CHAPTER 19

3278 Words
Chapter 19: Gone & chasing “SIR Lucas! Ayos lang po ba kayo?!” nag-aalalang tanong sa akin ni Des nang makitang nakasalampak na ako sa sahig. Dalawang parte ng katawan ko ang masakit. Ang ulo ko at pati na rin ang puso ko pero mas masakit ito. Mas masakit ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung paanong buburahin ang kirot nito. Ang batang iyon ba... “Sino? S-Sino u-ulit ang batang iyon, Des?” I asked him. “A-Ang sabi po sa akin ni Ma’am Bythesea ay sasabihin ko na po sa inyo kung sino ang mga kasama niya...” Kung ganoon... Pinipigilan niya lang ang sarili niya na sabihin sa akin ang totoo? Ang tungkol sa mga bata? “S-Sino nga? B-Bakit... Bakit nakita ko ang batang lalaki na iyon? S-Sino ang mga kasama ni Bythesea ngayon? Sino sila? B-Bakit... Bakit hindi ko sila kilala? Bakit ko man lang sila maalala, Des? Sino ba sila?!” sigaw ko at naghalo-halo ang emosyon na nararamdaman ko sa mga oras ito. Bigla namang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Bythesea sa akin noon. “Lucas... M-Mahal kita... Mahal na mahal kita, p-please... H-Huwag mong gawin ‘to sa akin... Huwag m-mo n-namang gawin ito sa akin... M-Matagal ka n-naming h-hinanap... H-Hindi mo a-alam... H-Hindi mo alam ang s-sakit na m-malaman ko na w-wala ka na! Lucas... H-Hinahanap ka na ni Louie Zhi...” Si Louie Zhi... “I-Ipakilala ko na sa ‘yo si Daphne Ahlala... Lucas...” D-Daphne Ahlala? Ang dalawang bata ba iyon ang nagmamay-ari ng mga pangalang iyon? “Hindi. Hindi ko naman kilala ang mga taong tinutukoy mo at wala akong pakialam sa kanila. Hindi ko sila gustong makilala pa at hindi ako interesado.” At iyon lang ang mga sinabi ko sa kanya. Na hindi ko naman kilala ang tinutukoy niya at nasabi ko pa na wala akong pakialam. “Asawa mo?! Asawa mo ang babaeng ‘yan?! Si Bythesea lang ang asawa mo, Lucas! Siya lang!” “Hindi, Lucas. Hindi ang babaeng ‘yan ang sisira ng pamilya mo. Hindi ko hahayaan... Kung si Bythesea ay may mawawala man at kung ikaw iyon? At kung ikaw man iyon ay walang-wala ang yaman mo, ang kompanya mo at ang buhay mo sa isang bagay...na mawawala rin sa ‘yo. Hindi baleng mawala kami sa ‘yo, si Dad at Mom. Huwag si Bythesea na siya lang din ang makakapag-decide na iwanan ka na nga ng tuluyan. Lucas... Buksan mo sana ang isip at mga mata mo... Dahil malakas ang kutob ko na pagsisisihan mo ang mga ginawa mong ito, habangbuhay hihingi ka ng kapatawaran kay Bythesea. Kung kami man na matatanggap ka, puwes hindi siya...” “Alalahanin mo ang sinabi ng ate mo, Lucas. Hindi kami susugod dito para lang sa wala. Hindi kami sumugod dito para ipaghiganti lang ang ginawa niyo kay Bythesea. Nandito kami... Nandito kami para ipaalala sa ‘yo na kapag hinayaan mo itong mangyari at kapag ipinagpatuloy mo pa rin. Maraming mawawala sa ‘yo na hindi mo kayang ibalik gamit lang ang pera o koneksyon mo. Nandito kami, nandito kami para protektahan ang mayroon ka at ipaalala sa ‘yo ang karapatan mo sa dalawang buhay na iniingatan ngayon ni Bythesea.” “Lucas... Tandaan mo ang sinabi namin sa ‘yo. Maraming mawawala sa ‘yo.” “Lucas... Tandaan mo ang sinabi namin sa ‘yo. Maraming mawawala sa ‘yo.” Iyon naman ang babala sa akin ng kapatid ko. “Nandito kami, nandito kami para protektahan ang mayroon ka at ipaalala sa ‘yo ang karapatan mo sa dalawang buhay na iniingatan ngayon ni Bythesea.” Ang buhay ba ng dalawang batang kasama niya ang tinutukoy niya? Iyon ba? Sila nga ba talaga? “G-Gusto ko lang po...malaman ang pangalan niyo, k-kuya...” “Bakit? Bakit mo gustong malaman ang pangalan ko?” “K-Kasi po... Kasi po kamukha niyo... K-Kamukha po niyo ang D-Daddy ko...” “N-Nasaan? Nasaan na ba ang Daddy mo? At bakit mo siya hinahanap?” “Hindi pa po siya umuuwi pero...pero... hinihintay pa po namin siya... Hinihintay po namin ni Daphne ang pagbabalik niya.” “Eberjey Lucas Dankworth ang pangalan ko.” “Pasensiya na po sa abala...” “Sina Louie Zhi at Daphne Ahlala po ang kasama ni Ma’am Bythesea. Bago po kayo nawala ay nasa edad tatlong taon pa lamang si LZ at si Daphne naman po... pinagbubuntis pa lamang siya ng kanyang ina...” Three years old... He’s just three years old when I was gone, and now...he’s five or six years old and Daphne Ahlala, kung pinagbubuntis pa siya ng Mommy niya ay one year old pa lamang siya ngayon. “Kailangan nating putulin ang kung ano mang koneksyon natin sa isa’t isa, Bythesea. Hindi sasama sa akin ang asawa ko kapag hindi mo ibibigay sa akin ang kalayaan ko at hindi ako babalik sa Manila, hindi rin ako sasama sa ‘yo kapag hindi mo ako pinagbigyan sa kondisyon ko. Mahal ko ang asawa ko at hindi ko siya puwedeng iwan dito... Hindi ko kaya iyon...” Isa ito sa masasakit na salitang nasabi ko sa kanya. “Iyon lang... That’s my only condition, Bythesea. Kung kaya mong ibigay iyon sa akin...ay hindi na ako magdadalawang isip pa na sumama na ako sa ‘yo sa Manila, and of course with my wife...” Paano ko nasabi sa kanya ang mga bagay na iyon? “Hindi mo alam ang sinasabi mo, Lucas. Sabihin mo sa akin, Lucas. Siya ba? Siya ba ang nagsabi niyan sa ‘yo? Hahayaan ka niyang bumalik pero kasama siya at ang kapalit naman ng pagsama niya sa ‘yo ay ang utusan ka rin na tuluyang putulin ang relasyon natin. H-Hindi mo alam ang mga sinasabi mo, Lucas. Hindi mo alam na hindi lang ako ang maapektuhan sa pinili mong desisyon! Hindi lang ako...” “Pero iyon lang ang paraan para bumalik ako.” “B-Babalik ka nga pero hindi na para sa akin.” Kaya ba ayaw niyang makipaghiwalay sa akin dahil doon? Kaya ayaw niyang putulin ang kung ano mang koneksyon namin dahil lang sa mga bata? “At...ako... Ako ba ang ama nila?” “Sir...” Hindi pa man nakasasagot sa akin si Des ay nagmamadali na akong tumayo. Hinarap ko pa ang nakasarang elevator. Kung hindi lang ako nagulat sa nakita ko kanina ay may sapat na oras pa sana akong...pigilan ang tuluyang pagsara no’n. Pero wala... Wala man lang akong ginawa. Hinayaan ko lang iyon na magsara. Dalawang elevator lang ang mayroon sa floor ko at ilang beses kong pinindot ito para lang bumukas. Pasulyap-sulyap pa ako kung nakarating na ba sa baba ang elevator kung saan nakasakay naman sila. “Des. Sabihin mo ang security sa ibaba na huwag silang palalabasin ng building!” sigaw ko at nang bumukas na nga ito ay agad na akong sumakay. Hindi ako mapakali sa loob dahil pakiramdam ko ay hindi ko na sila maaabutan pa kahit ano pa ang gawin ko. Pagkabukas lang nito ay agad na akong lumabas at hinahanap ng mga mata ko sina Bythesea at ang kasama pa niyang dalawang bata. Sa laki ng kompanya ko at iilan na mga empleyado ang nasa paligid ay mahihirapan pa akong hanapin sila. Halos umikot ang tingin ko sa loob para lang mahanap sila. Naguguluhan na rin ang iba nang makita ang pagtakbo ko at tila natataranta. Napahinto naman ako nang makita ko siya... Naglalakad na sila patungo sa exit kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na takbuhin ang distansya nila mula sa akin pero hindi pa rin ako nakaabot. Nakita ko lang na pasakay na sila sa isang sasakyan at may kasama pa silang isang babae. “Bythesea! Bythesea!” sigaw ko sa pangalan niya. Sa layo nga ng direksyon ko ay hindi niya ako naririnig. Kahit ang sasakyan ay hindi ko na rin naabutan pa kaya luminga-linga pa ako para lang makahanap ng sasakyan at `saktong may huminto na isang pamilyar na BMW. “Jaydel,” I uttered his name. Alam kong sa kaibigan ko ang kotseng ito kaya nilapitan ko at kinatok ang bintana nito saka ko binuksan ang pinto. “What the hell, Lucas?” “Sundan mo. Sundan mo ang kotseng iyon, Jaydel!” sigaw ko sabay tapik nang malakas sa balikat niya na ikinangiwi pa niya. “Ano?” naguguluhan na tanong niya sa akin. Hindi ito ang tamang oras na magtanong sa akin. May dapat kaming habulin ngayon! “Sundan mo na lang ang sasakyang iyon bago pa sila makalayo! Sige na, paandarin mo na lang!” asik ko sa kanya at wala na nga siyang nagawa pa kundi ang sundin ang inuutos ko. “Bakit hindi mo sinabi sa amin ang plano mo, Lucas?” malamig na tanong nito sa akin. Tiningnan ko siya. “Ano? Ano’ng pinagsasabi mong plano ko?” kunot-noong tanong ko at ibinalik ko pa rin ang tingin ko sa kotseng lumalayo na nga. Kailangan ko silang maabutan ngayon. Hindi puwedeng hindi, dahil malakas ang kutob ko na ngayon... Ngayon na ang huling pagkikita namin at kapag nangyari iyon ay hindi ko na mapapatawad pa ang sarili ko. Kung mauuwi sa wala ang mga plano at sakripisyo ko ay sinayang ko lang ang mga paghihirap ko at kung ang kapalit din nito na mawawala sila ay parang gusto ko na lamang maglaho sa mundong ito. “Ang plano mong sampahan ng kaso ang magkapatid na Caberte. Kung sinabi mo sa akin ang mga iyon ay sana ang parehong ebidensiyang nakuha natin ay magiging sapat na para ihain na sa korte pero naglihim ka pa rin sa amin. Kung nakipagtulungan ka pa rin sa amin ay hindi na sana aabutin pa ng ganitong katagal at nagawa mo pang saktan si Bythesea. Dahil lang sa babaeng iyon. Kung puwede ko lang sabihin sa ‘yo ang totoo ay ginawa ko na sana. Ang dali-dali lang sabihin sa ‘yo ang mga bagay na iyon, Lucas. Pero ewan... Parang hindi rin sang-ayon ang tadhana na malaman mo ang lahat ng katotohanan. Kaya maghanda ka na sa consequence na haharapin mo ngayong araw at sa mga susunod pa,” mahabang sabi nito. Hindi na ako nagtanong pa kung sino ang nagsabi sa kanya tungkol sa plano ko o kung paano ba niya nalaman ito. Ang mahalaga sa akin ngayon ay maabutan ko sila. At wala na rin akong pakialam pa tungkol sa consequence dahil noong nagplano ako ay hindi ko rin naisip iyon. “P-Pakibilisan mo na lamang ang sasakyan mo, Jay. Saka na tayo mag-uusap,” sabi ko. “Nagsimula na sina Cleneghan at alam kong inaaresto na nila ngayon ang dalawa.” “Gawin niyo na ang gusto niyo sa magkapatid na iyon. Wala na akong pakialam pa, basta bilisan mo lang ang pagmamaneho mo dahil mas lumalayo na sila! Ni hindi ko na makita pa ang kotse nila!” sigaw ko at mahigpit na kumuyom ang kamao ko. Nag-iinit ang sulok ng mga mata ko. Hindi...hindi dapat iyon mawala. “Sino ba...sino ba kasi ang sinusundan natin ngayon! Sabihin mo sa akin para alam ko!” asik nito sa akin sabay hampas sa manibela niya. “Ang mag-iina ko... Kasama nila ang isang babae... Kailangan natin silang sundan ngayon!” mahinang sagot ko at bigla niyang inihinto ang kotse niya. “Ano’ng ginagawa mo?! Why did you stop the car, Jaydel?!” pagalit na sigaw ko at hinawakan ko pa ang kuwelyo ng damit niya. “Umalis ka na lang diyan at ako na ang magmamaneho!” “Kung sinasabi mo na may kasama silang isang babae... There’s no doubt that she’s my wife at wala kang magagawa kundi ang hayaan sila na umalis ngayon, Lucas,” mariin na saad niya. “Your wife? Saan naman niya dadalhin ang mag-iina ko? Tawagan mo, Jay. Tawagan mo siya...at pabalikin mo sila ngayon!” “Malaki ang galit sa ‘yo ni Elysian at kapag plano niyang ilayo sa ‘yo ang mag-iina mo ay wala kang magagawa, Lucas. Hindi mo makikiusapan ngayon ang asawa ko,” sabi niya pero umiling ako. “Bakit? Bakit ko iyon hahayaan kung puwede ko naman siyang pigilan sa plano niya?” walang emosyon na tanong ko. “Kung pipilitin mo siya ay lalo mo lang sila na hindi makikita pa. Kilala mo si Elysian, ganito rin ang ginawa niya sa asawa ng mga kaibigan natin.” “Sino ba ang nagbigay ng idea sa kanya? Hindi ba ikaw iyon?” laban ko sa kanya. “Bakit ako ang sinisisi mo? Matagal na iyon! Tatawagan ko na nga lang ang iba.” “Si Elysian ang tawagan mo,” mariin na utos ko. Sinamaan pa niya ako nang tingin saka siya nagmaniobra ulit at may earphone na siyang suot. “Wala. Hindi ko ma-contact ang asawa ko.” Mariin na napapikit ako. Malamang sinadya iyon ni Elysian. “Zuresh, puwede mo bang i-locate ngayon ang whereabouts ng asawa ko? Kasama niya ngayon sina Bythesea. Pinapahanap ng mapagpanggap diyan. Oo... Nakarma na nga. Sabihan mo na rin ang isa na magpunta sa bahay nila dahil baka nandoon sila.” Sa halip na sundan nga sila ay bumalik lang kami sa kompanya dahil ang sabi niya ay ang mga kaibigan na namin ang bahala pero sa pagbabalik ko ay siya namang pagbigay sa akin ni Des ng isang folder at may naghihintay na agad sa akin na attorney. Kung sa umpisa pa lang ay naguguluhan ako dahil bakit ako dinalaw nito ay parang wala lang sa akin ngunit ng malaman ko ang dahilan ay nagsimulang uminit ang ulo ko. “Ano ‘to?” I asked him. “Buksan niyo po, Sir,” sabi nito sa akin at ang makita lang ang folder na ito ay masama na agad ang kutob ko. Kaya hindi na ako nag-aksaya pa nang oras ay binuksan ko na ito at tiningnan ang laman. Pero parang mabibitak ang ulo ko nang mabasa ko ang nakasulat sa papel. Hindi ako sigurado kung alin sa dalawang parte ng katawan ko ang mauunang mahahati, ang ulo ko ba o ang puso ko. Bythesea Edevane-Dankworth... Right from the start, dala-dala na pala niya ang pangalan ng pamilya ko kaya parang dinaganan lang ng malaking bato ang dibdib ko. Wala akong alam... Wala akong alam tungkol sa mahalagang bagay na ito. Wala rin akong naaalala... Divorce paper... Hindi ako nagdalawang isip na punutin ang papel na ito at sinama ko pa ang folder na hawak ko. Nandidilim na ang paningin ko at parang mawawalan na ako nang malay ng wala sa oras pero hindi ako makakapayag sa bagay na ito. Hindi ko hahayaan na mangyari ito. Wala pa... Wala pa akong nagawa kaya hindi ito puwede. “Mr. Dankworth...” “Umalis ka na, Attorney. Hindi ako nakikipaghiwalay sa asawa ko! Umalis ka na ngayon din!” sigaw ko sa kanya at dahil sa pagkabigla niya ay napaatras pa siya. “Mr. Dankworth...” “Sariling desisyon niya ‘to at kahit siya pa ang kaharap ko ngayon ay hindi ko pipirmahan ang divorce paper na `yan!” sigaw ko na halos maputol ang litid ng ugat sa leeg ko. “Pasensya na po. Umalis na muna kayo, Attorney.” Pasalampak na umupo ako sa couch. Dahil sa nararamdaman na frustrated ay halos sabunutan ko na rin ang buhok ko. “H-Hindi naman ito... Hindi ito ang gusto ko...” “Lucas...” “K-Kung alam ko lang... Kung may naaalala lang ako tungkol doon ay sana sinabi ko na sa kanya ang plano ko! Sana sinabi ko na ang lahat-lahat at hindi na sana kami aabot pa sa puntong ito! Kung alam ko lang na ganito pala ang mangyayari ay sana...ay sana hindi ko na siya... pinagtabuyan pa, Jaydel... S-Sana...hindi ko na lang ipinakita at ipinaramdam sa kanya na h-hindi ko na siya mahal... S-Sana...” I stood up from my chair at malakas na sinipa ko ang center table. “AHHH!” Ako lang...ako lang ang dapat na sisihin. Ako ang nag-umpisa ng pasakit na ito at kung hindi ko man sila makikita ulit...ay dapat ko lang pagbayaran ang lahat ng ito. Dapat ko lang maramdaman ang mga sakit na ito. Dahil ako... dahil ako naman ang may kagagawan ng lahat ng ito... Paano ko nasasabi ang mga katagang asawa ko si Nenina gayong...siya naman ang totoong asawa ko? Paano ko nasasabi ang lahat ng iyon at pinagtatanggol ko pa sa harapan niya. Ilang beses na sinabi kong mahal ko ang asawa ko gayong siya... Siya naman pala talaga ang babaeng dinala ko sa altar at pinakasalan... Sumasakit ang ulo ko dahil may mga imahe na ang sunod-sunod na lumitaw sa isip ko at sa dami no’n ay hindi ko nakakayanan. Nakabibingi ang mga boses na naririnig ko. “You need to be calm down, Lucas. Ano ka ba?! Bakit nagkakaganyan ka?!” sigaw sa akin ni Jaydel at marahas na inalog ang katawan ko pero paunti-unting nawawala ang kanyang boses. Ni hindi ko na siya marinig pa. At hindi na rin siya malinaw sa paningin ko. Bumigat ang talukap ng mga mata ko. Mariin na pinikit ko ang mga mata ko na unti-unting tumulo na rin ang luha dahil malinaw ko nang nakikita ang mga nawawala kong alaala. Simula nang...lumuhod ako sa harapan ni Bythesea para hingin ang kanyang kamay. Noong mga panahon na naghihintay ako sa kanya sa altar at kitang-kita ko ang paglalakad niya patungo sa akin. Kasama niya...kasama niya ang parents niya. Sunod-sunod na ang pagpatak ng mga luha ko nang sabihin ng priest na mag-asawa na kami. Ang lahat ng iyon, nakikita ko ang sarili ko na bukas ng kasiyahan ang mukha ko at maging siya rin. Sunod na eksena ang nakita ko ay noong... pinagbubuntis pa lamang niya si...ang aming anak. Hanggang sa... hanggang sa nanganak siya at nagsilang ng isang batang lalaki... Ako... Ako pa ang nagbigay ng pangalan ng anak namin at Louie Zhi, iyon ang pangalan niya na madalas naming tawagin na LZ. “G-Gusto ko lang po...malaman ang pangalan niyo, k-kuya...” “Bakit? Bakit mo gustong malaman ang pangalan ko?” “K-Kasi po... Kasi po kamukha niyo... K-Kamukha po niyo ang D-Daddy ko...” “N-Nasaan? Nasaan na ba ang Daddy mo? At bakit mo siya hinahanap?” “Hindi pa po siya umuuwi pero...pero... hinihintay pa po namin siya... Hinihintay po namin ni Daphne ang pagbabalik niya.” “Eberjey Lucas Dankworth ang pangalan ko.” “Pasensiya na po sa abala...” Nakita niya ako...naaalala niya ako kahit dalawang taon akong nawala. Nakita niya...alam niyang ako ang daddy niya. Siya...siya ang batang lalaki na nakita ko sa shop ng araw na iyon at siya lang...ang panganay na anak ko at hindi ko man lang siya nakilala. Ni hindi ko siya naalala... Wala akong ginawa... Wala akong ginawa kundi ang sariling kapakanan ko lang... That I was eager to find that medicine and evidence para lamang makawala ako kay Nenina pero any kapalit lang pala nito ay ang mawawala sila sa akin? “Lucas!” Nagbalik ang diwa ko at naririnig ko na nagkakagulo na sa paligid ko pero hindi ko na kayang imulat pa ang mga mata ko. Nararamdaman ko ang pamamasa ng magkabilang pisngi ko dahil iyon sa mga luha ko. Lumitaw na naman sa isip ko ang eksenang nakita ko sila kanina sa elevator. Ang batang babae na iyon...ni hindi ko man lang nakita ng malinaw ang mukha niya. Ni hindi ko man lang siya nahawakan at mas lalong hindi ko siya kilala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD