CHAPTER 16

2718 Words
Chapter 16: His POV EBERJEY LUCAS’s POV “WALA ka na bang naiwan, hon?” my wife asked me. I smiled. Ganito siya kaalaga sa akin kapag alam niyang may business trip kami. Bythesea Edevane Dankworth is my loving wife. She approached me and fix my necktie. I encircled my arms around her little waist. Mas gusto ko talaga na yakap-yakap siya, eh. “Parang hindi ko gusto ang umalis. Mas gusto ko ang makasama na lamang kayo rito ni LZ,” I uttered and took a deep breath. I don’t know why I feel this strange...way. Parang ayokong umalis at parang hindi ko rin gusto. “Ako rin naman,” she said. “But I need to, wife. Para ito sa inyo ng anak nating si LZ,” I said and she wrapped her arms around my neck. I stared at her lips and I kissed her with passionately. Hindi ko pa sana pakakawalan ang labi niya kung hindi ko lang naalala ang lakad ko. Damn, I rather stay here with my wife and our son. But... “Mag-iingat ka roon,” she said and I wiped the side of her lips. “Kayo rin dito ni LZ. Mahal na mahal kita, Bythesea. Mahal ko kayo ni LZ. Tandaan mo na kung wala kayo ay wala rin ako ngayon,” I told her and she nodded her head. “Huwag niyo akong ihatid. Ayokong makita niyo akong umaalis,” sabi ko pero tumawa lang siya. Hindi naman talaga bago sa amin ito pero ayoko lang makita nila akong umaalis. “I love you too, hon. Hihintayin ka namin ni LZ,” she said sweetly. Of course, maghihintay sila para sa pagbalik ko. Sila agad ang sasalubong sa akin. “Tatawag ako kapag nakarating na kami roon, okay?” sabi ko. “Sige, hihintayin ko ang tawag mo," tumatangong sabi naman niya. *** Nakasakay na ako sa kotse ko at kahit ang magmaneho ay parang hindi ko pa kayang umalis. I don’t know why. May pakiramdam kasi ako na parang may mangyayari na hindi maganda kaya maging ang mga paa ko ay tila bumibigat din. Ni hindi ko magawang humakbang man lang. Napahilamos ako sa mukha ko at mariin na pumikit. Napangiti rin ako kalaunan nang makita ko ang imahe ng magandang mukha ng asawa ko at ang batang kamukha ko, my son LZ. Huminga ako nang malalim. “This is for my family, and everything is gonna be alright, Lucas...” I told to myself and I started to maneuver my car. Pagdating sa port ay hindi pa matutuloy ang biyahe namin dahil nagkaroon ng emergency ang mga kaibigan kong sina Jaydel at Poirier. “Mauuna na ako. Kailangan kong puntahan agad si Mr. Lorenzo. Lucas, sigurado akong hindi rin matutuloy si Poirier kaya ipagpaliban mo na rin ang araw na ito. Sabay-sabay na tayong pupunta roon,” sabi sa akin ni Jaydel at tinapik pa ang balikat ko. Tumango ako at sumang-ayon. “Sige,” tipid na sabi ko at napatingin sa barkong sasakyan namin sana. Hindi nga kami matutuloy ngayon pero hindi man lang nawala ang kaba ko sa dibdib. Napabuntong-hininga ulit ako at sumakay na lang ulit ako sa kotse ko. Hindi na kami natuloy ngayon kaya uuwi na lamang ako sa mag-ina ko. I was excited to go home but in the middle of the road... I encountered the accident. Sa bilis nang pangyayari ay isa lang ang tumatak sa isip ko. Na bumangga sa akin ang puting sasakyan at sa lakas nang impact nito ay narinig ko ang pagsirit ng sasakyan at umuusok na siya agad. I accidentally hit my head on the windshield. Nandilim agad ang paningin ko at naramdaman ko pa ang pagtulo ng dugo sa ulo ko. Hindi ako takot na mamatay dahil ang alam ko lahat naman ng tao sa mundo ay ganito rin ang kapalaran pero ang ikinatakot ko ay ang hindi na ako makakabalik pa sa mag-ina ko. Natatakot ako na baka hindi ko na sila makikita pa. Bago ako nilamon ng kadiliman ay ang mga pangalan ng mahal ko ang huli kong sinambit. *** “Who are you?” unang tanong ko nang magising ako isang araw. Nananakit ang sentido ko at parang nahahati ito at parang bugbog sarado ang katawan ko dahil hindi ko man lang magawang igalaw ang katawan ko. Kung kaya ko man siyang igalaw ay nahihirapan pa ako. “I’m asking you. Sino ka? A-Ano’ng ginagawa ko sa lugar na ito? Nasaan ba ako?” sunod-sunod kong tanong sa babae, na ngayon ko lang nakita. Maganda siya pero hindi ko siya kilala. Ni hindi siya pamilyar sa akin at wala akong nararamdaman sa kanya. Kaya isa lang ang alam ko, hindi ko siya nakikilala o baka ngayon ko lang din siya makikilala. “Huminahon ka muna,” sabi nito sa akin at hinawakan pa niya ang braso ko. Mabilis kong tinabig ang kamay niya. Hindi ko gusto ang hinahawakan niya ako. Mas naiilang ako. Iba ang nararamdaman ko sa kanya at hindi ako komportable. “Don’t touch me. Hindi kita kilala. Si B-Bythesea... Bythesea, nasaan ka? Nasaan ka ba, Bythesea?” Iyon ang naalala ko na unang taong hinahanap ko nang magkamalay ako at halos magwala ako nang hindi ko siya makita. Pero may itinurok sa akin ang doctor sa braso ko at unti-unting nanghina ang katawan ko. Bumibilis pa rin ang t***k ng puso ko. Nagsisimulang nandilim ulit ang paningin ko. “Franco... I-Ikaw si Franco... Ako ‘to si Nenina, ako ang asawa mo, Franco... Alalahaning mo ako, mahal ko. Si Nenina ito at ako ang mahal mo...ang asawa mo...” I heard her whispered. When I woke up again, hindi na ako natataranta pa dahil sa halip ay naging kalmado ako. May mga naaalala pa rin ako pero ang hindi ko lang matandaan ay kung paano ako napunta sa lugar na ito at kung ano ba ang nangyari sa akin. Na ano’ng klaseng aksidente ba ang naganap. “Hindi Franco ang pangalan ko,” sabi ko sa kanya nang pinapakain na niya ako. Nawala man ang iilan na memorya ko pero sigurado akong hindi ko makakalimutan ang pangalan ko at pinanggalingan ko. Sa loob ng tatlong buwan na iyon ay siya lang ang nag-alaga sa akin. Ni hindi ko nakita ang pamilya ko at mukhang hindi rin sila naghahanap sa akin. Naaalala ko rin si Bythesea, my girlfriend. Kaya noong pinaramdam sa akin ni Nenina na mahalaga ako sa kanya ay sinubukan ko na rin siyang kalimutan pero may bumabagabag pa rin sa kalooban ko. Hindi ko alam kung bakit...tila may kulang din sa akin. Pero sa tuwing sinasabi ko sa kanya na babalik na ako sa Manila ay pinipigilan niya ako. Basta ang alam ko...palagi akong nawawalan nang malay sa tuwing binabanggit ko ang bagay na iyon. Ang hinihintay ko lang ay ang may dumating na mga kaibigan ko at ibabalik ako sa Manila. I just pretend that I don’t know anything and I didn’t bring out that topic. Dahil sa bawat paggising ko ay panibagong memorya ang naaalala ko at may nakalilimutan din ako. “Kumusta ang pakiramdam mo, Franco?” tanong sa akin ng kapatid ni Nenina. Siya ang sumusuri sa akin at nagbibigay ng gamot na iinumin ko. Isa siyang doctor at alam naman niya ang kondisyon ko. “I’m doing fine,” walang emosyon na sagot ko. “May naaalala ka na ba?” Umiling ako. “Iilan lang ang naaalala ko,” I replied. He said may selective amnesia ako at tama naman siya sa pagsusuri sa akin dahil may mga bagay akong naaalala na sobrang tagal na rin ang nangyari. Samantalang wala akong naaalala sa mga naganap bago ako naaksidente. Napatingin ako sa singsing na nasa daliri ko. I tried to remove this but I couldn’t. Parang nakasalalay rito ang kaligtasan ko sa mga kamay ng dalawang taong kasama ko pero hindi ko naman kilala. Paano ako? Paano ako makakaalis dito ng hindi na nila ako pinipigilan pa? Until one day, Bythesea came but... Ang ginawa ko ay pinagtabuyan siya dahil iyon ang naisip ko na gawin. Hindi ko rin inaasahan na mahahanap niya ako. Kahit ang lugar na ito ay wala akong idea. “Bythesea...” I uttered her name and she kept nodding her head. Umiiyak na siya nang makita niya ako. Hindi ko mawari ang klaseng pakiramdam sa dibdib ko. I just feel safe when I saw her. “O-Oo, ako ito... Ako ito, Lucas... Ako nga si Bythesea...” paulit-ulit na sabi ko. Alam ko, kilala ko siya. Nakikilala ko pa rin siya. Walang duda na siya nga si Bythesea, my girlfriend... “Iilan lamang ang mga alaala ko ang bumalik pero...” sabi ko. “U-Umuwi na tayo, Lucas...” pag-aaya niya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko. Pero napahinto siya at tiningnan ang daliri ko kung saan may suot akong wedding ring namin. Iyon ang sabi ni Nenina sa akin pero kahit ito ay wala akong naaalala. Nagising na lang ako na suot ko na ito. Kahit nga ang makita ang bagay na ito ay wala akong nararamdaman na kahit na ano. “Lucas...” I know she was surprised while seeing my wedding ring. Sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha niya at ang gusto ko lang sa mga oras na iyon ay ang yakapin siya. “Franko, mahal?” I heard Nenina uttered. “Franko, maambon na rito. Baka magkasakit ka... Halika na sa loob, mahal ko...” I remained silent at tiningnan ko lang ang gulat na mukha niya. Bakit ngayon? Bakit ngayon lang siya dumating? Bakit ngayon niya lang ako hinanap? Tumagal pa ng ilang...taon? Pero ang tatlong buwan na pananatili ko lang ang naaalala ko. “Tara na, Franko...” “Sandali lamang, mahal...” sabi ko at alam kong mas nagulat siya. Sa hindi malaman na dahilan ay nakaramdam pa rin ako ng galit sa kanya. Dapat noon pa nila ako hinanap. “S-Sino po sila?” Nenina asked her. “Sino ka?” she asked back. “Sino ka?” “Nenina ang pangalan ko. Asawa ko si Franko. M-May kailangan po ba kayo?” Naging malikot ang mga mata niya at tila may hinanap siya na mahalagang bagay pero huminto lang iyon sa kamay ni Nenina. Baka ang singsing ang hinanap niya. “L-Lucas...” “Franko... Franko ang pangalan niya...” Kumuyom ang kamao ko. Hindi ko gusto na tawagin niya akong ganoon. “Lucas... A-Ano ito?” she asked me. “Kasal na ako kay Nenina, Bythesea... Patawad...” sabi ko pero labag sa kalooban ko ‘yon. “Lucas...” Kahit hindi niya sabihin na nasasaktan niya ay iyon na ang nararamdaman niya. “Hindi totoo ‘yan, Lucas! Hindi mo siya asawa! Ako ang asawa mo at hindi siya!” she shouted and I felt the pain in my chest. I’m sorry... “Bythesea...” I called out her name. “Lucas, u-umuwi na lang tayo, hon... Let’s go, maraming naghihintay sa ‘yo, mahal ko...” she pleaded at sinusubukan niyang hawakan ang kamay ko pero tinatabig lang iyon ni Nenina. “Tigilan mo ang asawa ko! Wala kang karapatan para hawakan siya! Umalis ka na!” “Nenina...” “Ikaw ang umalis dahil hindi ka naman kilala!” “Bythesea!” Hindi ko sinasadya ang ginagawa ko. Nabigla rin ako. “What the fvck, dude?!” “Jaydel, sumusobra ka na. Bakit mo tinulak si Bythesea?!” Sinugod naman ako ng kaibigan kong si Jaydel at mahigpit niyang hinawakan ang kuwelyo ng suot kong t-shirt. Galit na galit siya sa ginawa ko kanina. “Ano ba ang ginagawa niyo rito? Umalis na kayo...” sabi ko. Marami pang nangyari sa pagitan namin ng mga kaibigan ko pero pinanindigan ko pa rin ang pagpapanggap ko na wala na akong pakialam sa kanila at ang bumalik sa Manila. Si Bythesea ang nagmakaawa sa akin na bumalik. “Umuwi na tayo... Umuwi na lang tayo sa Manila, Lucas. Hindi ito...hindi ito ang buhay na mayroon ka... Please, umuwi na tayo...” “Ayoko...” mariin na saad ko. “Lucas...” “Puwedeng uuwi ako... Pero hindi dahil sinusunod ko ang gusto mo, Bythesea. Hindi mo ako mapipilit ngayon na sumama sa inyo pauwi,” matigas na sabi ko. “Mas gugustuhin ko pa yata ang malaman na patay ka na, Lucas kaysa ang malalaman namin na buhay ka pero ang laki mong tanga...” Poirier commented, coldly. “Magkamukha kayo ng kaibigan namin pero parang hindi rin ikaw si Lucas Eberjey Dankworth. Ibang tao ka, ibang tao ka sa paningin namin...” “Lahat kami ay nag-aalala sa nangyari sa ‘yo, sa kalagayan mo pero nandito ka lang din na nagpapasaya sa kandungan ng ibang babae?” “Ori...” “Hindi natin makauusap ngayon nang maayos ang lalaking ‘yan. Mukhang nakaisturbo nga tayo. Tara na... Bumalik tayo sa ibang araw...” “Jay, gutso ko pang makausap si Lucas...” This is what I want, ang bumalik na sila sa Manila at hayaan na muna nila ako sa gagawin ko ngayon pero nagpumilit pa rin si Bythesea. She kept forcing me to go with her. I just can’t kahit gusto ko... Kahit gusto kong bumalik. Kahit hindi siya magmakaawa sa akin ay gusto ko pa ring bumalik. *** “Dalawang taon kang comatose, Lucas. Tatlong buwan ka na rin simula nang nagkamalay pero bakit ang tagal bago ka nila hinanap? Bakit ngayon lang? Dapat noon pa...” Isa iyon sa mga tanong na bumabagabag sa akin. Kilala ko ang mga kaibigan ko at gumagamit din sila ng koneksyon nila pero bakit nga ba? Bakit ngayon lang sila nagpakita sa akin? “Hindi ko alam. Sumasakit ang ulo ko,” sabi ko at napahawak ako sa sentido ko. Mula sa sulok ng mga mata ko ay nakita ko na hinanda niya agad ang gamot na iinumin ko. “Heto, mahal ko. Uminom ka muna ng gamot mo.” Ibinigay nga niya sa akin ang isang tableta ng gamot. Sa loob nga ng tatlong buwan ay ito na ang iniinum kong gamot. Hindi ko alam kung para saan ito, basta ang alam ko lang ay pagkatapos kong inumin ito ay mabilis akong antukin hanggang sa makatulog na nga ako. Nang bumigat na ang pagkurap ko ay inalalayan na niya akong humiga sa kama at marahan na hinilot pa niya ang ulo ko. “Magpahinga ka muna, Lucas.” I closed my eyes and I can still hear anything...pero ito ang unang beses na maririnig ko silang mag-usap tungkol dito. “Hanggang kailan mo siya paiinumin ng gamot na ‘yan, Nermiza?” tanong ni... Yeah, boses iyon ni Noej, ang kapatid ni Nenina. Ngunit ibang pangalan ang sinambit ni Noej. Sinong Nermiza? Nermiza... Ang pangalan na iyon ang pamilyar sa akin at hindi ko lang maalala. “Hanggang sa makuha ko na siya ng tuluyan, Kuya.” “Nermiza, hindi na nakabubuti sa kanya ang mga gamot na pinapainom mo. Alam mong nakalalason na iyon ng utak. Sa halip na gumaling siya ay mas lalo lang lumalala ang amnesia niya.” “Kaya nga. Itago mo nang mabuti ang mga gamot na para talaga sa kanya.” Ang alam ko lang din ay parang nilalason ako kaya pabago-bago ang takbo ng isip ko at mabilis din magbago ang mood ko. Lahat ng mga kaibigan ko ay galit sa akin. Nagalit sila dahil sa pagtrato ko kay Bythesea. Dahil sa pagiging masama ko. Pero alam ko naman na maiintindihan pa rin nila. Maiintindihan pa rin nila ang gusto kong gawin ngayon. “Kung babalik ba ang mga kaibigan mo, Lucas ay sasama ka na? Sasama ka na ba sa kanila? Iiwan mo na ako? Iiwan mo na talaga ako ngayon?” Ni minsan ay hindi ko sinubukan na gustuhin ang babaeng nasa harapan ko ngayon. Oo, inaalagaan niya ako at kitang-kita ko ang effort niya pero hindi pa rin maalis sa sistema ko si Bythesea, ang girlfriend ko na sinubukan kong kalimutan. Na wala naman siyang ibang ginawa kundi ang iyakan ako para lamang sumama na sa kaniya pabalik. Pero ano ba ang ginawa ko? Paulit-ulit ko pa rin siyang pinagtatabuyan. Kahit alam kong nasasaktan na siya. Nagpupumilit lang talaga siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD