“Eh, kasi nahihiya akong lumabas na naka-swimsuit,” reklamo ko. Hindi ito nakaimik at awang ang mga labing tumitig sa akin. Tila ba may kaharap siyang kakaibang nilalang sa uri ng ekspresyon sa mukha niya kaya lalo lang akong nangunsume. “Nasa dagat tayo. Normal lang na ganito ang suot natin. Alangan namang mag-pajama ka? Hay, naku, ako na nga ang mamimili para sa iyo.” Hinarap niya iyong isang luggage bag ko na nakabukas at nakalitaw ang mga dala kong bathing suit. Mula roon ay inilabas niya ang kulay itim na two-piece suit. “Ito! Siguradong, lilitaw ng bonggang-bongga ang alindog mo rito. Ikaw talaga ang magiging star of the night, Vera!?” halos patiling sabi ni Tanya. Napangiwi naman ako saka umiling. “Hindi ko talaga kaya na–” “Heh! Isuot mo na ito. Halika na, bilis! Tumayo ka

