila nanahimik at nag isip.Sinamantala nya iyon upang iwan ito. Habang nagkakainan sila'y walang nagsasalita.Ang dalawang lalake'y parang sa mga tingin nagu-usap ang mga mata.Hindi nya alam kung nagsusukatan ang mga ito ng tingin.Si Claire naman ay parang bata lang na pinaglalaruan ng tinidor ang pagkain.Habang ang dalawang matanda'y pasulyap sulyap sa mga nangya- yari at alam niyang naguguluhan,hindi naman kasi niya inaasahang naroon din ang magkasintahan noong araw na iyo. "Masarap ang niluto mo iha" basag ng ina ni Devon sa nagaganap na tila"Cold War" sa pagitan ng dalawang panig. Ang matandang lalaki nama'y kanina pa nakikiram- dam sa kanilang apat. "Wala ka bang gana sweetheart?"Tanong ni Devon kay Claire ng mapuna nitong hindi ginagalaw ng babae ang pagkain. "Sorry but alam mo namnang hindi nako kumakain ng filipino food.Nasanay ako sa mga American Food eh, Sorry Rebeca ha!" Tumango lamang sya dahil alam nya namang pina-plastik lang sya nito.Napakaarte ng babae,aminado na- man syang maganda ang babae subalit nararamda- man nyang masama ang ugali ng babae. Pagkatapos nilang kumain ay dumeretso sya sandali sa veranda dahil kausap ni Bernard ang dalawang matanda sa sala. "HI!" Bati ni Claire sa kanya habang nakaupo sya sa habang nakaupo sya sa divan.Nagulat man dahil sa hindi niya inaasahang pag uukulan siya ng pansin ng babae ngunit sa kagandahang asal ay napilitan siyang ngumi-ti. "So ikaw pala si Rebeca,ang babaeng nabuntisan ni Devon?" Nainis man sya sa tinuran nito ay hindi nya ito pinatulan. "lilinawin ko lang sana sa iyo na magkakasundo tayo kung hindi ka magpapakita uli ng motibo kay Devon dahil akin lang sya at handa akong ipaglaban sya sa kahit na sinong babae."May diin ang mga salita . Doon na siya hindi sya nakatiis.Iba ng usapan ito.Nana himik siya ngunit pinaparatangan pa siya ng babae.Ni sulyap nga ay iniiwasan niya itong tignan. "Alam mo Claire hindi ako ang dapat na pinagsasabi- han mo ng ganyan kung hindi sya at wala kang dapat ikatakot sa akin.Hindi ako ang tunay na kalaban.Ang paghandaan mo'y ang mga babae sa buhay ni Devon at sa kanila ka matakot huwag aa akin.Ang nangyari sa amin ay matagal ng tapos.At kung gusto mong ikaw lang ang maging babae sa buhay ni Devon ay itali mo sya sa pundiya mo ng hindi kung kanikanino pumapa-tol."Mataray nyang sabi dito.sabay alis at iniwan itong galit na galit.Akala ba nito'y magpapatalo sya?Sya itong nanahimik na ay sya pang may ganang pagsali-taan?Kung gusto nyang solohin ang lalaki'y isaksak nya sa baga nya,sino ba bang tatagal sa lalaking kala moy makati pa sa gabi?Kung kanikanino pumapatol. Nawala tuloy ang pagiging reserved niya at tila nagi- ging pangkaraniwan na siyang babae na pumapatol sa mga walang kakwenta kwentang usapan.Hindi siya makapaniwalang ginagawa na niya ang ganoon ngayon.Kung dati'y wala siyang panahon sa mga ganoong bagay ay naiibahan na siya ngayon.Hindi na niya kilala ang sarili buhat ng nakarelasyon niya ang lalaki. Kanina pa talak ng talak ang kasintahan sa kanya ngunit tila walang naririnig si Devon.Nitong mga na- kakaraang araw ay parang hindi parin siya kuntento kahit pa narito na ang babaeng naging parte ng buhay niya noon.Aaminin niyang noong mga panahong galit siya sa mundo ay wala siyang ibang hinintay kundi ang dumating ang pagkakataong ganito ngunit ngayon niya natiyak na sa loob ng maraming taon na dinala niya ang galit dahil sa pang iiwan sa kany ng babae,ngayon ay nararamdaman niyang nagsayang lang siya ng maraming panahon.Nakakapagtaka kasing ng muli niyang masilayan ang kasintahan ay wala na at tila naglaho na ang lahat ng kanyang mga dalahin noon.Parang masamang hangin lang na nagdaan.Buong akala pa naman niya'y sisiklab ang kanyang galit kapag nakita ito. "Ano ba sweetheart?Kanina pa kita kausap pero para bang hindi mo ako nakikita?" Pumulupot ito sa kanya. "Magbihis kana at ihahatid na kita." Sumimangot ang babae at nagtatampong umalis upang sundin ang kanyang utos. Habang nagmamaneho pabalik ay lumilipad ang kanyang kaisipan.Pilit iniisip kung kailan niya naka- limutan at tinanggap ng bukal sa loob ang mga pinag- daanan noon.Hindi kasi siya makapaniwalang ang dinamdam noon ay tila isang bulang naglaho ngayon ng ganoon ganoon lang.At isa pa pala!...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD