Chapter 21: Reminiscence the past INIHINTO ko ang sasakyan ko sa tapat ng malaking mansion. Hindi pa man ako nakapapasok ay bumigat na ang dibdib ko. My hands are shaking. This is our home... I got out from my car and slowly walked towards the gate. I closed my eyes and I felt the familiar atmosphere, and after that I opened my eyes. Nakikita ko ang isang bahagi ng memoryang ito. Tandang-tanda ko na ngayon. “Hindi mo naman ako kailangang ihatid at susunduin pa. I have my car, hon. Kaya ko naman ang sarili ko, ah. Mas mapapalayo ka lang kapag ginawa mo pa ‘to,” sabi ng asawa ko. Gusto ko naman kasing gawin ito. Ang ihatid siya sa school na pinagtuturuan niya tapos pagkauwi ko naman galing sa kompanya ko ay susunduin ko siya para sabay na kaming uuwi. May mga pagkakataon din na hindi k

