Chapter 20: Revenge WHEN I woke up, sila agad ang hinanap ko, tinanong ko na agad sila kung nasaan na ba ang mag-iina ko pero walang sumagot sa akin. Kundi ang pag-iling lamang nila. “N-Nasaan na sila, Jaydel?” Nag-iwas nang tingin sa akin si Jaydel. Halatang ayaw niya rin akong sagutin. “N-Nasaan na sila? Nasaan na? N-Nasaan na ang mag-iina ko?!” sigaw ko pa dahil ayaw nila akong sagutin. I closed my eyes with irritation. I removed my IV, bumangon din ako sa hospital bed at doon lang sila kumilos. Poirier and Oriphyn locked my arms but I protested. “Let me go! Ako ang hahanap sa kanila! Sa halip na hanapin sila ay bakit nandito pa rin ako sa hospital na ito?! Bakit wala kayong ginawa?!” “Gago ‘to. Ang hina-hina na ng katawan pero nagagawa pa rin niyang magwala,” komento ni Wooben. “Ano

