Kapag naaalala ni Rebeca ang nangyari sa kanila
babaeng 'yon ay hindi nya maintindihan kung
magagalit ba sya o kung matatawa sa sarili nya dahil
katayuan nya sa buhay ay kaya nya palang mawalan ng poise.Ayaw nya sanang magkaroon pa sila ng paguu-
sap ni Devon ngunit wala syang ibang maisip na paraan upang makapagusap sila nito tungkol sa magi-ging set up nila sa anak.Isa pa tinapat na nya si Ber-
nard sa kanyang desisyon.Mabait ito maunawain at higit sa lahat ay mahal sya,Hindi ito mahirap mahalin.
Pagtawag nya sa cellphone ay inaasahan na nya ang
sasagot kaya hindi na sya nagulat pa.
"Who's this?"Sagot ng kabilang linya.Nagpakilala sya.
"Bakit ano kailangan mo?"
"Gusto kong makusap si Devon.Nandiyan ba siya?"
pilit nyang kinakalma ang sariling hindi mapikon
sa kausap.
"Sabihin mo na lang sakin at ako na ang magsasabi sa kanya."Anito.
"Paki sabi na lang na tawagan niya agad ako."
May sasabihin pa sana ang babae ngunit binabaan na
nya ito ng telepono.Para syang batang tuwang tuwa
dahil sa pang iinis dito.Diskumpyado sya sa babae kaya maya -maya lamang ay muli nyang tinawagan si Devon .Sumagot naman kaagad ang lalaki.
"Devon Can we talk? I mean may sasabihin kasi akong mahalang bagay sayo."
Pumayag naman ang lalaki at ibinigay nya ang lugar
mamaya upang makapagusap sila.Paglipas ng ilang oras ay parating na sya sa lugar,nauna sya sa lalaki dahil pagdating nya ay wala pa ito.Umorder lang muna sya ng juice habang naghihintay at binuksan ang kanyang ipad upang makita ang iba pa nyang mga kailangang asikasuhin.Maya maya lamang ay may nakita na syang sapatos sa harapan ng lamesa,Narito na ang lalaki.hindi ito nagsasalita nakatingin lamang sa kanya at nagtatanong ang mga mata na wariy naghihintay sa kanyang sasabihin.
First she cleared her throat for her to speak
continously,"Umm,,gusto ko sanang sabihin sayo na itong mga huling araw na mananatili ang bata sa inyo aygusto ko na syang hiramin."
"So?Alam ko na yan ah!" Sagot nito.
"Paano ba niya ipaliliwanag?Mukha kasing wala na
naman sa mood ang lalaki.Mahirap kasi itong kausap mula pa noon."
"Ah kasi'y gusto ko rin sanang sabihin sayo na
napag usapan na namin ni Bernard ang aming kasal at syempre kailangan mong malaman Kung paano ang magigiging set up natin sa bata."Sinabi nya lahat ng kailangan nyang sabihin tungkol sa anak nila at nakasimangot itong nakilkinig sa kanya.
"So????tanong nya."
"So what?? Balik na tanong nito sa kanya.
"Any sugestions?Questions?"
"Nothing.Walang magbabago.Kung ano ang set up natin ngayon ganoon parin."Mukhang wala itong ka kagana gana ngayon.Bakit kaya?kung ano man yon ay pinagpapasalamat na lang nya dahil para syang nakahinga.Sa buong pagsasama kasi nila ay wala itong ginawa kundi kumontra ng kumontra sa kanya. Nagpaalaman na sila pagkatapos nito.nakita nya
itong papalayo sa lugar na 'yon.Nang araw ng lunes ay handa na syang pumunta sa isa sa mga manufacturer nila ng mga construction supplies,balak nyang tingnan kung maayos ba ang pagpapatakbo sa mga ito.
Nakakailang oras pa lamang syang nakaka pag drive
ng nagkaron ng traffic sa Edsa.Eto nanaman.Wala na talagang pag asang magbago ang traffic sa lugar na ito.
Habang naghihintay siya ng pag usad ng mga sasakyan
ay di sinasadyang napatingin siya sa kabilang lane.
Tila isang pamilyar na mukha ang kanyang nakikita. Palibhasa'y hindi gaanong tinted ang salamin isa pay naninigarilyo ang babae kayat bahagyang naka bukas ang bintana ng sasakyan.Upang makasiguro'y ibina-ba niya ng kaunti rin ang kanyang bintana at sumilip do-on.Napakunot ang noo nya ng nakita nya ang babaeng kaharutan ang lalaking nasa manibela at ang babae'y walang dilit iba kundi si Claire.Hindi siya maaring magkamali.Ilang pulgada lang ang layo niya mula rito.
Alam na kaya ito ni Devon? Hindi nya maipagkakama-
li ito sa iba lalo na ang hilatsa ng mukha ng babae at ang buhok nito at dahil bago bumaba ang salamin ay
nakita nya pa itong nakipaghalikan sa lalaking katabi. Napaawang ang bibig ni Rebeca sa hindi inaasahang tagpo.Paano'y itang kita nya dahil talagang kandahaba ang kanyang leeg sa pagtanaw sa mga ito. Kaya ba wa-lang gana ang si Devon nung isang araw sa pakikipag usap sa kanya dahil may nangyayaring ganito?.
Sasabihin kaya nya?O alam na ng lalaki?Imposible!!Dahil kilala nya si devon.Kung alam man nito ang mga nangyayari'y alam nyang hindi ito mananahimik ng ganon-ganon nalang.May nakakaligtas ba kay Devon?Parang lahat yata ng mga taong involve dito ay alam nito kung ano ang nangyayari sa paligid ng niya.
Ah,maige pang 'wag nalang nyang sabihin sigurado
naman syang malalaman yon ng lalaki. Isa pa,mahirap makielam sa mga ganitong sitwasyon.Paano kung ba-ligtarin pa sya ng babaeng intrimitida at sabihing nagsisinungaling sya?Baka bandang huli'y siya pa ang lalabas na masama.At kung sa pagitan nila ng babaeng iyon ay sino sa palagay niya ang higut na paniniwalaan sa kanilang dalawa ni Claire?Baka nga sabihin pa ng babae na may motibo siya sa gagawin niya.Nungka!
At paano nga kung nalaman nito?Ano kaya ang gagawin ng lalaki?Tiyak niyang malaking gulo pag nagkataon.Makukuha kaya nitong iwan ang babae,kung sa pangalawang pagkakataon ay niloko muli siya ni Claire?Nakaramdam din siya ng pagkaawa
ngayon kay Devon.Sapat na ang isang beses na pasakit ngunit ang pangalawa?Ngunit paano kung alam na nito?Ano ang ginagawa ng lalaki at nagpapatuloy ang gayon?Ano ang maitim na pinaplano nito?At bakit hinahayaan?Sumakit ang ulo ni Rebeca kakaisip.Ma-buti pa yatang hindi na niya nalaman ang istorya sa likod ng pagiging ganon ni Devon at sana'y hindi na sa
kanya pa ipinakita ang ganoong tagpo.Siya tuloy ang nagdadala.
At nagdesisyon syang manahimik nalang.
Magulo ngayon ang isipan ni Devon.Samut-sari ang tumatakbo sa isip.Hindi lingid sa kaalaman niya na hindi siya nag iisa sa buhay ng kanyang kasintahan.
Alam niya ang nangyayari!May nalilingid ba sa kanya?Ngunit hindi niya alam kung bakit tila walang dating iyon.Kung siya ang dating Devon baka napatay niya ang lalaki nito at Iwan na ng tuluyan ang babae.Alam niyang may nag iba na sa kanya!Saka hindi na mahalaga sa kanya kung ano ang motibo ng dating kasintahan kung bakit pa siya binalikan nito.Taliwalas sa inaasahan niya lahat ang nangyayari ngayon.Isa lang ang gumugulo sa isip niya ngayon.Si Rebeca!Makapapayag ba siya na ito naman ang mang iwan sa kanya?Bakit nuong tinakasan siya nito sa kanilang kasal ay hindi parehas ang naramdaman niya kay Claire.At kung mauulit muli iyon at si Rebeca naman ang gagawa,iniisip niya palang ay para na niyang gustong pumatay?Iyon ba ang nagpapagulo sa isip niya?Ang hindi siya makapag desisyon?