Pagdating ko sa meeting place namin ni Keister ay nakita ko ang isang white Maserati. Hindi ako ignorante para hindi malamang sports car iyon. Napabuntong-hininga ako. Sabi niya magdi-disguise siya, eh, di sana naman gumamit siya ng mga common lang na sasakyan. Nagpalinga-linga muna ako sa paligid bago lumapit na sa sasakyan. Bahagyang bumaba ang bintana at kita ko na agad ang nakangiting si Keister. Nakasuot siya ng dark blue shades at baseball cap. Ang fresh niyang tingnan sa white pants at black polo shirt na suot niya. Ang angas ng dating. “Tititigan mo na lang ba ako? Hindi ka sasakay?” natatawang tanong niya. Nagulat naman ako at parang biglang nagising mula sa isang panaginip. Bahagya kong iniiling ang ulo ko at mabilisang umikot papunta sa kabilang pintuan. Bumukas iyon at agad a

