CHAPTER 15

3480 Words
Chapter 15: Giving up & leaving TININGNAN ko ang kasama ni Nenina. Kahit hindi ko pa siya lingunin ay alam kong siya naman ang kasama nito pero sa mga oras na ito ay hindi ko sila pinagtuunan ng pansin. Parang balewala rin sa akin na makita silang magkasama na dalawa. Ano naman sa akin ngayon? Tumayo ako at isa-isa kong kinuha sa sahig ang mga nahulog na dala ko. Akmang aalis na sana ako nang may humawak sa braso ko. Kunot-noong tiningnan ko si Lucas. Kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya. Hindi ko siya maintindihan na kung bakit niya ako pinipigilan. “Bitawan mo ako,” mariin at malamig na saad ko sa kanya. Babawiin ko na sana ang kamay ko pero ang paghawak niya sa akin ay mas humigpit pa. “Ano’ng ginagawa mo? Bitawan mo ako!” sigaw ko sa kanya. Naghalo-halo ang emosyon ko ngayon kaya huwag niyang painitin lalo ang ulo ko. Hindi ito ang oras upang sakyan ko ang trip niya. “What happened?” Kung sa ibang pagkakataon lang nangyari ang eksenang ito ay baka hindi ko mapapalagpas at may masabi pa ako sa kanya pero hindi ngayon. Na mas nag-aalala ako sa anak ko. “Lucas.” Sinamaan ko pa nang tingin si Nermiza at buong puwersa kong binawi ang aking kamay. Dahil sa ginawa ko ay nabitawan ko ang backpack ni LZ. Salubong ang kilay na tiningnan iyon ni Lucas at nanlaki naman ang mga mata ni Nermiza. “A-Ano’ng...” I smirked at her. Alam ko naman na may alam siya tungkol sa anak ko. Kaya parang nabuhusan lang siya ng isang galon na suka, dahil s at takot. Bago pa ako pigilan ni Lucas ay pinulot ko na ang gamit ni LZ, saka ko sila tinalikuran. Pinasadahan ko nang tingin ang paligid at hinanap pa rin ng mga mata ko ang aking anak. “LZ...” “M-Mom?” Nilingon ko ang tumawag sa akin at napaluha na lamang ako nang makita ko na siya. “M-My son... W-Where have you been, LZ?” naiiyak na tanong ko sa kanya at lumuhod ako sa harapan niya. Hinawakan ko ang mukha niya. “LZ?” “I’m sorry po, Mommy...” hinging paumanhin niya sa akin. Umiling ako at hinalikan ang noo niya. “Pinag-alala mo si Mommy, LZ...” “S-Sorry po, M-Mommy... N-Nakita... Nakita ko po si... s-si... U-Umuwi na po tayo, Mom...” May pagtataka sa mukha ko na tiningnan ko siya. Alam kong may gusto siyang sabihin sa akin pero hindi niya lang kayang sabihin nang diretso. Dahil tila nag-aalangan din siya. Tila may nalaman din siya na isang bagay. “LZ...” “Umuwi na po tayo kay Daphne, M-Mom...” sabi niya at pilit na ngiti ang ibinigay niya sa akin. Sa puntong iyon ay alam kong may nakita siya. May nakita siyang kakaiba kaya umalis siya mula sa puwesto niya kanina. However, I didn’t force him. I nodded and held his hand. Hinigpitan ko ‘to dahil ayoko ng mawala pa siya. Sinisigurado ko na hindi na mauulit pa ang nangyari kanina. “Sige. Umuwi na tayo,” sabi ko at doon lang din nawala ang takot ko pero hindi pa rin maalis-alis sa dibdib ko ang kaba na baka mangyayari na naman ang kanina. Ipangangako ko na hindi na iyon mauulit pa. Isang bagay lang ang na-realize ko sa mga oras na iyon. Hindi ko kayang mawala ang mga anak ko. Mas gusto ko pang si Lucas na lang ang mawala. Dahil kahit siya man ang bitawan ko... wala naman na siyang nararamdaman pa para sa akin. Hindi sina Daphne at LZ, na alam kong mahal nila ako bilang ina. Hindi ko rin hahayaan na makuha ni Nermiza ang mga anak ko. *** “Mimi!” sigaw ni Daphne nang makita na niya kaming nakauwi na sa bahay. Patakbong lumapit pa siya sa amin na mabilis naman siyang sinuway ng Tita Civana niya. “Daphne, baby... Huwag ka namang tumakbo,” aniya. Sinalubong ko naman nang mahigpit na yakap si Daphne at binuhat ko pa siya. Hindi ko binitawan ang kamay ni LZ. Iginiya ko lamang sila sa sofa. Kung saan naman nakaupo si Ate Civana. Siya naman ang umalalay na makaupo ito sa tabi niya. Kinandong ko naman ang bunso kong anak. “Dumaan lang ako rito para tingnan si Daphne, Bythe. Medyo natagalan ang uwi niyo ni LZ. May nangyari ba sa labas?” tanong niya sa akin na may halong pag-aalala pa. I looked at my son. Tumutulis ang kanyang labi dahil alam nga niya na may nangyari kanina. “Wala naman po, Ate. Kumain pa kasi kami ng ice cream sa labas at heto...” “Yey...” Natawa ako nang pumalakpak bigla si Daphne. Nakita niya kasi ang dala naming ice cream. It’s one of her favorite, sila ng Kuya LZ niya. Nilingon ko ang kasambahay namin at inutusan ko siya na kumuha ng bowl and spoon para kay Daphne. “Mom. Akyat na po ako sa room ko,” paalam sa akin ni LZ. “Sige, `nak. Mag-iingat ka sa hagdanan, okay?” paalala ko sa kanya na tinanguan niya lamang. Nagpaalam din siya sa Tita Civana niya bago siya umalis. Ang babysitter naman ni Daphne ang nagpakain sa kanya at dinala siya nito sa dining room. “Nakita po namin kanina si Lucas,” pagsisimula ko. “Nagkita kayo? So, nakita nga ng kapatid ko ang anak niyang si LZ? Ano ang naging reactions niya? Nakilala na ba niya? Naalala na?” Umiling ako sa tanong niya. “Hindi po, Ate. Umalis din kami agad,” ani ko. “Si Lucas, ano pa ba ang gagawin natin sa kanya? Ang loko-lokong ‘yon,” problemadong sabi niya at bumuntong-hininga pa. “Ipakikilala ko na po sa kanila ang mga anak namin, Ate. Nasa kanya na... ang desisyon kung gusto pa rin niyang... makasama kami. Pero kung hindi... Kung hindi pa rin niya ako kakausapin nang masinsinan. Ihahain ko na sa kanya ang divorce paper, Ate Civana.” “B-Bythesea... S-Sigurado ka ba? S-Sigurado ka ba sa sinasabi?” Tumango ako. “Nakapapagod na rin po ang maghabol sa kanya, Ate at may na-realize po ako kanina... Mas gugustuhin ko pang mawala si Lucas kaysa sa mga anak ko. Kung pati sina Daphne at LZ ang mawawala sa akin, Ate Civana... Hindi ko na po kakayanin... Sila na lang po... Sila na lang po ang pinaghuhugutan ko nang lakas ng loob. Sila na lang po ang buhay ko, Ate...” *** “Mimi...” I glanced at my daughter when she uttered a word. Nananaginip yata siya at kasama ako sa panaginip niya. Yumuko ako para halikan siya sa pisngi niya. “Sleep well, baby...” I whispered. Hinaplos ko naman ang buhok ni LZ. “Mahal na mahal ko kayong dalawa...” I was about to sleep nang may kumatok naman sa pintuan naming mag-iina. Si LZ ay nakitulog lang din siya. Bumangon ako at kasabay nang pagbukas ng pinto. Napangiti ako nang makita ko si Elysian. Nag-iisa lamang siya. “Hi, good evening. Nakaabala ba ako sa ‘yo?” tanong niya. Nilapitan ko naman siya at iginiya palabas. “Matutulog pa lang sana at tulog na rin ang dalawa,” saad ko. “May nasabi sa akin si Ate Civana. Hayst, tumalon pa ako sa sobrang tuwa. Alam mo ba?” “Ano ‘yon?” I asked her. “Sure ka na ba sa decision mo, Bythesea? Idi-divorce mo na ba si Lucas? Nang hindi ka na magsisisi in the near future?” curious na tanong niya. “Alam mo naman na sa aming dalawa ng asawa ko ay siya ang higit na magsisisi sa pinili niyang desisyon, Elysian,” sagot ko na ikinatango niya. “Tama ka riyan. Si Lucas pa rin naman talaga... pero... Just what if magkakaanak sila ng babaeng ‘yon?” Napayuko sa narinig kong tanong niya. Kung mangyayari man iyon ay sana hindi na makakaabot pa sa akin ang balitang ‘yon. Baka hindi ko kakayanin. “Wala na siguro akong... alalahanin pa tungkol sa bagay na ‘yon, Ely,” saad ko. “Ganyan nga. Ganyan, Bythe. Marami pa namang lalaking matino riyan at baka malay mo--” “Hindi na sa tingin ko. Siya lang talaga ang nag-iisang lalaki na minahal ko. Wala na akong magagawa pa kung ang pagmamahal din niya sa akin ay naglaho na, kasamang nawala ang kanyang alaala kung nasaan din kaming mag-ina niya,” malungkot na pahayag ko. “O-Okay... Here...” Wala sa sariling kinuha ko mula sa kamay niya ang black envelope. “A-Ano naman ‘to?” naguguluhan kong tanong. Kasi bakit niya ako binibigyan ng black envelope? At ano naman ang laman nito? “Iwan mo muna pansamantala ang lahat at isama mo ang mga anak mo, Bythesea. This is worth it,” sabi niya na nagpagulo naman sa isip ko. Napatingin ako sa bagay na ito. Buong magdamag din akong napaisip sa suggestion ni Elysian at sa tingin ko naman... Magandang idea iyon kaya hindi na rin ako nagdalawang isip pa. *** “Babalik naman kami. Hindi ko lang alam kung kailan. Hindi pa ako sigurado,” sabi ko. Pansamantalang pinalipat ko ang kasambahay namin sa mansion ng parents ko. Nagtaka nga ang mommy ko dahil para saan iyon at nagtanong din siya kung saan kami pupunta. Sinabi ko lang na magbabakasyon lamang kaming mag-iina. Hindi naman siya nagtanong pa tungkol sa asawa ko. Mabuti iyon dahil hindi sila magagalit kay Lucas. Dahil kung nagkataon. Hindi na rin siya pahihintulutan na lapitan pa ang mga anak namin. Kung malalaman niya nga na may dalawang anak siya sa akin. “Ate.” “Sige na, Sander. Isama niyo na muna silang lahat,” ani ko at bumuntong-hininga pa siya. “Saan po ba ang punta niyo, Ate? Matatagalan po ba kayo roon?” tanong niya. I know he’s worried. “Sasabihin ko sa inyo kapag nakarating na kami roon. Don’t worry, Sander. Magiging ayos lang kaming tatlo at saka... Kasama naman namin si Elysian. Sige na...” Hinila naman niya ang braso ko at niyakap ako. “Mag-iingat po kayo, Ate. Huwag mong kalimutan na tawagan ako, ha? You promise that.” I nodded my head. Binuksan pa niya ang pintuan sa driver’s seat at inalalayan akong makasakay sa kotse ko. “Sige na. Alam kong busy ka. Sabihan mo na rin sina Mom at Dad na magbabakasyon lang talaga kami. Kung babalik na kami ay magpapasundo na lang kami sa ‘yo,” ani ko para hindi na siya mag-alala talaga sa amin. “Aasahan ko po ‘yan, Ate. Sige na.” Dumaan naman kami sa kompanya ni Lucas at lahat ng mga empleyado ay napapatingin sila sa amin. Hindi na rin lingid sa kaalaman nila na may ibang babaeng nakasama si Lucas nang bumalik ito sa trabaho niya. “Si Lucas? N-Nasa loob ba siya ng office niya?” tanong ko sa secretary ng asawa ko. May pag-aalangan pa na tumango siya at bumuntong-hininga. “Maghihintay na lang kami sa loob,” dagdag pang saad ko. “S-Sige po, Ma’am Bythesea.” “We’re gonna meet Daddy na, Mom?” LZ asked me and I nodded. This is the last chance, Lucas. Kung wala ka pang gagawin... mapipilitan akong iwan ka na lang at ilalayo ko na sa ‘yo ang mga anak natin. “Didi, Mimi?” inosenteng tanong naman sa akin ni Daphne. Tinanguan ko siya. “Yes, hon,” sagot ko at hinaplos ang kanyang pisngi. Umupo kami sa coach habang si LZ naman ay sa swivel chair ng daddy niya siya umupo. “Father’s day po ngayon ni Daddy, Mommy,” sabi nito sa akin. “Ayos lang kahit na hindi ka papasok ngayon?” tanong ko sa kanya. “Opo, M-Mommy... Sabi niyo rin... Pupunta tayo sa malayong isla...” nakangiting saad niya. “Yes.” Pero halos mag-iisang oras na kaming naghihintay sa kanya ay hindi pa rin siya dumarating. Napatingin ako kina Daphne at LZ. Inaantok na nga sa paghihintay ang bunso ko. Saglit ko pang pinasadahan nang tingin ang apat na sulok ng opisina niya. Kung hindi siya darating ngayon ay mawawala na ang huling pagkakataon niya. “Let’s go,” pag-aaya ko at iginiya ko na pababa si Daphne. Namumungay ang kanyang mga mata at humihiklab pa siya. “Hindi na po natin hihintayin si Daddy, Mom? Aalis na po tayo?” “Hindi na, anak. Matagal naman na siya. Kung gusto niya tayong makita. Siya ang maghanap sa atin. Siya naman ang mag-e-effort na puntahan tayo. Lalaki siya kaya dapat siya ang pumunta sa atin,” ani ko tapos sunod-sunod ang pagtango niya. Mukhang na-excite pa siya. “Sana po puntahan niya tayo agad, Mommy. Miss na miss ko na po kasi siya, eh...” aniya. “Miss-miss, Mimi?” pagsingit sa amin ni Daphne. Pareho kaming natawa ni LZ. “Yeah, Daphne. Miss-miss,” ani ko. Lumapit agad sa amin si Des nang makitang palabas na kami. “Des, pakibigay na lamang ito sa boss mo. Ang attorney ko na ang bahala riyan,” wika ko at nagulat siya nang makita ang bagay na hawak ko. Parang alam na rin niya kasi kung ano ang laman nito. Dahil lang din sa sinabi kong bahala na ang attorney ko. “Ma’am Bythesea. S-Sigurado po ba kayo...” “Sigurado,” seryosong sagot ko at kinuha na niya ang brown envelope mula sa kamay ko. “Ma’am Bythesea...” “Si Lucas at ang attorney na rin niya ang bahalang mag-usap tungkol dito, Des. Sabihin mo rin sa kanya...kung sino ang kasama ko. Wala na rin akong pakialam pa kung ano ang magiging reaction niya. Pero siguro wala...” “Ma’am Bythesea...” “Alam kong iniiwasan lang ako ni Lucas,” ani ko at bumaba ang tingin ko sa anak ko. Inosenteng nakatingin din sa akin si LZ. May lungkot sa mga mata niya pero alam kong maiintindihan pa rin niya ang lahat ng ito. “Hindi na kami magtatagal pa,” ani ko. Pero hinabol pa rin kami ni Des. Ayaw niya talaga kaming umalis nang hindi dumarating ang kanyang amo. “H-Hintayin niyo na lamang po si Sir Lucas. Tatawagan ko po siya, Ma’am.” “Hindi na. Sige na aalis na kami. May pupuntahan pa kasi kami. Alagaan mo na lamang ang boss mo, Des,” paalam ko sa kanya. “Uhm, Sir Des...” “A-Ano po ‘yon?” Nginitian ko si LZ nang ibigay niya ang note cards na alam kong sinulatan niya iyon kanina. “Pakibigay po ‘to sa Daddy ko, ah. Happy father’s day rin po sa inyo, Sir Des!” Nag-iwas ako nang tingin at parang may bumara lang sa lalamunan ko. Sa huli ay hinayaan niya lamang kaming umalis. Hinintay pa namin na bumukas ang elevator. Sa mga oras na aalis na kami ngayon ay hindi na rin ako mapipilit ni Lucas. Desidido na rin akong umalis at hiwalayan na siya. Dahil katulad nang sinabi ko. Kung saan man siya masaya at kung isang kasiyahan niya rin ang palayain ko siya ay iyon ang gagawin ko. Hindi ko na siya pipilitin pa at hindi na rin ako maghahabol pa sa kanya. Bumukas ang elevator at pumasok na kaming tatlo. “M-Mommy...” “Hmm?” tugon ko at natawa ako nang makita ang pilit na pagsuksok ng dulo ng polo shirt niya sa short pants niya. Lumuhod ako habang nasa bisig ko pa rin si Daphne. Inayos ko ang damit niya at narinig ko pa ang simambit niya. “Ano ‘yon, LZ?” I asked him. “Si Daddy po... N-Nakita ko po siya,” sagot niya sa akin at itinuro ang pinto ng elevator. Umiling ako dahil pinagtataguan ako ni Lucas kaya imposible ang sinasabi ng anak ko. “Busy ang Daddy mo, LZ. Next time na lang din siya dalawin,” ani ko. “But I saw him po...” aniya. “Kailangan na nating umalis. Dahil ang Tita Elysian mo ay naghihintay na sa atin sa lobby. Siya ang maghahatid sa atin,” ani ko. Ngumuso siya at kalaunan ay tumango rin. Sa lobby na nga naghihintay si Elysian. Base sa mukha niya ay parang nasisiyahan din siya at pangiti-ngiti pa. “Tita Elysian!” bulalas naman ni LZ. “Hi, LZ. Excited ka na bang umalis?” “Opo!” “Good. Halatang excited ka nga at hindi mo rin alam na mas excited na excited si Tita Elysian!” natatawa saad pa niya. “By the way. Iwanan na lamang natin sa hotel ni Wooben ang sasakyan niyo at nandoon na ang private chopper na sasakyan natin,” ani Elysian. Natuwa naman sa narinig si LZ. “Sasakay po tayo sa private chopper, Tita Elysian?!” bulalas niya. “Sure, kiddo at hindi iyon malalaman ng ibang lalaki. Wala rin akong tiwala sa kanila,” sabi niya na tinawanan ko naman. Dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga siya nakaka-move on na humingi siya ng tulong dito ay nanatiling tiklop ang mga bibig nila. “Matagal na iyon, Ely. Kalimitan mo na iyon.” “Nah, parang kahapon lang nangyari, Bythe. At gaganti talaga ako sa kanila,” sabi pa niya at tanging pag-iling na lamang ang ginawa ko. Dahil ano pa ba? Ano pa nga ba ang sasabihin ko? Eh, kung ako rin siguro ang nasa sitwasyon niya ay baka rin... “Si Esterly, matagal din siya roon. Makikita mo siya. Ikaw na ang bahala sa kanya roon, Bythe. Kailangan niya rin ng kaibigan na makakausap at alam kong...hindi siya malulungkot doon kasi... may dalawa bubwit ang mangungulit sa kanya.” Pinisil pa niya nang marahan ang pisngi ni Daphne at bumungisngis lang ito. “Wait, hindi ba nasa France si Gotchelle?” nagtataka kong tanong. Ang alam ko sa place na iyon ay nandito pa naman sa bansa at ang asawa ni Joavani. Siya mismo ang nagpatapon sa asawa niya sa France para...itago ito mula sa mga tao dahil na rin sa lumabas na issue noon pero... “Sinundo ko. Bago pa man mapuntahan ni Joavani. Ang gagong iyon, doctor nga siya pero wala siyang alam kung ano ang nangyari sa asawa niya. Kaya...pagkakataon ko na rin ito para gantihan sila.” Napahilot na lamang ako sa sentido ko. Seryoso nga siya sa gagawin niya. Ano pa nga ba ang magagawa ko ulit? Ang hayaan na lamang siya sa gagawin niya. Gusto niya ito. Binasa ko ulit ang laman ng black envelope. Black Island... Nakapunta na ako sa lugar na ito pero isang beses lang at bakit kaya ito ang napili ni Elysian? Sa pagkakaalala ko kasi ay madalas nagbabakasyon dito ang mga lalaki at isa pa... pagmamay-ari ito ng asawa niya. Ang lugar kung saan...pinagtaguan din siya nito. Kakaiba talaga ang isang ito at hindi lang ako ang gusto niyang dalhin sa islang ito. Lahat ng mga babaeng kaibigan namin ay siya rin ang naging utak kung bakit halos mamatay na sa paghahanap ang mga lalaki pero hindi sila nagwawagi hangga’t hindi sila nakikita ni Elysian na nahihirapan. Nauubos ang pera nila sa kahahanap ngunit wala talaga silang nakukuha na lead kung saan nagpupunta ang mga asawa nila. Mabuti na lamang ang lugar na ito ay hindi nila pinagduduhan dahil alam din nila. Hindi ang islang ito na magandang pagtaguan. Inuuna nila ang ibang bansa na napuntahan na rin. “Tingnan natin kung paano mamatay si Lucas.” “Elysian. Aalis kami hindi dahil pagtataguan namin siya, ha,” paalala ko at ngumisi lang siya sa akin. “Hindi nga, Bythe. Kung para sa inyong mag-iina ay isang bakasyon lang ito pero para kay Lucas at sa mga lalaking iyon? Taguan... Taguan ang tawag dito. Alam natin na malaki na rin ang galit nila sa asawa mo pero...natutunaw ang galit nila lalo na kung makikita nila ang luhaan na mukha ng kaibigan nila. Matutunaw ang hinanakit at lahat ng galit nila dahil...dahil relate naman sila sa feelings nito. Si Joavani nga... Nitong nakaraang na linggo ko lang nalaman ang nangyari kay Gotchelle at mas...malala rin ang ginawa no’n.” “Naiintindihan ko si Joavani. Hindi siya sigurado noon na kung anak ba niya ang pinagbubuntis ni Gotchelle.nalam mo rin naman ang nangyari, ‘di ba?” tanong ko at inirapan ako. “Umalis na nga tayo. Baka...maabutan tayo ng taong humahabol na sa atin sa mga oras na ito. Hayst...” “Sabihan mo na rin ang attorney ko, Elysian. Ikaw na ang bahala,” paalala ko. Baka kasi makalimutan niya. “Yup. Paki-off na ng phone mo, Bythesea.” Sinunod ko naman siya. Tiningnan ko pa ang kompanya ni Lucas. Malungkot na ngumiti lang ako. “Let’s go... Bythesea.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD