CHAPTER 13

2678 Words
Chapter 13: The truth (Nermiza Caberte) “ANG ganda ng babaeng iyon pero masama pa rin ang kutob ko sa kanya. Hindi ko gusto ang aura niya, ang presensiya niya at ang lahat mismo ng pagkatakot niya. Hinding-hindi ko siya magugustuhan,” sambit ni Ate Marylyn at tiningnan ko naman si Ate Civana. Nilingon pa niya ako. “Mahilig akong mangilatis ng mukha ng tao, Bythesea. Pero ang isang iyon? Napakaperpekto ng mukha niya pero...alam kong hindi iyon ang totoo niyang mukha,” sabi niya at naguluhan naman ako. Iyon din ang mga nakikita ni Dewy. Na hindi totoo ang mukha nito na parang nagpa-plastic surgery siya? “Paanong hindi niya iyon totoong mukha, Civana?” interesadong tanong ni Ate Marylyn. “She’s just a fake. Her face, everything about her and also her attitude. Dalawang beses ko lang siya sinampal at hindi pa gaano kalakas ang pagsabunot ko sa buhok niya ay grabeng reaction na ang ginawa niya. Kaya ang lahat ng iyon alam ko rin na acting niya lamang. Sigurado ako ro’n, Marylyn. Ano nga ulit ang pangalan ng impaktang iyon, Bythe?” “Nenina po, Ate,” sagot ko agad. “Nenina? Ang pangit ng pangalan. Mukhang hindi pinag-isipan ng mga magulang niya. Napakasimple.” “Bad ‘yan, Civana. Magdahan-dahan ka nga sa pananalita mong babae ka,” sita naman ni Ate Marylyn. “Oh... Speaking of that wicked girl. Kung ginagamit sana ni Lucas ang cards niya, sorry sa sabihin ko, Bythesea, ah? Pero walang kahit ni isang piso ang nabawas sa pera niya. You know that, right? I was confused, saan nakakuha ng malaking halaga ang babaeng iyon para mag-under plastic surgery?” Iyon ang mga katagang sinabi ni Dewana. Nasabi nga niya iyon. “Mahilig akong mangilatis ng mukha ng tao, Bythesea. Pero ang isang iyon? Napakaperpekto ng mukha niya pero...alam kong hindi iyon ang totoo niyang mukha,” “Paanong hindi niya iyon totoong mukha, Civana?” “She’s just a fake. Her face, everything about her and also her attitude. Dalawang beses ko lang siya sinampal at hindi pa gaano kalakas ang pagsabunot ko sa buhok niya ay grabeng reaction na ang ginawa niya. Kaya ang lahat ng iyon alam ko rin na acting niya lamang. Sigurado ako ro’n, Marylyn. Ano nga ulit ang pangalan ng impaktang iyon, Bythe?” Napahinto ako sa paglalakad at pilit ko namang inaalala ang mukha ni Nenina, ang pamilyar niyang boses. Ang built ng katawan niya. Ang sabi nito o base pa lamang sa mga ipinapakita nila sa akin doon sa malayong lugar ay isang mahirap na mamamayan lang sila. Na tanging ang mga pananim lang nila na...pero ang lambot ng kamay ni Nenina. Parang hindi siya sanay na gumawa ng trabahong mabibigat at hindi iyon kaya ng payat niyang pangangatawan. Bumalik ako sa pag-aalala ng boses niya, napakapamilyar nito sa akin at alam kong narinig ko na iyon. Hindi ko lang talaga maalala dahil ang mukha niya ay hindi naman ako pamilyar. Sigurado ako na bago pa lang sa aking paningin ang mukha niya. Malakas din ang kutob ko na nagkita na kami. Ang unang pagkikita namin ay hindi roon ang unang beses. “May problema ba, Bythesea?” nag-aalalang tanong sa akin ni Ate Civana. Umiling ako. “Bakit ka huminto sa paglalakad at nanahimik ka agad?” “Nag-iimbestiga po ngayon sina Jaydel at pupuntahan ko po sila kung may update na ba sila sa nangyayari kay Lucas,” sabi ko at pareho naman silang tumango. Hindi na ako sumama pa sa kanila at sumakay lang ako ng taxi. Nagpahatid ako sa kompanya ni Jaydel. Sana may nakalap na silang impormasyon. Alam kong kasama nilang pinaiimbestigahan ang babaeng iyon. Nang makarating na nga ako sa working place ni Jaydel ay si Elysian naman ang sumalubong sa akin. “Bythesea! Oh, my gosh! Pupuntahan pa lamang kita pero nandito ka na pala agad,” sabi nito sa akin at bigla naman akong niyakap. Hinagod pa niya ang likod ko na parang inaalo pa ako. “Kumpara sa ginawa ng asawa ko noon sa akin ay walang-wala ang sakit na nararanasan mo ngayon. But we’re still here, Bythe... Hindi ka namin iiwan. Mamatay man si Lucas.” “Elysian,” nambabanta na sambit ko sa pangalan niya, and she just laughed. “Let’s get inside. Naghihintay na sa loob ang mga lalaki. May update na sila tungkol sa nangyari sa asawa mo,” sabi pa nito at sabay na kaming pumasok sa loob. Tama nga si Elysian na naghihintay na ang mga lalaki sa loob. Kanya-kanya silang puwesto. Nakagugulat pa rin ang makita silang lahat dito sa loob ng office ni Jaydel. Mabuti na lamang ay malaki ito kaya magkakasya ang higit sa sampung kataong mga lalaking ito. Kompleto talaga silang lahat, walang absent. “Bythesea, hi.” I just smiled at them. Halos sabay-sabay pa nilang batiin ako. “Bakit nandito kayong lahat? Hindi ba kayo busy ngayon sa trabaho niyo?” tanong ko sa kanilang lahat. “Busy pero puwede namang ipagliban,” sagot ni Ladonio. Na sinang-ayunan naman ng lahat. Tiningnan ko naman si Jaydel na kunot-noong nakatingin sa isang folder at nakaupo lang siya sa swivel chair niya. Nasa visitor’s chair naman niya sina Cleneghan at Recinos. “Hon, nandito na si Bythesea.” Nag-angat nang tingin si Jaydel at ngumiti siya sa nang makita ako. Mukhang problemado siya pero nagawa pa rin niya akong ngitian. “Dito ka umupo, Bythesea.” Umalis sa pagkakaupo niya si Recinos para lang din paupuin ako roon. Maging si Cleneghan ay ganoon din ang ginawa niya. Ni hindi pa siya nakakapagsalita ay mabilis nang umupo si Elysian. “I’m sorry, Bythe. Hindi ko napigilan si Lucas na bumalik sa Manila na kasama ang babaeng iyon,” paliwanag ni Jaydel at mukhang guilty pa siya sa nangyari. I shook my head dahil hindi ako agree sa sinabi niya. “Desisyon ‘yon ni Lucas, Jaydel. Wala kang kasalanan,” sabi ko at bumuntong-hininga lamang siya. “Ayon sa nakalap na impormasyon ni Zuresh ay hindi naman ikinasal ang dalawa. Tiningnan na rin niya kung may marriage certificate ba ang mga ito sa lugar na iyon pero wala,” Oriphyn stated. “But the worts is hindi kasama si Lucas sa paglubog ng barko at hindi rin aksidente ang nangyari dahil sinadyang sunugin at may mga tao ang nasa likod nito,” ani Zuresh. Seryoso ang ekspresyon ng mukha niya dahil hindi niya inaasahan na ganoon nga ang mangyayari. “Kung ganoon, nasaan sa mga oras na iyon si Lucas? Paanong nawala siya?” nagtatakang tanong ni Elysian. Maski ako ay ganoon din ang naisip na itanong. “Walang hospital sa lugar na iyon at sinubukan ko na ring maghanap ng medical records nila kung may Eberjey Lucas Dankworth ba ang naka-confine sa hospital the past two years pero wala. Hindi puwedeng sekreto rin ang pasyente nila,” umiiling na paliwanag pa niya. “Paano mo pala nakuha ang medical records ng mga pasyente sa iba’t ibang hospital?” curious na tanong ko. Dahil sa pagkakaalam ko ay confidential ang mga medical records ng pasyente sa hospital. “With the help of Azy. Ginamit niya ng koneksyon niya.” I glanced at Azymeir. Kumindat lang siya sa akin at hindi nagsalita. “O baka ginamitan mo ng charismatic mo ang babaeng nasa desk information?” tanong naman ni Elysian at tinaasan pa niya ito ng kilay. “Nasa matinong pag-iisip pa ako, Elysian. Kung gagawin ko iyon ay alam mo ang mangyayari at gagawin sa akin ni Susan,” nakangiwing sabi nito. Susan Montemayor is his wife. “Buti alam mo,” masungit na sabi pa niya at inirapan niya ito. “Balik tayo kay Lucas. Hayon nga, Bythe. Bago kami umalis ni Poirier ay naiwan ng mag-isa roon si Lucas at mauuna na lamang daw siya pero... May mga nakita rin kami sa CCTV footage na ilang minuto lang kaming umalis ay sumunod naman siya pero hindi naman siya mukhang nagmamadali sa umpisa, and this...” Iniharap naman niya sa akin ang nakabukas niyang laptop at lumitaw roon ang pamilyar na sasakyan ng asawa ko. Paalis na nga siya mula sa daungan. Pamilyar ang daan na tinatahak niya. “S-Saan ba ang punta niya? Pauwi na ba siya? Pero bakit...ang bilis na ng pagmamaneho niya?” naguguluhan kong tanong. Kung kanina ay parang normal drive lang ang ginagawa niya pero mayamaya lang ay bumibilis na ito na tila may natanggap siyang emergency at kailangan na niyang makarating agad, sa kung saan man siya pupunta. “Hindi natin puwedeng paghinalaan ang amnesia ni Lucas. I already check his pulse, Bythesea at sinubukan ko na rin siyang kausapin tungkol sa pagpapa-check niya para sigurado tayo na walang impeksyon ang nangyaring aksidente sa kanya,” sabi ni Joavani and I nodded my head. “Heto pa ang nakuha naming mahalagang impormasyon. Ang asawa ko ang kumuha nito. Baka...kilala mo ang totoong pagkatao ni Nenina. Nahirapan kaming hanapin ang real identity niya but with the help of Dewana ay ang medical records ng isang plastic surgery naman niya ang nahanap at mapapatunayan iyon ng plastic surgeon nito,” Cleneghan blurted out and he handed me a folder. Mabilis kong kinuha iyon at tiningnan ang laman nito. “Baka rin kilala mo dahil dati siyang nag-volunteer sa school na pinagtuturuan mo, Bythesea,” ani Poirier. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Parang natatakot ako na may malalaman nga ako tungkol sa pagkat ni Nenina pero kailangan kong tatagan ang sarili ko para malaman ko na ang katotohanan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang pamilyar na mukha nito, na nasa biodata mismo at ang mga pangalan niya. “Hindi nga nagkamali ang asawa ko sa mga nakita niyang mukha nito.” “Si... Nermiza... Nermiza Caberte... Kilala ko nga siya. S-Siya ang bagong teacher namin sa school pero n-nag-resign din siya agad. Hindi namin alam ang dahilan pero... Paanong nangyari... Paanong nangyaring nagpa-plastic surgery siya? Walang mali sa mukha niya, ang mga estudyante ay halos mahumaling na rin sa kanya pero...paanong...” Nakakapagtaka talaga. “Isa na ‘yan sa ebidensiya na ihahain natin sa kasong pagtatago niya kay Lucas ng dalawang taon at hindi niya ito pinagamot. Isa na lang ang hahanapan namin ng impormasyon, kung paano nila naitago ng ganoong katagal si Lucas. Na kung paanong nawala ang alaala nito at sa paanong paraan siyang naaksidente. Sa ngayon, Bythesea. Huwag ka munang magpapahata na may nalalaman ka na. Hindi pa natin alam kung may mga kasamahan ba siya. Dahil baka mapahamak lalo ang asawa mo,” mahabang wika naman ni Jaydel. “Hindi niya ito kayang planuhin ng mag-isa lang. Kasi bakit siya nagpa-plastic surgery? Para saan iyon? May mukha naman siya, oo maganda pero hindi ko rin maintindihan kung bakit kailangan niyang baguhin ang mukha niya. Para saan?” “Ilang buwan ko lang nakasama sa trabaho si Nermiza. Maraming...kasamahan ko na ayaw sa pag-uugali niya at madalas nangyayari ang pagpapansin niya sa asawa ko na naging banta rin iyon sa mga asawa ng co-teacher ko. Kaya posible rin na...sinadya niyang magpa-plastic surgery at plano niyang...lokohin ang asawa ko para makuha niya, para m-makuha nga niya si Lucas sa pamamagitan ng pagpalit niya ng mukha,” sabi ko at sa tuwing naalala ko ang nakaiinis na mukha ni Nermiza ay hindi ko maiwasan ang magalit. Siya pala... Siya pala ang babaeng iyon. Hindi ako makakapayag sa gusto niya. Hindi ko siya hahayaan na makuha niya ang asawa ko dahil noon pa man ay masama na talaga ang motibo niya. May gusto siya kay Lucas. Iyon ang alam namin sa school. “Ano, Bythesea. Ganoon ba ang pag-uugali niya?” Elysian asked me. “Ngayon... nasagot na ang mga katanungan ko sa utak ko. Kaya pala pamilyar sa akin ang boses niya. Siya pala si Nermiza Caberte.” “Basta wala munang makakaalam nito, Bythesea. Masakit man sa parte mo na gawin ito... Kailangan mong malaman ang mga ginagawa ni Lucas. Alam kong nakabantay ang babaeng iyon. Isa pa ito sa nakuha naming personal information niya. Dati siyang nagtuturo ng psychology at alam natin na pinag-aralan niya iyon. Kaya puwedeng ginagamit niya ang kakayahan niya kay Lucas. Kaya... kaya mahirap siyang kausapin at ni hindi siya naniniwala sa sinabi namin.” “Just what I’v observed. Sa babaeng lang iyon siya naniniwala.” “Ang i-brainwash nga ito,” tumatangong saad ni Elysian. “Ayos sana kung malalaman ito ni Lucas pero katulad nga nang nalaman natin ngayon ay hindi siya matinong kausap. Wala siyang paniniwalaan at baka isipin nga niya na sinisiraan niya lamang ito.” “At ang tungkol sa pagiging mag-asawa nila? Sigurado ba kayo na hindi sila ikinasal?” tanong ko at tumango pa sila. “Maaaring nag-take advantage nga siya sa amnesia ni Lucas. Hindi sila ikinasal at kahit ang mga kapitbahay nila ay hindi sila kilala,” usal ni Zuresh. “Hindi iyon ang unang bahay na tinuluyan ni Lucas. Dahil bagong lipat lang sila.” “Basta, Joavani. Gawin mo ang lahat ng makakaya mo at mapilit mo lang siya na magpatingin sa doctor. Kailangan nating malaman ang kondisyong niya bago tayo gumawa ng susunod na hakbang,” seryosong saad ni Jaydel. “Maraming salamat sa tulong niyo,” nakangiting sabi ko. Kahit papaano naman ay nabawasan ang bigat sa dibdib ko na hindi naman pala sila kasal. Kaya puwede rin na pinaniwala nga niya si Lucas na mag-asawa sila at ang singsing na iyon ay baka rin... Baka rin siya ang bumili no’n at ginawa lang nilang wedding ring. “Wala iyon, Bythesea. Kahit nakagagalit ang ginawa ni Lucas ay alam natin pareho na hindi siya ligtas sa babaeng iyon. Mag-iingat ka rin, Bythesea. Nagbabantay na lamang ang iba riyan.” “Sure,” pagsang-ayon naman nila. Hindi ko na rin alam kung paano na lamang na wala sila sa tabi ko o hindi ko sila ay papaano ko rin malulutasan ang ganitong klaseng problema? Ang dami na nilang ginawa para sa akin kaya hinding-hindi ko makakalimutan ang kabaitan nila. *** “Hindi ko pa nakita ang mukha ng babaeng iyon, Bythe. Gusto kong makita. Paano kung i-visit natin siya roon?” tanong sa akin ni Elysian. Kalalabas lang namin mula sa opisina ng asawa niya at nagpaiwan naman ang iba. Dahil may pag-uusapan pa yata silang lahat. “Galing na kami roon kanina, Elysian,” sagot ko. Yakap niya ang kaliwang braso ko habang naglalakad na kaming dalawa. “Kami? Hindi ka mag-isang pumunta roon? Sino ang kasa mo kung ganoon, Bythe?” she asked me and she seems excited to hear my answer. “Sina Ate Civana at Ate Marylyn ang kasama ko. Galit na galit silang dalawa especially my sister-in-law. Wala nga ako sa mood na pumunta roon at makipag-usap sa kanila pero napilit nila ako,” paliwanag ko. “And I’m sure na hindi ako umalis agad nang hindi nasampal ang babaeng iyon?” natatawang tanong niya. “Kilala mo si Ate Civana, Elysian. Masyado siyang palaban kaya alam na alam mo na ang gagawin niya,” wika ko. Mas lalo lang siyang na-excite at napalakas ang tawa niya. “Sana nakita ko iyon, Bythesea! Kapag pumunta kayo roon nina Ate Civana, i-inform mo ako para makasama ako sa inyo. Aba, kung ako rin ang kapatid ni Lucas ay wala akong gagawin kundi ang sumugod din at balaan siya. Sana malakas ang pagkakasampal niya para ramdam na ramdam agad ng Nermiza Caberte na iyon...” “Susugod talaga siya, nagalit ang father-in-law ko at si Mommy ay muntik ng atakehin sa puso. Sa halip na matuwa sila dahil nakita na namin ang asawa ko at nakaligtas siya ay iba ang naramdaman nila,” malungkot na saad ko. “Sama ng loob. Naiintindihan ko ang mga in-laws mo, Bythe. Surprise nga ang sumalubong sa kanila na may kasama pang sama ng loob.” “Ang magagawa ko lang sa ngayon... Ang pilitin din na kausapin si Lucas,” ani ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD