“I hate to see it. I hate it when other men look at your body. I wanted so badly to pull their eyes out of their sockets,” he angrily stated. It was so obvious that he’s angry. Hindi na ako makapagsalita dahil naiiyak na ako sa takot. Hindi ko alam ang gagawin at kung paano magpapaliwanag. Tama lang pala sana talaga na hindi na ako dapat lumabas pa kanina. “S-sorry…” hindi ko na napigilan ang pumiyok at maluha. “Damn!” gigil pa ring usal niya. Pigil na pigil ko ang maiyak nang malakas. Pinagpapawisan na rin ako dahil mainit. Hindi kasi naka-on iyong aircon dahil nga pinatay din namin kaninang lumabas kami ni Tanya. Ilang sandali pang walang nagsasalita sa amin at nakatayo lang kami roon. Humihikbi ako ng mahina at hindi makagalaw. Ayaw kong madagdagan pa ang galit ni Keister sa akin.

