CHAPTER 14

2687 Words
Chapter 14: Missing LZ HINDI ko akalain na darating pala ang panahon na matatawag ko ang sarili ko na isang martyr o isa ring tangang babae. Dahil kahit nararamdaman ko na ayaw na nga talaga sa akin ng asawa ko ay pinipilit ko pa rin ang sarili ko sa kanya. Pinipilit ko pa rin ang bumalik siya sa akin kahit hindi na... puwede. Kahit siya na mismo ang nagsasabi na hindi na nga talaga puwede. Ganoon naman tayong lahat na nagmamahal sa lalaking mahal natin at hindi natin agad sila isusuko lalo na... Lalo na kung nangako kayo na hindi niyo bibitawan ang isa’t isa at kung ano man ang mangyari ay kayo pa rin hanggang sa huli. Ipaglalaban niyo ang pag-iibigan niyo. Sa kaso namin ni Lucas... ay mukhang imposible na ang bagay na ‘yon. *** “Wala ka ba’ng gagawin, anak?” tanong sa akin ng mother-in-law ko. Binisita ko lamang siya rito para malaman ko ang kalagayan niya. Masama kasi ang loob niya sa anak niya at sino naman ang hindi sasama ang loob? Iyong malalaman mo na buhay siya at nakaligtas sa panganib pero magbabalik lang siya na may bago ng pamilya? Na may ibang asawa ng ipapakilala sa ‘yo at ang masama pa ay hindi mo pa kilala. Hindi mo kilala ko kung sino ito at kung saan nagmula ang babae. Hindi ko naman masabi kay Mommy ang mga nalalaman ko. Dahil confidential pa rin iyon. “Po?” “Bythe... Hahayaan mo na lang ba ang asawa mo na makuha lang ng ibang... babae, ng babaeng iyon?” Umiling ako dahil hindi ko naman ‘yon gusto. Hindi ko gusto ang mawala sa akin ang asawa ko pero ano pa ba ang magagawa ko kung siya na rin mismo ang umaayaw sa relasyon namin na... ako na lang ang tanging nagpapahalaga nito. Na ako na lamang ang nag-iingat nito? “M-Mom... Ilang beses ko na pong... i-ilang beses ko nang sinubukan na kausapin si Lucas tungkol sa relasyon namin pero... pero wala pa rin po. W-Wala pa rin pong nangyayari,” malungkot na sabi ko. “Bythe...” “Kung saan po masaya si Lucas...ay huwag na lang po natin... hadlangan ang gusto niya,” mahinang usal ko. Kitang-kita ko ang pagtulo ng mga luha niya. Alam kong nasasaktan siya para sa amin ng mga apo niya. “Bythesea... Ang inaalala ko lang ay ang mga anak niyo... Si Daphne, wala pa siyang kamuwang-muwang tungkol sa daddy niya kaya... hindi siya ang magiging problema natin pero si... Si LZ, kilala na niya ang kanyang ama at alam natin pareho na matagal na niya itong hinahanap at hinihintay. Hanggang ngayon nga ay wala pa rin siyang ibang bukambibig kundi ang daddy niya lang,” sabi pa niya. Iyon ang isa sa kinakatakutan ko pero katulad ng sinabi ko ay wala na akong magagawa pa kundi... Ang hayaan na lamang si Lucas pero... “I still try my luck, Mom. Don’t worry po, hindi ko po siya agad susukuan kung ‘yan po ang gusto niyo at para rin po sa mga apo niyo,” sabi ko na ikinangiti niya. Mabilis lumipas ang ilang araw at bumalik na sa trabaho niya si Lucas. Si Nenina, or rather say Nermiza. Nandoon pa rin siya sa condo ng asawa ko nanatili. Minsan ay gusto ko na lang puntahan siya at sugurin. Pero iniisip ko naman ang mangyayari kay Lucas, dahil ang lahat ng nangyari sa kanya ay planado at wala pa ring nakukuhang lead sina Jaydel, kung ano ang naging sentro ng gulong ito, na pinangunahan ni Nermiza. Na kung tutuusin ay alam na namin kung ano. Gusto ni Nermiza makuha ang asawa ko. Iyon lang naman. Bumalik na rin ako sa trabaho ko pero mas marami pa yata akong oras para puntahan si Lucas sa kompanya niya. Na madalas din akong pinagtatabuyan nito. “What are you doing here?” tanong niya sa akin nang madatnan niya ako sa loob ng opisina niya. Hindi ako pinigilan ng secretary niya na hintayin siya rito sa loob. Dahil kilala naman niya ako, kung ano ako sa buhay ng boss niya. Sinabihan ko rin ito na walang sasabihin na kahit na ano kay Lucas at naintindihan niya naman niya ‘yon. “Si Nenina... Sa condo mo pa rin ba siya nakatira, Lucas?” I asked him. “Ano’ng klaseng tanong ‘yan, Bythesea? She’s my wife, what do you expect?” may bahid na inis na sabi niya at nahihiyang ngumiti ako sa kanya. Ang isipin lang na may nangyayari nga sa kanila at nasa iisang silid lamang sila, iisang kama ay parang sinasaksak na ng kutsilyo ang aking dibdib. Sobrang sakit isipin ang bagay na ‘yon. “Kung ganoon... m-may nangyayari ba sa inyo?” Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na tanungin siya tungkol sa bagay na iyon pero... “Ano ba ang ginagawa ng normal na mag-asawa?” Nag-iwas ako nang tingin sa malamig niyang tanong. “Lucas... Wala na ba talaga? W-Wala ka na ba talagang nararamdaman para... p-para sa akin?” muling tanong ko sa kanya at nakaramdam lang ako ng lungkot sa dibdib. “Bythesea...” Sa boses pa lang niya. Sa paraan lang ng pagtawag niya sa pangalan ko ay alam ko na ang sagot. “Iniisip ko lang kasi, Lucas... I-Ilang taon din ang pinagsamahan natin... pero... pero masasayang lang ba iyon dahil lang... d-dahil lang...” “Lucas, mahal ko?” Napalingon naman ako sa may pintuan nang marinig ko ang boses ni Nermiza. Totoong siya nga si Nermiza. Boses pa lamang niya ay walang duda na iisang tao lang sina Nenina at Nermiza. Napatayo ako nang makita ang paghalik ni Lucas sa pisngi nito. Mahigpit na kumuyom ang kamao ko. It was confirmed that I’m a martyr wife. Wala man lang akong ginawa. Ginawa para ipaglaban ang karapatan ko kay Lucas pero... “L-Lucas...” I uttered my husband’s name. Lumingon naman siya sa akin. “Aalis na muna ako sa ngayon. B-Babalik pa rin ako. Sana...sana makapag-usap tayo nang maayos,” sabi ko at hindi ko na tiningnan pa si Nermiza. Umalis na lamang ako roon dahil hindi ko na nakakayanan pa ang sakit sa dibdib ko. May tumulo pang luha sa kaliwang pisngi ko kaya mabilis kong pinunasan ‘yon. Dalawang hakbang ang ginawa ko ay nandilim ang paningin ko at muntik na akong mabuwal sa kinakatayuan ko. Mahigpit kong hinawakan ang doorknob. “M-Ma’am Bythesea, okay lang po ba kayo?” nag-aalalang tanong sa akin ng secretary ni Lucas. Itinaas ko ang kamay ko at sumenyas sa kanya na ayos lang ako. “I’m fine... S-Sorry, n-nahilo lang ako,” nauutal na saad ko pa dahil muntik ng pumiyok ang boses ko. Inalalayan pa niya akong makatayo nang tuwid. “Ma’am Bythesea.” “M-Maayos ako. Ayos lang ako...” sabi ko at binitawan naman niya ako. Nang sumakay ako sa elevator at pagkasara lang nito ay parang nauupos na kandila ang katawan ko. Dahan-dahan akong napaupo sa malamig na sahig at napatutop ako sa dibdib ko. Kulang na lang ay kalmutin ko ang puso ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Kung magpapatuloy ako sa ganito ay alam kong ako pa rin ang kawawa at ako pa rin ang talo sa huli. Kaya kailangan kong...maging matatag at lampasan ang paghihirap kong ito. Kailangan...kailangan ko na ngang tapusin. Pinunasan ko ulit ang mga luha ko saka ako tumayo. *** “Ma’am Bythesea, alam mo na ba ang balita?” Napahinto ako sa aking ginagawa nang magsalita ang co-teacher ko. “Ano po ‘yon, Ma’am?” tanong ko dahil alam kong kanina pa sila nag-uusap habang wala pa ako sa faculty room. Mukhang seryoso nga sila, eh. “Naaalala mo pa ba si Nermiza Caberte, Ma’am Bythe?” Nilingon ko naman si Ma’am Viven. Dahil mas nakuha niya ang atensyon ko. Dahil iyon sa pangalan ng babaeng nagpapanggap na asawa ni Lucas. “Natatandaan ko pa naman siya,” sagot ko dahil sa mga oras na ito ay nasa poder siya ng asawa ko. Kaya sino ang hindi nakakaalala sa babaeng iyon? “Ito kasing si Ma’am Arlene, narinig niya raw sa principal’s office na pinag-uusapan nila si Nermiza. May asawa na raw ang babaeng iyon. Aminado naman tayong magandang babae nga si Nermiza pero akalain mo naman na may pumatol pa sa demonyita niyang pag-uugali, 'no? Hula ko nga na baka na-brainwash niya lamang ang lalaki dahil napakaimposible ang mahalin siya...” “Sobra ka na riyan. Deserve naman nating mga babae na mahalin. Grabehan na po ‘yan, Ma’am Viven.” “Eh, sa hindi ako naniniwala,” saad niya. “Paano po... Paano po kung isa sa asawa natin ang nabiktima niya at naging asawa nga niya?” tanong ko na hindi ko masyadong napag-isipan nang mabuti dahil bigla na lang lumabas sa aking bibig. Kaya halos silang lahat ay natahimik at hindi na sila nakasagot pa. Dinaanan ko na lang sa tawa saka ko sinikop isa-isa ang mga gamit ko. “Mauuna na po ako sa inyo. Susunduin ko pa kasi ang panganay ko,” paalam ko at wala silang ginawa kundi ang tumango lang. Nabigla ko yata sila. Nag-aaral na ng kindergarten si LZ, kahit five years old pa lamang siya. Gusto niya kasing mag-aral na dahil naiingit daw siya sa mga bata na nakikita niya. Isa pa kagustuhan na rin iyon ng grandparents niya. Si Daphne ay naiwan sa bahay kasama ang babysitter niya. Madalas naman siyang nasa poder ng Lola niya, ang mother-in-law ko. Since nasa bahay na lang din iyon at wala ng trabaho dahil matagal na siyang retired. Namamahinga na lamang siya ngayon. Sa gate pa lamang ng school ng anak ko ay nakita ko na siya agad malapit sa playground. Nakaupo siya sa bench habang nakatungo ang kanyang ulo. Nakita ko pa ang mariin na pagpisil niya sa rubber ball. “LZ!” masayang tawag ko sa kanya at nag-angat siya agad nang tingin sa akin pero nang makita ko ang nakasimangot niyang mukha at namumulang mga mata ay napatakbo ako palapit sa kanya ng wala sa oras. Agad akong lumuhod sa harap niya at hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. “Why are you crying, son?” I asked him worriedly. “M-Mommy,” basag ang boses na sambit niya at yumakap sa leeg ko ang maliit niyang kamay. “What’s wrong, LZ? May masakit ba sa ‘yo? You okay?” I asked him. Hinalikan ko ang balikat niya at humigpit lang ang yakap niya sa akin. “LZ...” “M-Mommy... F-Father’s day na po bukas... Ang sabi nila... hindi raw darating ang Daddy ko... Kasi... kasi wala raw po akong daddy...” humihikbing sambit niya para lang makaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. “LZ...” “K-Kahit hindi po darating si Daddy bukas ay basta po... A-Ang alam ko, M-Mommy... May D-Daddy ako... May daddy po kami ni Daphne...” Hindi ako agad nakasagot kaya iniharap niya sa akin ang mukha niya at siya naman ang humawak sa pisngi ko. “Hindi po ba? M-May daddy kami? May Daddy Lucas kami ni Daphne, ‘di ba po, Mommy?” Tumango ako sa tanong niya dahil iyon naman ang totoo. May Daddy nga sila at si Lucas iyon pero... Wala lang naaalala ang kanyang ama, walang alam tungkol sa kanya at lalo na kay Daphne. Hindi ko nga rin alam kung hanggang kailan makakalimutan ni Lucas ang aming anak at kung kailan naman niya makikilala si Daphne pero ang alam ko lang... Baka hindi na... Kung hindi babalik sa kanya ang buong alaala niya. O kung bumalik man ay huli na ang lahat para...para... mabuo ulit kaming magpamilya. “Tara na. Umuwi na tayo, bibilhan muna kita ng ice cream para hindi ka na sad diyan. May Daddy Lucas kayo ni Daphne. Kaya imposible ang mga sinasabi nila na wala kayong daddy. Mayroon, may Daddy Lucas nga kayo, eh. Huwag mo na lamang sila pakinggan pa, anak. Hmm?” Naging masunurin na bata naman siya at tumango-tango lang. Hinalikan ko ang ulo niya at mahigpit ko pa siyang niyakap. Hinawakan ko na rin ang kanyang kamay at tuluyan kaming naglakad palabas sa school nila. “Mommy, mag-take out po tayo for Daphne, hmm?” I smiled when I heard that. Naging mabuting kuya nga siya, maalalahanin at maalaga. Ganitong-ganito ang pag-uugali ng daddy niya. “Of course, son. Hindi natin makakalimutan si Daphne,” saad ko. Saglit lang kaming kumain sa ice cream parlor. Dahil gusto rin ni LZ na makauwi kami agad dahil baka raw hinahanap na kami ng kapatid niya. Nakatutuwa talaga siya. “Sige. Kukunin ko lang ang in-order nating take out kanina. Stay here muna, anak,” paalam ko at tumango siya. I approached the counter at ngumiti pa ako sa babae. “'Yong order po namin kanina na take out.” “Wait lang po, Ma’am.” “Sige,” ani ko at mayamaya lang ay ibinigay na niya sa akin ang ice cream pack saka ako bumalik sa table namin ng anak ko pero agad na binalot ako ng kaba nang hindi ko makita roon si LZ. Nagmamadali akong lumapit doon at tiningnan ko pa ang backpack niya. “L-LZ?!” kinakabahan na tawag ko sa kanya. Tumingin ako sa katabi naming customer na kumakain. “Ma’am... M-May nakita po ba kayong bata na umalis sa upuan na ito?” tanong ko. “Naku hindi po namin napansin,” umiiling na sagot nila. “Pero... n-nandito pa po siya kanina... Hindi niyo po ba talaga nakita?” “Naku hindi, Miss, eh.” “LZ?!” Nagpa-panick na ako dahil hindi ko makita ang aking anak. Kinuha ko ang backpack niya at nagsimula na akong naghanap sa kanya sa loob. “Ma’am, ano po ang nangyari?” tanong naman sa akin ng waitress. “N-Nawawala ang anak ko. N-Nandoon pa siya sa table namin kanina nang iniwan ko siya at pagbalik ko ay wala na siya... Pakiusap, Miss... T-Tulungan mo akong hanapin ang anak ko. H-Hindi siya puwedeng mawala,” sabi ko at hindi ko na napigilan pa ang emosyon ko. “Sige po, Ma’am. Maghahanap din po kami. Huwag po kayong mag-alala.” Malaki ang ice cream shop kaya alam kong mahihirapan akong maghanap ng mag-isa lang ako. “LZ?! Nasaan ka na ba, Louie Zhi?! LZ...anak...” May mga bata pa akong nahahawakan para lamang tingnan ang mukha nila kung sila na ba si LZ. Pero naalala ko na nakasuot siya ng uniporme at kilalang-kilala ko naman siya kahit nakatalikod lang pero masyado akong desperado na makita at mahanap siya. Natatakot na ako. “M-Miss, may nakita ka bang batang lalaki na five years old at nakasuot pa siya ng uniporme, dumaan po ba siya rito?” tanong ko sa isang babae na nakaupo lang din sa bench. Baka may napansin siya. “Sorry, hindi po, eh.” Halos libutin ko na ang sulok ng shop mahanap ko lang ang anak ko. Dahil sa pagtingin ko sa ibang direksyon ay parang umiikot na rin ang paningin ko at nagtaas baba ang aking dibdib. Hindi nawala ang kaba ko at mas dumoble pa iyon. “LZ! Nasaan ka na ba, Louie?! Louie Zhi?!” umiiyak na sigaw ko at napatingin na sa akin ang mga tao ngunit hindi ko sila binigyang pansin. “LZ?!” Mahigpit na hawak ko ang isang plastic bag na may ice cream para sa bunso kong anak at sa kanilang kamay ko naman ang backpack ni LZ. “A-Anak ko... N-Nasaan ka na ba?! Miss... B-Baka po may nakita kayong bata na dumaan dito? Miss...” “Wala po, eh...” sagot nito at bumagsak lang ang balikat ko. Nasaan na? Nasaan na si LZ? N-Nasaan na ba ang anak ko? Sinubukan ko na ulit hanapin ang aking anak pero sa pagtakbo ko ay may nabangga ako. “A-Aray...” Nabitawan ko ang dala ko at natapon iyon sa sahig. Nawalan din ako nang balanse. “Nenina...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD